AdM59

751 35 2
                                        

Mabilis niyang tinanggal ang nakatalukbong sa kaniyang kumot at bumangon saka dali-daling naglakad patungo sa pinto.

Binuksan niya iyon at bumungad sa kaniya si Law. Salamat sa buwan na siyang nagbibigay liwanag ay nakita niya ang binata nang malinaw. Gaya ng dati ay walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Nasa loob naman ng mga bulsa ng suot nitong pantalon ang mga kamay.

Napakurap-kurap siya, hindi malaman ang sasabihin. Noon lang umayos ang takbo ng utak niya.

"Anong oras na?" Naitanong niya sa sarili, hindi niya namalayang natanong niya na pala 'yon nang malakas.

"Four-thirty." Ang sagot sa kaniya ng binata.

"Oh, eh, bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Hindi niya na nakontrol ang bibig. Nang mapagtanto ang tinanong ay napalunok siya at ginusto na lamang na kainin siya ng lupa sa mga oras na 'yon dahil sa kahihiyan at takot sa kaharap.

Did he got offended?

Aish! Bakit ba kasi walang preno 'tong bibig ko!

"Today will be our first day of training." Tinalikuran na siya nito. "I'll give you five minutes to fix yourself. I'll be by the entrance." Saka ito naglaho.

Napakunot-noo siya.

Training?

Sinara niya na ang pinto ng dormitoryo. Pagkasara ay nanlaki ang mga mata niya. Mayroon siyang naalala.

The Partnership! Malamang 'yun 'yon!

Rumehistro sa kaniyang utak ang mga huling sinabi ni Law kani-kanina lamang. She panicked.

Five minutes! Bakit ba limang minuto lang binigay niya sa 'kin?!

She got her wand and casted a spell to light up the edge of it, then went to the bathroom and did her business, took a bath and brush her teeth. Mabilis ang kaniyang kilos. Ayaw niyang mahuli sa tinakdang oras sa kaniya ng kaniyang training partner.

Binuksan niya ang damitan at kinuha ang pinakaunang damit na nakita niya at sinuot 'yon. Pati na rin sa sapatos, basta na lang niya hinablot ang isang pares at sinuot ang mga 'yon.

Sinara niya na ang damitan. May nahagip bigla ang mga mata niya. Napakunot-noo siya.

Mayroong sandamakmak na mga kahon na patong-patong ang nasa isang sulok. Sa dami n'yon ay halos unabot na 'yon sa kisame. Napakibit-balikat siya at pinili na lamang balewalain 'yon.

Palabas na siya ng dormitoryo, nang may biglang nagsalita—si Sam. "Sky? Saan ka punta? Teka, anong oras na ba?" Humikab pa ito.

Natigilan siya at napaisip.

Saan nga ba kami papunta ni Law—saang lugar magsasanay?

"Hindi ko alam, eh." Kaniyang sagot, kibit ang balikat. "Basta ngayon daw ang simula ng pagsasanay namin ni Lonan." Aniya. "Una na 'ko, ha?"

Mabilis ang kilos ni Sky, nagmamadali. Nakaawang ang mga labi na sinundan na lamang ng tingin ni Sam ang nauna. Lumabas na ito ng dormitoryo at isang minuto rin siyang nakatulala sa pintong nilabasan nito.

Nang mahimasmasan siya ay tumayo siya at binuksan na ang ilaw ng dormitoryo. Si Vi na lamang ang nakita niya—siya at ang kaibigan na lamang ang nasa sa dormitoryo.

Napanganga siya nang mabistahan ang isang sulok ng dormitoryo.

Hindi na mabilang ang mga kahong naroroon. Kung kahapon ay puro shopping bags, ngayon ay may mga regalo na!

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon