Nag cecellphone ako as always dito sa sofa na kinauupuan ko palagi dito sa bahay ng may biglang naramdaman ako na lumapit sa akin, pero hindi ko na lamang pinansin.
"Anak, ikaw ha mag ingat ka palagi. Wag ka muna mag gala gala at lagi ka maglagay ng face mask at gumamit ng alcohol lagi ka rin mag huhugas ng kamay."
Si papa pala ang nagsalita, hindi ko na lamang siya pinansin dahil busy ako dito sa cellphone ko.
"Mag iingat ka. Nako kapag nahawaan ka ng ncov na iyan hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, baka mamaya makita ninyo na lamang ako diyan sa labas na pakalat kalat dahil nabaliw na ako. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na nagkakasakit ka dahil ikaw lang ang prinsesa ko, mahal na mahal kita anak mamamatay talaga ako pag may nangyari saiyo."
Patuloy lang siya sa pagsasalita. Tss edi wow.
Lumaganap na nga ang corona virus. Hindi ko sinunod ang sinabi ni papa. Hindi ako naghuhugas palagi ng kamay, hindi ako nagamit ng alcohol, hindi ako nagamit ng facemask sa matataong lugar at kahit laganap na ang nasabing virus ay nagala pa rin ako. Iyon ang gusto ko eh bakit ba at talaga namang nakakatamad mag alcohol at magsuot ng facemask tsk.
Ilang lingo na rin akong inuubo at sinisipon, nilalagnat na rin ako.
"Anak ko, ano bang nangyayari saiyo ito ang gamot inumin mo."
"OO NA! OO NA! MAMAYA IINUMIN KO IYAN ILAPAG MO LANG DIYAN TSK." Medyo pasigaw na sabi ko habang patuloy pa rin sa pag gamit ng cellphone. Istorbo kasi tsk!"Anak? Anak? Gising anak, ayos ka lang ba? Ang taas taas ng lagnat mo at bakit naman hindi mo iniinom ang gamot mo?" Hindi ako makapag salita, nanghihina ako. Inaantok ako.
"Anak! Saglit lang dadalhin kita sa ospital anak ko." nakatulog ako.
"Sir ang anak po ninyo ay positive sa COVID 19."
Nagising ako dahil narinig ko ang mahihinang iyak ng papa ko.
"Ano anak ko? Ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" nagpupunas ng luha na sabi ni papa. Hindi ko siya sinagot.
Makalipas ang Ilang araw.
"Miss? Tatay ninyo ho ba iyong pakalat kalat sa labas? Nako miss nababaliw na yata ang tatay ninyo! Nandoon sa tuktok ng isang building gusto na yata mamatay!" sabi ng nurse na biglang pumasok sa aking kwarto.
Si papa? Napatakbo ako palabas pero huli na ako.... Nakita ko na lamang si papa na nahuhulog na pababa sa building sa labas.
Ba-bakit ba kasi ako *sobs* hindi nakinig kay papa. Ang gusto lang naman *sobs* naman niya ay ang mapabuti ako pero *sobs* pero hindi ko sinusunod ang sinasabi niya... Kasalanan ko... Kasalanan ko!
Nang dahil saakin ay namatay ang papa ko na ang gusto lang ay maging maayos ang lagay ko, namatay ang papa ko na mahal na mahal ako.
Isang mensahe para sainyo, sundin na lamang ninyo ang mga magulang ninyo ng dahil nag aalala lamang sila sainyo at nais maging ligtas kayo, hindi sila OA sadyang mahal na mahal lang talaga nila kayo.
-----------++++++++
@EirelavYu