AdM35

905 40 0
                                    

“Where are you?” Napatalon sa sobrang gulat si Sky nang biglang mayroong nagsalita sa isipan niya.

Si Law lang pala. Tinignan niya ang paligid, laking gulat niya nang mapagtantong nasa dulo na pala siya ng silid. Nasa harap kasi siya ng pader. “Nandito pa ‘ko sa lugar kung saan ko nakita ang aking weapon accessory, Mr. President.”

“You found it?” Tumango siya sa tanong nito. Napatampal siya sa noo nang mapagtantong hindi niya nga pala kaharap ang kausap. Sinagot niya ang tanong nito ng ‘oo.’ “Then why aren’t you back here yet?” Masungit na tanong nito.

She made a face. Pero agad niya ding sinagot ang tanong nito. “Pabalik na, Mr. President.” Naglakad na siya pabalik.

“Faster. You’re the only one we’re waiting.” Utos nito na agad naman niyang sinunod. Patakbong tinunton niya ang pabalik.

Hinihingal siya nang marating niya ang bungad ng silid. Kagaya ng sinabi ni Law ay siya na nga lang ang hinihintay sapagkat nandoon na ang lahat.

Nang makita siya ng guro ay muli na itong nagsalita. “I guess everyone’s already here, we will now go back in the training room. Form the same line as a while ago, trainees.”

Muling pumila ang mga mag-aaral. Ang pila ay gaya kanina, batay sa kani-kanilang apelyido. Binuksan na ng guro ang pinto at naglakad na sila pabalik sa kung saan sila nanggaling.

Diretso ang tingin ni Sky sa harapan, o mas tamang sabihing sa likod ni Law, kaya bahagya siyang nagulat nang lumingon ito sa kaniya, kunot-noo ito. “Where is your weapon accessory?”

Pinakita niya dito ang sariling sandata, ang katana. Napatigil ito sa paglalakad, animong natigilan pagkakakita sa kaniyang katana. Napatigil din sa paglalakad si Sky, nakakunot-noong tinignan niya si Law, iisipin niya sanang nagulat ito pero wala kahit anong bakas ng pagkagulat sa mukha nito, bagkus ay wala itong kaemo-emosyon, kagaya ng dati.

“Mr. Skullwalker? Ms. Stonelight?” Napunta ang atensyon nila sa guro nang tawagin sila nito. Nakakunot-noo ito. “What are you two doing in there?” Biglang nagbago ang emosyon nito, naging istrikto. “You two, come here. I shall start the training.”

Agad silang sumunod sa sinabi nito. Nakayuko si Sky habang naglalakad, ramdam niya kasi na nasa kaniya, o mas tamang sabihin sa kanila ng kasama, ang atensyon ng lahat.

Pinaghiwalay ang mga mag-aaral ng guro, mahigit sampung metro ang layo nila sa isa’t isa. Napakalaki ng silid, kaya naman malaki pa din ang espasyo sa paligid kahit na nagkalat ang mga mag-aaral.

“Let’s start. Bring out your accessory weapon, students.” Utos ng guro na agad sinunod ng mga mag-aaral. Kan’ya-kan’ya silang labas ng sariling sandata. Isa-isang tinignan ni guro ang sandata ng bawat isa. Sinisiguro nito na ang sandatang hawak ng bawat mag-aaral ay angkop sa kanila, na walang nandaya.

Napakunot-noo ito nang mapunta ang tingin nito sa mag-aaral na nasa pinakasulok, si Sky. Hindi kasi nito nakita ang sandata ng huli. “Ms. Stonelight? Where is your weapon accessory?”

Pinakita ni Sky ang kaniyang katana sa guro. Tinaas niya ang hawakan nito at agad na lumabas ang mahabang talim nito. Kita niyang napaawang ang mga labi ng guro at iilang kamag-aral sa gulat.

Nilapitan siya ng guro. Bahagyang napakunot-noo siya nang makita ang ekspresyon ng mukha nito habang titig na titig sa kaniyang katana, parang hindi ito makapaniwala at gulat na gulat, awang pa rin ang mga labi, pero nasa mga mata nito ang pagkamangha.

