+. BE CAREFUL ON WHAT YOU WISH FOR
Oh gabi na pala? Grabe ang bilis talaga ng oras. Anong date na ba ngayon? Ah April 20 na pala, hays naalala ko na naman si Ken ex ko. 1 year na sana tayo kung hindi mo lang ako ni-ghost.
Napatingin ako sa orasan, oh! 11:11 na pala. Makapag wish nga, wala namang mawawala eh. 11:11 hinihiling ko na sana bumalik ka Ken, sana magsama na tayo ulit dahil mahal pa kita. Marupok spotted.
Ang boring naman, napagdesisyunan ko na mag online na lang. Boom! Online pala si Ken, may naisip akong kalokohan mai-chat nga hehe.
'Pst Ken! Ano buhay ka pa pala?'
Natawa ako bigla sa sinabi ko, tumunog ang cellphone ko. Nag reply na siya.
'Hmm Eirelav, kamusta ka na?'
'Ayos lang naman Ken, kung hindi mo ako ni-ghost 1 year na sana tayo ngayon.'
Biglang kumirot ang puso ko.
'Pasensya na Eirelav, nabangga kasi ako ng kotse habang ka chat kita kaya ngayon lang ako nakapag reply ulit.'
'Ah talaga? Joker ka talaga Ken, ano kamusta anong feeling ng nasa kabaong?'
'Ito masikip, hindi ako makahinga ng maayos at madilim din.'
Bigla akong kinilabutan, anong trip nito? Ako dapat ang mangtitrip pero ako yata ang napagtripan.
'Talaga ba? Sama ako tara sa loob ng kabaong mo whahaha'
Nagbiro ako pero lalo akong kinilabutan hays, ibinaba ko ang cellphone ko at umupo muna nakakangalay palang humiga buong araw grabe.
May kumalabit sa akin, sino iyon? Napalingon ako sa likod ko.
"Ken? Pst Ken ikaw ba iyan?" tanong ko, parang naaninag ko si Ken eh.
"Oo Eirelav ako nga." sabi ni Ken at ngumiti, shems ang gwapo talaga! Nangunot ang noo ko.
"Teka? Paano ka nakapunta dito? Bawal lumabas diba at isa pa nakalock ang mga pinto. Saglit nga! Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Isa isa lang naman Eirelav mahina ang kalaban, tumagos ako sa pinto ninyo. Nandito ako para sunduin ka." bigla akong natawa, tumagos? Whahaha ang lupet.
Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Ken, bakit ganiyon? Napapikit pikit ang mata ko bigla, namamalikmata lang ba ako o talagang duguan si Ken ngayon?
"Nandito ako para sunduin ka, samahan mo ako sa loob ng kabaong ko!" hinawakan ako ng Ken, a-ang lamig ng kamay ni Ken! Seryoso ba ito?
"Oo Eirelav, seryoso ako. Humiling ka diba? Nagbalik na ako at isasama kita ngayon." hinawakan ni Ken ang leeg ko at sinakal ako.
Hindi! Hindi! Ayaw ko pang mamatay! Hindi! Ayaw kong sumama saiyo! Ayaw ko! Unti-unti akong nahirapang huminga hanggang sa nilamon ako ng kadiliman.
"S-sana pala hindi na lang ako humiling..."
-------++++++
@EirelavYu