Nandirito ako ngayon sa simbahan, naglalakad ako sa aisle habang nakatitig sa aking mahal na nasa unahan at kami ay pinagmamasdan.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng mapait.
Isa akong maid of honor.
At ngayon ay ang kasal ng best friend ko at ng lalaking pinakamamahal ko.
Ang sakit lang, kasi bakit...bakit ang ideya ko pa ang ginamit sa kasal nila?
Ako ang nakaisip nito! Ng lahat ng ito! Mula sa mga bulaklak at iba pa! Pati na rin ang gown ng best friend ko ay akin dapat iyon..ako..ako ang nagdisenyo niyon para maisuot ko sa kasal naming dalawa!
Kung bakit pa kasi hindi kami pwedeng dalawa...kung bakit kasi forbidden love pa ang tawag sa relasyon naming dalawa!
Pagkatapos ng kasalan ay dumiretso kaming lahat sa reception, bigla akong hinila papunta sa kung saan ni Ken. Ken ang pangalan ng lalaking mahal ko at asawa na ngayon ng best friend ko.
Hindi ako nakapagpigil.
*PAAAAAAAAAAAAKKKK!*
Sinampal ko siya, hindi lang isang beses.
"Ang kapal ng mukha mo na gamitin ang naisip ko na plano para sa kasal dapat natin! Ang kapal kapal ng mukha mo!! Ni hindi mo man lamang ako nirespeto!!*PAAAAAAAKKK*" Umiiyak na panunumbat ko.
"Ang kapal ng mukha mo.." Tuluyan na akong napaupo sa sahig, agad naman akong dinaluhan ng walang hiyang ito.
"Ang kapal ng mukha mo na pakasalan siya ng hindi man lamang ako hinihiwalayan.." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo, umiiyak na rin siya.
"Oo alam ko ang kapal ng mukha ko na gamitin ang mga plano nating dalawa sa kasal namin ni Val na best friend mo...pero masisisi mo ba ako? That's my only way para maisip na ikaw ang pakakasalan ko. I married her because our love was forbidden Eirelav. Pero pakiusap, lagi mo tatandaan na ikaw lang ang mahal ko... "
".....aking pinakamamahal na pinsan."
-------------++++++++++
@EirelavYumention a user