I have this rich boyfriend his name is Ken.
Ayaw sa akin ng pamilya niya.
"I'll give you 10 Million layuan mo lang si Ken!"
Sinabi ko kay Ken ang sinabi ng mama niya sa akin.
"Mag tanan na tayo, kaya naman kitang buhayin."
Ilang buwan ang nakalipas, nakatira kami dito sa isang apartment. Tama kayo, pumayag ako na mag tanan kami.
Isang araw, nakita ko siya na nakahawak sa ulo niya. Nasundan ang paghawak sa ulo niya na tila ba nasasaktan.
Hapon noong araw na iyon, bigla siya inubo ng dugo at nawalan ng malay.
"Tulooong Tulooong!" sigaw ko.
Maswerte at may tumulong sa akin, dinala ko siya sa ospital at tinawagan ang mama niya.
Umiiyak ako ngayon habang nakatingin kay Ken na nakahiga sa hospital bed habang umiiyak din, may babaeng nag aalaga sakaniya. Nasasaktan ako.
Umalis ang babaeng nag aalaga sakaniya, sinamantala ko ang pagkakataong ito upang pumasok at kausapin si Ken.
Umiiyak pa rin si Ken, tumakbo ako at lumapit sa kaniya.
Ngunit parang hindi niya ako nakikita, niyakap ko siya at nagulat ako dahil...
Dahil tumagos ang kamay ko sakaniya.
Biglang may pumasok sa alaala ko.
Binaril nga pala ako, pinapatay ako ng mama ni Ken.
May lumandas na luha sa mata ko.
"Mukhang hindi talaga tayo para sa isa't isa."
----------++++
@EirelavYumention a user