Law is reading what’s on my mind and that’s—
Nagulat siya ng bahagya nang magsalita si Law. “I don’t read what’s on your mind, woman. I am not invading your privacy.”
Napakurap-kurap siya, pero maya-maya ay pinaningkitan niya ito ng mga mata.
If he’s not really reading what’s on my mind then why did he knew about me thinking of him invading my privacy? Clearly, he’s—
“Believe him. He’s not invading your privacy.” Napatingin siya kay Iro, ito ang nagsabi no’n. “He’s not allowed to and if he ever try to, he will be punished, severely.” Seryosong anito. “Also, he’s Lonan. He follows every order ordered to him.”
Bahagyang lumapit ito sa kaniya at bumulong. “That’s why he’s boring.” Akmang tatawa ito pero pumitik si Law malapit sa may tainga nito at may kung anong binulong na hindi niya naintindihan. Nanlaki ang mga mata niya nang bumagsak si Iro sa kama niya, tuloy ay nadaganan ang mga binti niya.
Napangiwi siya nang maramdaman ang bigat nito, pero agad din siyang nakaramdam ng kaginhawaan sapagkat hinila ni Law ang kuwelyo ng damit ni Iro at tinayo ang huli na para bang isa lamang itong balahibong magaan. Namangha siya kaya hindi siya agad nakakilos.
Biglang nagsalita si Law. “Won’t you remove your legs? This man’s heavy, you know.” Tukoy nito kay Iro. Kumilos siya agad, nilabas ang mga paa mula sa kama saka tumayo at nag-unat.
Napangiwi siya nang marinig ang lakas ng pagbagsak ni Iro sa kama. Pinanood niya ang pag-aayos ni Law sa pagkakahiga ng huli. Pagkatapos ay humakbang na ito paalis, pero nilingon siya nito at tinanong. “Do you want to come with me?”
“Where?” She asked him, considering his invitation. Pero may bigla siyang naalala. Napasinghap siya. “May pasok ngayon ‘di ba?” Nanlaki ang mga mata niya. “Oh my—! I’ve been absent for two days already! I can’t skip class for the third time!” She’s about to leave the clinic but then Law blocked her way. Taka niya itong tinignan.
Bumuntong-hininga ito bago magsalita. “There are no classes today, yesterday and last Monday.” Napanganga siya. “And tomorrow and the day after tomorrow too.” Napakunot-noo siya.
“Bakit?” Tumingin ito sa likuran niya kaya tinignan niya kung ano ang tinitignan nito, walang iba kundi ang mga mag-aaral na nakaratay sa mga kama. Saka niya naalala na magtatanong pa nga pala siya tungkol doon.
Binalik niya ang tingin kay Law. “Ano nga palang nangyari sa kanila?” Binalik niya ang tingin sa mga mag-aaral. “Bakit puro sila may mga benda? May…” Natigilan siya. “May masamang nangyari?”
She looked at Law, dahan-dahan itong tumango. “Yeah, that’s why I didn’t get to save you immediately in the forest three days ago.” Sinalubong nito ang mga mata niya. “Something happened.”
“What happened?” Nakaramdam siya ng kaba. Napatingin siya kay Vi. Nakaramdam na naman siya ng awa para sa kaibigan. Bigla niyang naalala ang hiniling niya para dito kanina lamang. Napatingin siya kay Iro, saka siya napangiwi.
Nagulat siya nang walang anu-ano ay hinawakan ni Law ang kamay niya, then he teleported along with her. They arrived at a bus stop. Namangha siya nang makita ang mga puno na nasa paligid ng sakayan ng bus na mayroong mga dahon na iba’t iba ang kulay, maihahalintulad ito sa cherry blossoms.
Hindi niya namalayan na nahakbang na pala niya ang isang paa kaya laking gulat niya nang hawakan ni Law ang mga braso niya at hinila siya nito pabalik. Mas lalo siyang nagulat nang makita ang isang bus na ilang pulgada lamang ang layo sa kaniya.
Kumurap lang ako, biglang may bus agad sa harapan ko?!
Hinila siya ni Law papasok sa bus. Napanganga siya nang imbes na mga upuan ay mga kama ang nakita niya sa loob ng bus.
Kita niyang may mga pasaherong natutulog sa mga kama, sa tabi ng mga ito ay maleta o hindi kaya ay malaking backpack.
Hawak ni Law ang kamay niya, mabilis ang mga hakbang nito habang hila-hila siya, tila nagmamadali, tuloy ay napapatakbo na siya dahil ang lalaki ng mga hakbang nito. Animong walang katapusan ang bus. Makalipas ang ilang sandali ay narating nila ang pinakadulo ng bus, doon ay mayroon nang mga upuan.
Napabuntong-hininga siya sa ginhawa nang makaupo na siya. Biglang nagsalita si Law. “Drive now.” Biglang humarurot ang bus. Napakapit siya sa katabi sapagkat napakabilis ng andar ng bus, sa sobrang bilis ay nahihilo siya, kaya pinili niyang pumikit na lamang. Sampung segundo ang lumipas, biglang huminto ang bus, muntik siyang mapasubsob sa sahig, buti na lamang at naagapan agad ni Law, hinawakan siya nito sa braso.
“Let’s go. We’re here.” Anito. Naidilat niya ang mga mata sa gulat. Hinila na siya nito palabas ng bus. Nang makalabas sila ay wala na siyang nagawa kundi ang mapanganga nang makita ang napakagandang paligid, napapalibutan ito ng makukulay na mga poste at bahay, matataas at mukhang malulusog na mga puno na punong-puno ng mga bunga at naghahalimuyak na mga bulaklak.
Matitingkad ang kulay ng mga bahay. Ang bawat bahay ay may malaking bakuran na mayroong mga pananim. Ang mga tao ay mga nakangiti, lahat ay mukhang masaya. Napakasigla ng lugar pati na rin ng mismong mga naninirahan dito. Maingay pero hindi masakit sa tainga, sa katunayan nga ay nakakatuwa pa, may mga nagtatawanan, nagkukuwentuhan, nagkakantahan at nagsasayawan.
“Where are we?” Nagniningning ang mga mata na tanong niya kay Law. May tinuro ito sa taas, doon niya lamang napansin ang isang karatula na nakalutang. Heto ang nakasulat doon: ‘Maligayang pagdating sa bayan ng Omance!’ Napangiti siya, akmang hahakbang na siya papasok nang pigilan siya ni Law, sinimangutan niya ang binata. “Why?” Tanong niya dito. Nakakunot-noo ito.
“Where do you think you’re going?” Masungit na tanong nito.
“Inside.” Tinuro niya ang bayan. “Hindi ba doon ang punta natin?” She asked, confused.
Umiling ito. Siya naman ngayon ang napakunot-noo. “Saan ang punta natin kung gayon?” Taas-kilay niyang tanong.
Hinawakan nito ang mga balikat niya at pinaikot siya. Isang lumang gusali ang sumalubong sa kaniya. Tinignan niya ang karatula nito at nakasulat doon ang salitang ‘Bangko.’
“Bangko? Ano namang gagawin natin diyan?” Bumagsak ang mga balikat niya. Nilingon niya ang bayan ng Omance saka siya napanguso. Tuwang-tuwa pa naman siya kanina dahil inaakala niyang doon ang punta nila, pero hindi pala. Sumimangot siya.
Binalik niya ang tingin sa bangko. Nakita niya ang presidente na naglalakad na patungo doon. Dali-dali siyang tumakbo para makahabol dito. Nang makahabol siya ay binubuksan na nito ang pinto ng bangko. Napanganga siya nang makita ang loob nito.
Kung titignan sa labas, mukhang maliit ang bangko, yari ito sa kahoy at hindi maayos ang pagkakagawa dito at sa katunayan ay mukhang napag-iwanan na ito ng panahon. Pero sa loob ay kabaliktaran ito, napakalaki pala nito, kulay-pilak at ginto ang mga dingding, kung titignan ay parang totoo ito, akala niya nga ay totoo pero naisip niya na ang imposible naman kung gano’n, moderno din ang disenyo nito.
Pumasok sila at wala man lang kahit isang pumansin sa kanila. Napasinghap siya nang makita ang mga teler ng bangko, kakaiba kasi ang itsura ng mga ito, hindi niya malaman kung anong klaseng nilalang ang mga ito, ngayon lang siya nakakita ng gano’n. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya, hindi niya namalayan na napalakas pala ang pagsinghap niya. Namula siya sa hiya at pinili na lamang tumungo. Napakalinis ng bangko, ang sahig nito ay talagang kumikintab at nakita niya pa ang sariling repleksyon dito.
Teka… Bakit parang may mali?
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasíaHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...