“Sorry, we’re late, Mr. Wolfwood.” Paghingi ni Iro ng paumanhin sa guro. Tinanguan siya nito, senyales na tinatanggap nito ang kaniyang paumanhin. Bahagya siyang yumuko bago inalalayan papasok sa silid si Vi.
Buti na lamang at sinundan niya sila Vi at Ash. Nakita niya kani-kanina lamang si Ash na pinapahirapan ng husto si Vi, inutusan kasi nitong pakainin ang isang napakalaking lobo ng sariwang karne. Muntik pa ngang makagat ang kamay ng dalaga, buti na lang nandoon siya at naagapan ito.
Kasalukuyang nasa silid kung saan pinapatawan ng parusa ang mga mag-aaral na lumabag sa batas ng paaralan at si Ash. Ang parusang ipapataw dapat kay Vi ay napunta kay Ash. Ang kapatid naman nito na si Ela ay masinsinang kinakausap ng presidente. Hindi kasi ginawa ng dalaga ang tungkulin na ibinigay sa kaniya at hinayaan niya pang dalhin ng kaniyang kapatid sa kapahamakan ang isang mag-aaral.
Iginiya pa ni Iro si Vi patungo sa upuan na nasa tabi ni Sky. Ang lahat, maliban kay Sam, ay nakatingin sa dalawa, si Iro ay walang pakialam sa mga matang nakabantay sa bawat galaw niya habang si Vi naman ay ilang na ilang. Nang makaupo si Vi, tinakpan agad niya ang mukha gamit ang kaniyang buhok. Laking gulat ng lahat nang biglang humila ng isang upuan si Iro at tinabi kay Vi. Agad na pinakiramdaman nila Jo at Sky ang katabing si Sam, pero tila meron itong sariling mundo, tutok na tutok ito sa pagguhit.
Noon ay pumasok na sa silid ang nakasimangot na si Maddie. Sa katunayan ay kanina pa ito na sa may pintuan, pinanonood ang bawat kilos ni Iro. Kasunod niya siyempre pumasok ang mga kaibigang sila Mimi at Molly. Sinamaan niya ng tingin ang direksyon kung saan nakaupo sila Vi, Sky, Sam at Jo, bago siya padabog na umupo sa upuan. Nakigaya ang mga kaibigan niya sa kaniya, padabog din ang mga itong umupo sa upuan. Sunod na pumasok sila Dash, Coby at Ash. Bago umupo ang huli ay sinamaan niya ng tingin si Iro na hindi nito nakita kaya lalo lang uminit ang ulo niya dito. Ang huling pumasok ay ang walang kaemo-emosyong presidente. Diretso ang tingin na naglakad ito at umupo sa upuang nasa pinakaharap.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Ang guro at ang mga mag-aaral na hindi nabanggit kasama na sila Sky at Jo ay pinakikiramdaman ang lahat ng mag-aaral na kapapasok lamang. Hindi kalaunan ay napagpasyahan na ng guro na ipagpatuloy na ang pagtatalakay sa aralin. Bago nagsalita ay tumikhim muna siya. “Well then, everyone’s here. I shall start the discussion.”
Kaunti lamang ang natalakay na aralin ng guro sapagkat limitado lang ang oras ng klase. Agad siyang lumabas ng silid, pagkatunog na pagkatunog pa lang ng kampana ng paaralan. Nagkaroon muli ng mahabang katahimikan nang ang mga mag-aaral na lamang ang natira sa silid, mararamdaman pa rin ang tensyon sa pagitan ng iilang mag-aaral.
Nang tumayo ang presidente ay doon na nagsikilos ang iba pang mga mag-aaral. Nagkan’ya-kan’yang punta na ang mga ito sa silid-aralan ng susunod na asignatura, ang Healing Magic. Nandoon na ang guro na si Xyril Cloudbrand, or Rilo, nang makarating ang ilan sa mga mag-aaral, takang-taka siya sapagkat nahuli ang mga ito sa klase niya.
Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Sky dahil sa tensyon. Nagpaalam siya kay Sam, tumango lang ang huli, wala ito sa sarili. Sumama sa kaniya si Jo sapagkat nakaramdam din ito ng tawag ng kalikasan dahil sa tensyon. Nagpaalam sila sa guro, nginitian sila nito at sinabihang bilisan sapagkat sisimulan na nito ang pagtatalakay. Nang ngumiti ito ay may naramdamang kakaiba si Sky, hindi niya nga lang maintindihan kung ano iyon.
Lumabas na ng silid ang dalawa. Tuloy-tuloy silang naglakad sa mahabang pasilyo. Marami-rami na silang nadaanang mga pinto, pero wala ni isa sa mga ‘yon ang banyo, puro ito mga silid-aralan. Nang makarating sila sa dulo, napabuntong-hininga sila sa ginhawa nang makita ang banyo. Mabilis silang pumasok doon at nilabas ang dapat ilabas. Nang matapos ay naghugas sila ng mga kamay tapos ay lumabas na sila ng banyo at naglakad pabalik sa kanilang silid-aralan.
Pero kataka-takang nag-iba ang daan. Kanina ay diretso lamang ang daan, ngayon ay nagkaroon na ng dalawang magkahiwalay na daan. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan at napalunok, pareho nilang nararamdamang may hindi tama. Gayunman ay dumiretso sila sa paglalakad, pinili nilang daanan ang kanang daan. Dire-diretso silang naglakad at hindi nagtagal ay narating na nila ang dulo kung saan may nag-iisang pinto. Nagkatinginan muli ang dalawa.
Napagtanto nila na maling daan ang dinaanan nila. Pumihit na sila patalikod pero bigla silang nakarinig ng pagbukas ng pinto. Napako sila sa kinatatayuan at nagtaas ang mga balahibo nila sa katawan nang makaramdam ng lamig sa kanilang likuran. Muling napalunok ang dalawa, saka sila dahan-dahang tumingin sa likuran nila. Doon sumalubong sa kanila ang isang hindi pang-karaniwan na hayop, isang lobo na napakalaki, kahit na pagsamahin pa silang dalawa ay tiyak na mas malaki pa rin ito sa kanila, meron itong pulang mga mata at itim ang balahibo nito, napakatutulis din ng mga ngipin nito at habang nakatitig sa kanilang dalawa ay naglalaway ito.
Sa pinaghalo-halong emosyon, gulat, nerbiyos at higit sa lahat takot ay napasigaw ang dalawa, saka sila nagtatatakbo, na isang maling galaw at dapat ay hindi na nila ginawa. Nagalit tuloy ng husto ang lobo at hinabol sila. Habang nagtatatakbo ay sumisigaw ang dalawa ng ‘tulong,’ na sa kabutihang palad ay narinig ng nadaan na si Iro.
Dahil nga oras ngayon ng klase ng asignaturang Healing Magic, pinili ni Iro na hindi muna pumasok sa kadahilanang ayaw niyang makita ang kaniyang ina na siyang guro sa asignatura. Sa katunayan ay wala siyang balak na pumasok sa silid-aralan nito kahit kailan, ayaw niyang makita ang ina at ang mga bagay na may kinalaman sa ina, malaki kasi ang galit niya dito.
Kasalukuyan siyang naglalakad sa mahabang pasilyo nang marinig niya ang sigaw at ang paghingi ng tulong nila Sky at Jo. Agad niyang nakilala ang mga ito dahil sa boses. Narinig niya rin ang mabibigat na hakbang ng lobong humahabol sa dalawa. Agad niyang napagtanto na ang lobong pinakakain kanina ni Vi at ang lobong humahabol ngayon kila Sky at Jo ay iisa.
Agad siyang tumakbo patungo sa direksyon kung saan niya naririnig ang mga ingay, pero laking gulat niya nang may isang lalaking humahangos na nauna sa kaniya... Iyon ay walang iba kundi ang presidente.
Sa silid-aralan ay tulala at wala pa rin sa sarili si Sam. Sa katunayan ay wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng guro na nasa harapan. Bumalik lang siya sa katinuan nang biglang tumayo at dire-diretsong lumabas ng silid si Law, ganito ang kinikilos nito tuwing mayroong emerhensya. Napakurap-kurap siya at noon lang napagtanto na wala pa rin ang mga kaibigang sila Sky at Jo sa tabi niya. Napatayo siya sa sobrang gulat at agad na sumunod kay Law.
Being the supreme student government president, Law has ears on every wall of the school. So every time there is an emergency, he immediately finds out and of course take immediate action. But a while ago, he didn’t heard Sky and Jo’s call out for help, instead he felt it, he felt Sky and her friend was in grave danger and in need of help. So he rushed down to help them.
Sa katatakbo, kamalas-malasang natapilok si Sky. Sinubukan niyang hindi indahin ang paa pero hindi niya na kinaya ang sakit. Tuluyan siyang nadapa sa sahig at tuloy-tuloy na bumuhos ang kaniyang mga luha.
Nahigit niya ang hininga nang makaharap niya na ang katakot-takot na mukha ng lobo. Kitang-kita sa mukha nito ang tuwa at takam habang nakatingin sa kaniyang katawan. Napapikit siya at napahikbi na lamang. Akala niya ay doon na matatapos ang buhay niya pero napakabait ng Diyos, dininig Nito ang kaniyang panalangin. Bago pa man siya makagat ng lobo ay dumating na si Law at pinigilan ang lobo na kagatin siya sa pamamagitan ng pagbabago sa anyo nito, ang dating lobo ay naging isang maamong tuta. Of course with the use of spell.
Naramdaman niya ang paglapit sa kaniya ni Law. Maingat siya nitong binuhat at muling bumuhos ang kaniyang mga luha—hindi na dahil sa takot kundi dahil sa ginhawa—nang magsalita ito.
“Don’t worry. I got you now.”

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...