Gantihan Lang yan!
Nag lalakad ako sa hallway ng school namin nang makita ko ang aking crush na mortal ko ring kaaway. Nagkatinginan kaming dalawa at bigla siyang ngumisi, naglakad siya papalapit saakin at bigla akong niyakap.
"Ang maipapayo ko lang sayo, wag kang pumunta sa maraming tao kung ayaw mo mapahiya. Bye." ngisi niya ulit at lumakad na palayo, nagtaka naman ako sa inasal nito pero hindi ko nalang pinansin dahil sanay naman na akong mapahiya at tumuloy na sa paglalakad papunta sa room.
Habang naglalakad ako medyo nagtataka ako dahil lahat ng mga taong nakikita ko ay napapatitig saakin sabay biglang tatawa, kaya huminto ako para mag tanong kung anong meron kung bakit sila tumatawa.
"Happy day ba ngayon? Bat parang ang Saya saya nyo yata." Sabi ko, Nagkatinginan naman ang mga tao sabay tumawa ulit.
"Tignan mo yung likod mo miss." tumatawang Saad ng lalaki. Pano ko naman titignan likod ko? Baka mabali ang leeg ko pag tinignan ko likod ko.
Kinapa ko ang likod ko at parang may papel na nakadikit sa likod ko. Anak ng tokwa naman! Sabi ko na nga ba at may masamang binabalak yung lalaking yon. Sino ba namang di magagalit kung ganto ang naka sulat sa likod mo!!
"I'm a good girl, text me if you want to fuck me, I'm free!"napangisi ako nang may pumasok na ideya sa isip ko tss, kahit crush kita gaganti ako sayo! Humanda ka it's payback time! WHAHAHAHA
Nakita ko siya sa court ng aming school habang kasama niya ang kanyang mga tropapits at may mga babae sa likod nila na parang mga bulateng inasinan tss.
"uy! Long time no see!" Sabi ko
"who's that kid bro?" Sabi ng Tropa niya
"Ako? Ako ang binuntis niya, girlfriend niya ako dati pero nang nabuntis iniwan niya ko, at oo nga Pala Yung anak mo three months na, anong balak mo?" painosente kong Sabi sakanya, nilakasan ko pa pag Sabi niyan. Yung mga expression ng mga tao don gulat na gulat at Di makapaniwala.Parang napikon yata siya at hinatak ako palayo
"Anong pinagsasasabi mo ha?!" wika niya habang namumula"Pinahiya mo ako kanina, Kaya Pinahiya din kita. Gantihan lang yan! Di porke crush kita Di na kita papatulan!" nagulat ako dahil nasabi ko Na crush ko siya Kaya napatutop ako saaking bibig habang siya nama'y nanlalaki ang mga matang nakatitig sakin at Maya maya'y biglang napangisi.
"So crush mo rin pala ako? HAHA gusto mo buntisin talaga kita?" tanong niya na ikinapula naman ng mukha ko kaya sinikmuraan ko siya
"Kung ano ano pinagsasasabi mo! Hindi ka pa tuli remember?At hindi pa ako nagkakaron remember?" Sabi ko
Saktong pagkasabi ko nun ay nakita kami ng teacher namin at pinabalik kami sa room, tss magcocolor na naman kami nito at sasayaw ng chikading.
------------++++++++
By:EirelavYu