"Hey, Sky? Are you okay?" Napabalik si Sky sa katinuan nang may tumapik sa kanang pisngi niya-si Sam. Kita niya ang pag-aalala sa mukha nito-she felt weird. This is the first time na may nag-alala sa kan'ya bukod sa nanay niya.
Speaking of her mom... "Sam? I know we just met but could you do me a favor?" She pleaded. Nakangiting tumango naman ang kaharap niya. Napangiti na din siya. Salamat naman. Salamat at si Sam ang una kong nakilala dito. She's so nice.
"My mom... Can you help me find her?" Kita niya ang pagkunot ng noo ng kaharap. "Why? What happened?" Nagtatakang tanong pa nito. She sighed before answering. "Kanina kasi magkasama pa kami doon sa beach. Pero biglang may lumabas na bato mula sa kamay niya tapos may kung anong sinabi siya doon kaya lumapit 'yon sa akin. Atras ako nang atras no'n para hindi makalapit sa akin ang bato kaya may naapakan ako kaya nadulas ako at tumama 'yung ulo ko sa kung ano. Nawalan ako ng malay no'n tapos pagkagising ko, nandito na ako sa may bench, nakahiga."
Tahimik lang na nakatingin sa kan'ya si Sam nang matapos niya na ang mahabang pagpapaliwanag. Looks like the girl's still absorbing the information. Maya-maya'y umiling ito-bagay na ikinakaba ni Sky. Hala! Why did she shook her head? She don't want to help me anymore?
Nadismaya si Sky sa naisip. Huwag naman sana. Nagsimula nang magsalita si Sam kaya mataman siyang nakinig dito. "About the stone you're talking about, I don't have any idea what that is but I think it is a magical tool used for magic transportation. Also, you said you last saw her in a beach, right? Well, the nearest beach outside the academy is about thousands of miles away. I'm sorry but we won't be able to make it on time, Sky. School is about to start in a couple of minutes. We can't miss school, dear. The punishments are severe." Nalungkot siya sa narinig. She didn't want to miss school too, but she just want to make sure her mom is okay and she has a lot of questions to ask her.
"But don't worry. We can ask the teachers about your mom and maybe you'll be able to talk to her through mind link. We just need to ask permission from the authorities so that they'll be aware." Nabuhayan siya sa sinabi na 'yon ni Sam. Sa sobrang tuwa, napayakap siya dito saka siya paulit-ulit na nagpasalamat.
Natawa na lang si Sam sa kan'yang inakto, pero niyakap siya nito pabalik. Ilang minuto din silang nagyakapan. Humiwalay na siya dito at ngumiti. "Tara na. Pasok na tayo." Aya niya na kinatawa ni Sam. Tumango ito at inilahad ang kamay. Nagtaka naman siya sa inakto nito. Nakita ng kaharap ang kan'yang pagtataka kaya napangiti ito. "We'll use teleportation, para mas madali tayong makapunta sa paroroonan natin. Para na din hindi ka na mahirapan. Mukhang napuruhan ng matindi ang likod at mga binti mo, kaya sa KdM na lang kita ididiretso, paniguradong nandoon na ang nars." Napatango siya sa sinabi nito. Iaabot na sana niya ang kamay niya dito nang may bigla itong tinuro.
"Is that yours? Kanina ko pa 'yan napapansin diyan, eh." Turo nito sa kung anong bagay na malapit lang sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya nang makita 'yon. Ang maleta ko! Nawala sa isip kong may dala-dala nga pala akong maleta. Pero paano napunta 'yon do'n?
Tumango siya saka ngumiti. Malapit na niyang maabot ang kamay ni Sam nang may itanong ito sa kan'ya. "Hindi ka naman siguro hiluhin, ano?"
Ano? Bago pa man siya makapagtanong, naglapat na ang kamay nilang dalawa ni Sam. Kung anu-ano at kung sinu-sino ang nakikita niya, umiikot ang paningin niya. Sampung segundo yata ang tinagal no'n bago niya naramdaman ang pag-iba ng paligid at ang paglapat ng kan'yang likod sa kung anong malambot na bagay. Hilong-hilo siya, pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura niya at humiwalay ang kaluluwa sa katawan niya, kaya mariin niyang pinikit ang kan'yang mga mata.
Maya-maya'y nakarinig siya ng boses ng isang babae. "Ms. Cleartalon? What happened?" Hindi niya malaman kung sino 'yon, hindi niya matignan, wala pa din kasi siya sa kan'yang sarili.

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasíaHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...