“The Ruler’s Katana...” Mahinang saad nito, nasa boses ang pagkamangha. Tinignan siya nito saka nginitian. “Did you know that that katana is the most powerful weapon in the Weapon Room?” Anito na ikinagulat niya. Natawa ito. “And you know what, the former owner of that katana is the only woman ruler of an all male warrior army in the second magic world war. She is also considered a hero in our world’s history.”

Siya naman ngayon ang napaawang ang mga labi sa gulat sa mga nalaman niya. Tinapik ng guro ang kaniyang balikat. “I’ll be watching you, Ms. Stonelight. Good luck.”

Bumalik na ang guro sa harapan at doon na nagsimula ang pagsasanay ng mga mag-aaral sa paggamit ng kani-kanilang sandata. Napakahirap ng kanilang pagsasanay, sa katunayan ay halos lahat sa kanila ay muntik nang sumuko, salamat sa tagasanay na nag-aalo sa kanila, patuloy pa rin sila lumalaban.

Pawisan na ang karamihan sa mga mag-aaral, ang iba pa nga ay mayroon nang mga sugat na nadugo. Nang dumating ang tanghalian, pinatinigil muna ng guro ang pagsasanay upang makakain sa kantina ang mga mag-aaral. Saglit pa itong umalis, kasama si Law na hindi man lang pinawisan sa pagsasanay, sapagkat pinatawag sila ng punong-guro dahil mayroon na namang miting sa opisina.

Lupaypay na sa sahig ang mga mag-aaral, iisa na lang ang nakatirang nakatayo, si Iro, pero halos naliligo na din siya sa pawis. Mga bata pa lamang sila ni Law ay sinanay na sila ng kaniyang lolo na gumamit ng iba’t ibang sandata, pero halos dalawang taon na din mula noong nagsanay siya, kaya ngayon ay nabigla ang katawan niya. Hindi kagaya ni Law na tuloy-tuloy sa pagsasanay, araw-araw, walang pahinga, wala kasi sa bokabularyo nito ang salitang ‘pahinga.’

Nang mahimasmasan ang mga mag-aaral ay nagsipuntahan na sila sa kantina, para silang bibitayin kung kumain, maliban na lang ang grupong MMM, mahalaga pa rin sa kanila ang salitang ‘diyeta.’ Kabaliktaran nila ang FMC, na taob ang lahat ng plato na nasa lamesa.

Nang matapos ang tanghalian ay nagsibalikan na ang mag-aaral sa silid-sanayan. Nandoon na ang guro at si Law na naghihintay. Pinaupo ng guro ang mga mag-aaral sa sahig. “Before we once start again the training, listen first to the president. He will announce something about a very important matter.”

Tumayo na si Law. Siniguro niya na nasa kaniya ang atensyon ng lahat bago magsalita. “The Partnership will start on seven in the morning tomorrow.” Anunsyo niya na ikinagulat ng karamihan. Marami ang naglabas ng bayolenteng reaksyon ukol dito. Umingay tuloy ang paligid.

“Silence.” Agad na tumahimik ang lahat nang sabihin ‘yon ni Law. Takot lang nila maparusahan kapag sinubukan nilang buksan ang kanilang bibig. Nagpatuloy na sa pagsasalita ang presidente. “Be at your best formal attire. The open ceremony will be on the school’s open grounds. Be there at five o’clock in the morning.” He commanded. He then turned to Sky. “Ms. Stonelight, remain here still after training. We need to discuss something important.”

Kalmadong tumango lamang si Sky sa sinabi ni Law, pero sa loob-loob niya ay napakabilis ng tibok ng puso niya, siya’y kinakabahan ng sobra, hindi niya lang alam kung para saan ba ang kaniyang kaba, kung para bukas, sa okasyong wala siyang kaalam-alam kung anong meron, o para mamaya, sa magiging pulong sa pamamagitan nilang dalawa ni Law.

Or maybe both?

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon