"Mahal? Bakit ngayon ka lang?" kunot noong tanong ko sa girlfriend ko.
"Ah wala Mahal, gumala lang kaming magtotropa." nakangiting sabi niya at lumapit sa akin, lumayo ako ng kakaonti.
"Eh sino iyong lalaking naka-akbay saiyo kanina? At isa pa, anong oras na? Uwi ba ng matinong babae ang ganitong oras?" nakakunot noong tanong ko, napanguso ka at niyakap ako bigla bago mag salita.
"Sorry na Mahal, kaibigan ko lang iyong umakbay sa akin kanina at nag enjoy lang kami kaya medyo ginabi hehe." nagpapacute na sabi niya at hinalikan ang pisngi ko, medyo humupa ang galit ko pero hindi dapat galit pa rin ako! Galit ka pa rin Benten galit ka pa rin tandaan mo iyan galit ka!
Ikinunot ko ang aking noo at kumalas sa pagkakayakap niya, tinignan ko siya ng salubong ang mga kilay.
"Anong sorry sorry? Hindi mo ako madadala sa sorry mo dapat hindi ka nagpapa-akbay at dapat maaga ka umuwi----" naputol ang sinasabi ko ng magsalita siya.
"I love you" nakangiting sabi niya, napakukot ang noo ko at itinuloy ang sasabihin ko.
"Dapat sa susunod umuwi ka na ng maaga kung ayaw mong hindi kita payagan-----" naputol ulit ang sinasabi ko
"I love you" nakakunot noong sabi niya sa akin.
"Kung ayaw mong hindi kita pagayan----"
"Hindi mo pinansin ang I love you ko?! Lumayo ka sa akin! Galit ako sayo galit ako!" galit sigaw niya
"kung-----teka ako dapat ang galit diba? Oy Mahal I love you too, Mahal naman sorry na," ito na naman
"Hindi! Galit ako! Doon ka na! Lumayas ka sa harap ko! Ayaw ko na! Galit ako!" ako dapat ang galit eh.
"Sorry na, Mahal naman eh. I love you I love you I love you" tumalikod siya at nagdadabog na pumasok sa kwarto, napabuntong hininga ako.
"Paano ninyo ba nagagawang baliktarin ang sitwasyon ha? Mga babaeng ito talaga, kami dapat ang galit pero binabaliktad ninyo naman hays," nasabi ko na lang.
"HOY BENTEN! MANAHIMIK KA DIYAN! GALIT AKO SAIYO TANDAAN MO GALIT AKO! GALIT AKO!" nagulat ako ng biglang sumigaw ang girlfriend ko.
Hays mukhang mahaba habang suyuan na naman ito, nako kung hindi lang kita mahal e.
-----------++++++
@EirelavYu