"Mister ko! May good news akooo~" tuwang tuwang sabi ko sa boyfriend kong si Ken.
"Woah ano naman iyan? Sabihin mo misis dali," nakangiting sabi ni Ken.
"Tentededen! Pwede na ako pumunta abroad para sa future natin awieeeEee!" Unti unting nawala ang ngiti ni Ken.
"Anong abroad? Walang abroad! Walang pupunta sa abroad!" nakikita ko ang galit sa mga mata ni Ken habang sinasabi ang mga salitang iyan.
"Pero mister ko... pangarap ko ito, magandang opportunity ito at para ito sa future natin!" giit ko.
"Hindi! Kapag sinabi ko na hindi, hindi!" galit na sabi niya.
"Pero-------"
"Sige, mamili ka. Abroad o ako?" Napadalawang isip ako sa sinabi niya, pero buo na ang desisyon ko.
"Sige... Break na tayo." Nakita ko ang paglandas ng luha sa kaniyang mata at saka siya umalis bigla. Para naman ito sa future namin at isa pa, naniniwala ako na 'If you love someone, set him/her free. If he/she comes back. He's/She's yours forever. That is the art of letting go.' may lumandas din na luha sa aking mata.
*FEW YEARS LATER*
Nakauwi na ako sa Pilipinas, isang balita ang sumalubong sa akin. Ikakasal na pala si Ken.
Mukhang mali ang naging desisyon ko pero tama rin naman, pinatunayan lang nito na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Napangiti ako ng malungkot, "Sometimes people meet each other but it doesn't mean that they're together forever."
------------++++++++
@EirelavYu