"Mr. Skullwalker? Ms. Stonelight?" Tawag ng guro na si Acadia Farswift, or Dia for short, sa dalawang mag-aaral niyang hanggang ngayon ay nakatayo pa rin at nakatitig sa isa't isa. Hmm. Bakit pakiramdam ko'y may something?
Napatingin naman ang dalawa sa kaniya. Napakunot-noo siya nang makita si Sky Stonelight. May kamukha siya. Si... Sino nga ba 'yon?
Mamaya ko na nga alalahanin kung sino iyong kamukha niya. For now, strict teacher mode! Tinaasan niya ng kilay ang dalawa. "Why are you two still standing in there? Go, sit down! I shall start the class."
Sky immediately sat down. Inayos niya din ang paghinga. Relax, Self, relax. So what kung si Law nga ang batas ng paaralan na ito?
Hindi ka niya magagawang saktan dahil makakaapekto 'yon sa reputasyon niya sa paaralan. Tama, tama! Napatango-tango siya. At saka bakit ka niya sasaktan? Para lang sa pagsigaw mo sa kaniya? Super childish naman yata no'n.
"Stop that." Nagulat siya nang kausapin siya ni Law. Kunwari'y naiinis niya itong tinignan. Tumaas ang isang kilay ng binata, saka napabuntong-hininga at napailing. "Slow. Stop nodding. You look stupid."
Now, I'm starting to get upset! Hindi niya ito pinansin at nakinig na lamang sa sinasabi ng guro sa harapan. "Okay, class, we'll start with your breathing exercise."
Ano daw? Napakunot-noo siya. Tinignan niya ang katabi at mas lalong napakunot ang kaniyang noo. Anong meron? Bakit nakapikit ang isang 'to? Bakit kailangang nakapikit? Tinignan niya ang iba, nakapikit din ang mga ito. Hala. Bakit sila mga nakapikit?
"Ms. Stonelight!" Napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat. Tinignan niya ang guro, kunot-noo itong nakatingin sa kaniya. Narinig niya ang pagngisi ng katabi. "Close your eyes. Focus!"
Sinunod niya ang sinabi ng guro. Pinikit niya ang mga mata. Bumuntong-hininga muna ang guro bago ulit ito nagsalita. "Well, I think you all know that Control and Magical Ethics is the most important class in your first years." I don't! "I know all of you have unleashed your magical power..." I haven't! "But you all must still have this subject, for better controlment of your power."
Nagulat siya nang may magsalita sa kaniyang isipan. "Please try to focus. I'll help you unleash yours." Nagmulat siya at nakita ang nakangiting mukha ng guro. Napangiti na din siya. The teacher then mouthed. "Focus, Sky, focus."
Tumango siya at muling pinikit ang mga mata. Nagsalita ulit ang guro. "Okay, now, class, inhale." The whole class did what the teacher told them to. "Now, exhale."
Ganito pala 'yon. Cool. They inhaled and exhaled for five minutes straight. She smiled when the breathing exercise has come to an end. I feel calmed. I feel relaxed. I feel better.
"I guess you all are now relaxed..." Nakangiting sabi ng guro sa mga mag-aaral. Tumango naman ang mga ito. Pumitik ito at lumitaw ang isang mahabang papel sa harap ng mga mag-aaral. Sumeryeso na ang mukha nito. "Now, read. I'll give you all five minutes. Start now."
Bahagya siyang nagulat nang may lumitaw na papel sa harap niya, pero agad din siyang namangha. When the teacher gave her signal, the whole class started reading, including her.
Meditation is an approach to training the mind, similar to the way that fitness is an approach to training the body. Many meditation techniques exist, and different meditation practices require different mental skills. In general, the easiest way to begin meditating is by focusing on the breath. An example of one of the most common approaches to meditation: concentration.
![](https://img.wattpad.com/cover/183187528-288-k525655.jpg)
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...