Story#49

2 0 0
                                    

Ano ang paborito mong gawin habang naliligo? Ako? Paborito ko kumanta! Wala lang nasasayahan lang ako kumanta habang naliligo at hindi rin naman ako nahihiya dahil ako lang naman mag isa ngayon dito sa bahay.

Nakasanayan ko na kumanta lagi habang naliligo ako kaya ngayon kumakanta ulit ako.

"I'm the one I should loveee in this world~🎶" kanta ko. Sa totoo lang paborito ko iyang kanyang iyan at iyan lang ang lyrics na alam ko kaya iyan lang ang lagi kong kinakanta.

Sa wakas! Tapos na rin ako maligo. Nagpupunas ako ng aking buhok at katawan ng mahagip ng aking mga mata ang salamin na katapat ko lamang. May fog ito... At may nakasulat na salita.

"YOU HAVE A LOVELY VOICE." iyan ang nakasulat sa salamin. Sa pagkakaalam ko ay ako lang mag isa ang nandito dito tama ba? I-ibig sa-sabihin? WAHHHHHHHHHH! MAMA MAY MUMUUUUUUU! kumaripas ako ng takbo palabas ng cr kahit basa pa ako kaya hindi ko maiwasang hindi madulas at mahubadan ng tuwalya.

"Hoy Eirelav! Bakit ka naman tumatakbo ng nakahubad ha?! Inaakit mo ba ako?" napalingon ako sa nagsalita, si Ken! Asawa ko si Ken. Dali dali akong napatakbo papalapit sakaniya habang nanginginig

"K-ken! I-iyong ano...a-ano!" utal utal na sabi ko ang hirap magsalita shems!

"Ano?ano ka ng ano anohin kita diyan eh! Whahaha," aba tatawa tawa pa ang loko!

"Iyong salamin! S-sa banyo! M-may nakasulat! May nakasulat!" nanlalaki ang matang sabi ko.

"Ah iyon ba? Ako ang nagsulat niyon, ang ganda ng boses mo misis ko~" malambing na sabi niya----- teka! Siya ang nagsulat?!

*BOOOOGGGGSSSHHHH*

"WALANG HIYA KA! TINAKOT MO AKONG LOKO KA! SA SOFA KA MATUTULOG MAMAYA!!!!!" sigaw ko sakaniya pagkatapos ko siya malakas na binatukan, nagdadabog akong pumasok sa kuwarto. Hmp! Makapagbihis na nga!
--------------+++++++++
@EirelavYu

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oneshot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon