Story#23

1 0 0
                                    

Hay nako! Hindi tuloy kami makalabas ng boyfriend ko para mag date dahil sa Quarantine na iyan hmp!

Ano kaya ang pwedeng gawin? *ting* Alam ko na!

Ipapakilala ko na lamang kay mama ang boyfriend ko! Whahaha

"Pst boyfie tara dito ipapakilala kita kay mama dali!" sabi ko habang nakangiti sa boyfie ko pero hindi niya ako pinansin tinitigan niya lang ako.

Hmp! Ang snob at cold talaga nitong boyfriend ko kaloka! Pag ako hindi nakapag pigil ibebreak ko talaga ito hmp.

"Hay nako ako na nga ang lalapit saiyo, ang snob mo talaga kahit kailan boyfie hmp!" lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, grabe ah ang kapit naman ng kamay nitong si boyfie sa kamay ko, mukhang sabik na sabik mahawakan kamay ko eh whahaha!

"MAMAAAAAAAAAAAA!" tawag ko kay mama, nakita ko siya sa sala na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.

"Ano ba iyang bata ka ke aga aga ang ingay ng bunganga mo! Ano ba ang problema mo at sigaw ka ng sigaw diyan ha!!" nakakunot ang noong sabi ni mama habang nakatingin sa akin.

"Mama! Ipapakilala ko lang po iyong boyfriend ko hihi!" kinikilig na sabi ko.

"Ah talaga? Sige, ano ang pangalan at nasaan siya?" nakangising sabi ni mama.

"Si Tiki po mama hihi, ito po siya." nakangiti at proud na sabi ko kay mama tapos ipinakita ko ang boyfriend ko.

*BOOOOOOOGSSSSSHHHHH*

"AY JUSKO!" sigaw ni mama pagkatapos batuhin ng remote ang boyfie ko huhu!

"Mama naman eh! Bakit mo naman binato ng remote iyong boyfie ko! Huhu pano kung mamatay siya!" naluluhang sabi ko habang nakatingin sa katawan ng boyfie ko na nahulog sa tiles.

"Nako ikaw talagang bata ka! At sinong baliw ang magjojowa ng isang butiki ha?! PUMUNTA KA DOON SA KUSINA AT MAG HUGAS NG PINGGAN KUNG WALA KANG MAGAWA! AYOKO NG MANUGANG NA BUTIKI KAYA UMAYOS KANG BATA KA!!" sigaw ni mama habang nakatingin sa boyfriend ko.

Napakamot ako sa aking ulo.

Ano ba ang problema sa boyfriend kong si Tiki butiki? Normal naman siya ah? Huhu.
------------+++++++
@EirelavYu

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon