AdM6

1.9K 45 0
                                    

Nagtaka si Sky nang makitang sumimangot ang kaibigan habang binabasa ang nakasulat sa papel. Ano kayang meron sa mahiwagang papel na 'yon at nag-animong pato si Sam?

Dahil sa kaniyang kuryusidad, nakitingin siya sa binabasa ng kaibigan.

Iskedyul... Iskedyul? Napakunot-noo siya at wala sa sarili na napatanong. "Anong iskedyul 'yan?"

Nagulat si Sam nang marinig ang pagtatanong ng kaibigan mula sa kaniyang likuran. Hinarap niya ito at ibinigay dito ang papel, saka lalong sumimangot. "That would be our schedule for the whole year!"

"Ano bang tingin ng mga guro sa atin? Yes, we are magical users but we still need a good amount of sleep! But how can we have one when our school hours is twelve hours long?" Pagngawa niya.

Nagtaka si Sky sa sinabi ng kaibigan. She read everything on the paper and her eyes widened. Seriously? This is our schedule? For the whole year? Aba, hirap na hirap na nga ako mag-aral sa pinagmulan kong mundo, mas mahirap pa pala dito!

Tapos wala pa akong kaalam-alam ni katiting sa mga asignatura dito! And... Nanlaki ang mga mata niya nang may mapagtanto. "5:00 - 22:00? Seriously?"

Her friend made a face. "Yes, dear. Twelve hours tayong mag-aaral! Tapos limang araw pa!" Ngumawa ito. "Bakit? Bakit kailangang ganito?"

She made a face. Naku. 'Eto na naman. Nagdrama na naman ang Samgyupsal.

Napailing siya. Binaling niya ang tingin sa hawak na papel at muli itong binasa. "What are these subjects?"

Napabaling sa kaniya ang kaibigan. Napailing ito. Kinuha nito ang papel mula sa kaniya at itinaas ito saka nilapit sa pagmumukha niya. "Sky, may I remind you that you're in Akademya de Majika, a school for magical users. So it's just necessary that this school has subjects that focuses on the right use of magic and studies about the magical creatures in our world. Also, teachers here will teach you how to control your magical power and abilities. They'll test your capabilities, physically and mentally. They'll train you to be the best."

Nakatulala na lang siya matapos mapakinggan ang mahabang litanya ng kaibigan. She's extremely overwhelmed. This school... Wow.

She looked around. I have only imagined this as a young clueless child before, but now, here it is. It's real. Magic, that one powerful thing that people think is ridiculous, it's real. It's real and I'm looking at it right now, I belong within it right now.

Nagtaka si Sam nang makita ang biglang pagbabago ng kilos ng kaibigan. Makikita sa mga mata nito ang pagkamangha habang patingin-tingin ito sa paligid. Ano kayang nasa isip ng babaeng 'to?

She looked around, then she realized something. The dormitory's illusion! Naalala ko na.

Tinanggal niya na ang ilusyon na nakabalot sa kabuuan ng dormitoryo. The illusion of the sparkling ceiling and wall of glitters, light violet balloons floating around the dorm, pretty scented candles and the relaxing atmosphere of the dorm was gone in a second.

Napakurap-kurap si Sky. Anong nangyari?

Nagtataka niyang ginala ang tingin sa buong paligid. Kanina lang ay kabigha-bighani ang atmospera ng dormitoryo, pero nang mapapikit ako ng isang segundo ay bigla na lang itong nawala.

Ngayon, maganda pa rin naman ang buong dormitoryo. Maganda ang pagkakasaayos nito, pero nasaan na ang kaninang mahiwagang paligid? Bakit biglang nawala? Bakit simpleng dormitoryo na may apat na kama na lamang ang aking nakikita?

"It's just an illusion." Napatingin siya sa kaibigan nang magsalita ito. Nakaupo ito sa kamang naiiba, naiiba dahil ito lang ang iba't-iba ang kulay. Ang natirang tatlong kama ay kulay-rosas, kulay-lila at kulay asul.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon