Nagamit ako ng cellphone dito sa loob ng Jollibee.
Habang hinihintay ko iyong order ko na dumating ay narinig ko iyong mga kabataan mula sa kabilang lamesa.
At dahil nga medyo chismosa ako pero medyo lang talaga ay siyempre pinakinggan ko sila hehe~
"Oi mga sis nagtitiktok ba kayo?"
Pfft tiktok pala ang topic nila, sa tingin ko mga Grade 7 pa lang itong mga batang ito.
"Oo sis! Napapanood ko nga iyong mga tiktok vids mo eh, sorry sis pero realtalk lang hindi ka magaling sis."
"Oo nga I agree, para kang bulate na inasinan whahahha!"
Nyak! Grabe sila sa kaibigan nila ha kaloka.
"Aba! Kung makapagsalita kayo diyan ha akala ninyo magaling kayo mag tiktok!"
"Ano ha! 1v1 na lang ng Gatorade oh! Laban sige!"
"WHAHAAHHAHAHA!"
Potek di ko na napigilan ang tawa ko kaya napatingin sila saakin, nag iwas ako ng tingin at painosenteng nag scroll scroll sa aking cellphone.
Gatorade daw? Whahahha Red Granade iyon eh mga loka!
---------------+++++++
@EirelavYu