Sky yawned. She was still sleepy, but she had no choice but to get up and prepare herself for another surely tiring day.
Tulog pa ang mga kaibigan niya, naghihilik pa ang mga ito. Napanguso na lamang ang dalaga—inggit siya—gusto niyang bumalik sa sariling kama at matulog muli—but no.
Hindi puwede. I have training today. And my trainer is so sungit at magagalitin. He's so mapagparusa rin—walang patawad! May balak nga yatang patayin ako ng bruho.
After she have done doing her hair, she walked towards the door and opened it. Muntik na siyang mapatili—buti napigilan niya dahil kung hindi malamang patay siya sa mga kaibigan—nang sumalubong sa kaniya si Law.
Sa sobrang puti ng binata—yeah, he was Mr. Paper—nagmukha itong white gentleman—guy version of white lady—sa napakadilim na hallway.
Sinara niya na ang pinto ng dormitoryo at nagwika, "Juice ko! Aatakahin ako sa puso sa 'yo, Lonan!" Aniya, ang isang kamay ay nakatapat pa sa dibdib, talagang gulat na gulat.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. Sa halip, nagwika ito, "Today's training is cancelled."
Napakurap-kurap ang dalaga, hindi agad rumehistro sa isipan ang narinig. Nang sa wakas ay rumehistro na sa isipan niya ang sinabi ng binata, nanlaki ang mga mata niya at napatalon pa siya sa sobrang tuwa.
Yes! Rest day! I can now go back to sleep—
Hindi pa pala tapos ang binata sa pagsasalita. "So to compensate, we will be going in the mortal world to fulfill duties."
Bago pa man siya makapagsalita, hinawakan na nito ang isang kamay niya saka naglaho—kasama siya siyempre. They arrived in AdM Bus Stop a second later.
Tatanungin niya sana ang binata kung ano ang tinutukoy nitong duties, pero biglang humarang ang buhok niya sa kaniyang buong mukha dahil sa sobrang lakas na hangin na dinulot ng ngayong nasa harap na nila na bus. Without letting her hand go, Law went up the bus, dragging her with him.
Nakita na naman ng dalaga ang mga kama at doon niya sana gustong pumwesto para sana kahit papaano ay makapagpahinga—oh, sige na, makatulog siya sa biyahe pero dire-diretso ang binata patungo sa likuran kung saan nandoon ang mga upuan. Napanguso na lamang siya.
Pinauna siya nitong umupo, kaya malapit siya sa bintana. Sumunod ito, katabi niya ng upuan. Nagwika ito, "Drive now." 'Yun siya, hilo-hilo. Sobrang bilis naman kasi noong patakbo sa bus ng drayber.
Her eyes were closed and she was breathing in and out deeply. Isang minuto niyang ginawa 'yon—pampatanggal hilo at pampakalma na rin. Akala niya ay kagaya ng dati na wala pang kalahating minuto ang tagal ng biyahe, pero hindi, umabot na ng ilang minuto ay hindi pa rin natigil ang bus at hindi pa rin sila nababa ni Law.
Tinapik niya ang binatang nasa gilid niya. Eyes still closed, she asked, "Matagal pa ba ang biyahe? Malapit na 'kong masuka." Of course, what she said last was a joke.
Oh, why did she forget that Law don't do—or even understand jokes? "Seriously?!" Napataas ang boses na tanong nito.
Napamulat tuloy siya ng wala sa oras. "J-Joke lang, 'uy!" Napangiwi siya sa kaseryosohan ng mukha nito.
Napailing ito, pero maya-maya'y nagwika, "We'll get to the nearest portal after fifty-four minutes."
"Fifty-four—what!" Nakapikit na ulit siya sa kasalukuyan. Saglit lang siyang nagmulat pero tila hindi na biro ang sinabi niya kanina na malapit na siyang masuka.
At magtitiis ako for fifty-four more minutes?! Juice ko lang, 'day!
"You'll get used to riding a bus one of these days, Skylar. I'll make sure of that." Law said and her mouth went ajar.
We'll ride a bus again and again—is that what he meant?! Juice ko! Wala talagang patawad 'tong si white gentleman! At may balak nga yata patayin ako!
"If you're wondering what we'll be doing in the mortal world, we'll just check up on our fellow magic users who live in that world—there's only a few of them there, so it'll be fast. We can go back soon after that, but if you want to stay longer, no problem." He stated and she nodded.
Yes! Gusto kong mamasyal sa mortal world! How I so missed that!
At saka baka 'pag umuwi agad kami, mapagpasyahan ni Lonan na ituloy ang pagsasanay para sa araw na 'to—that's a no no no no no!
Kaya, we'll stay in my former world until night—yes!
Matagal-tagal pa ang biyahe. Sky was getting bored. Pero biglang may naisip ang dalaga. Napangiti siya at umiba ng puwesto—paharap kay Law. "Hey, let's play a game!"
"What, hide and seek?" Law sounded bored.
Napakunot-noo siya. "Hindi 'no! Ayoko no'n!"
"Open your eyes then. You look stupid, talking while your eyes are tightly shut." Sa sinabi nito na 'yon, mabilis siyang dumilat at saka sinamaan ito ng tingin—tuluyan nang nalimutan ang hilo at bilis ng pagtakbo ng bus.
Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to!
"What game will we play?" Ang tanong ng binata. Nakahalukipkip ito habang diretsong nakatingin sa kaniya.
Mabilis na nawala ang pagkainis niya rito. She got excited, by the way. "Question and answer!" She wants to know more things about Lonan—she's curious of him. Who wouldn't, anyway? That's why this is the game that they would play.
"Ano, game?" She asked and his nose scrunched as his shoulders shrugged. That's a yes.
"Anong pangalan mo?" Napakunot-noo ang binata sa tanong niya na 'yon. Kaya naman inayos niya ang kaniyang tanong. "What's your full name?"
"Lonan Monty Atlas Regallight Skullwalker." He answered and she was amazed.
Ang haba ng pangalan, ah! But wait...
"Saan galing ang Law?" Kunot-noong tanong niya.
"Law—Lonan." Napatango-tango siya.
Marami pang tinanong ang dalaga at tipid pero diretso ang sagot sa kaniya ng binata.
"Oh, ako naman tanungin mo at sasagutin kita!" Sky, after a while, cheerfully said.
Napailing si Law. "No need."
He knows everything about her, anyway. From her full name, Skylar Jenilee Ashleaf Stonelight, her age, her family, her... After all, he's the president and he knows everything... or something close to everything.
"Huh?" Sky was confused. Umiling lang ulit ang binata.
Ilang segundo na kunot-noo ang dalaga bago tumigil ang bus. Noon lamang niya napagtanto na naroon na sila malapit sa kanilang pinakadestinasyon.
Tumayo na si Law at tumayo na rin siya saka sumunod sa binata pababa ng bus.
Sumalubong sa kaniya ang pamilyar na dalampasigan. 'Eto ang kaparehong dalampasigan kung saan siya unang nakatapak sa lupa ng mundo ng mahika... at kung saan huli niyang nakita ang ina.
I miss you, Mom, so much.
Law called her and told her to follow him. Mabilis siyang sumunod dito. Naglakad ito patungo sa kamangha-manghang malaking bato na tila pintuan—'yun nga lang walang pinto.
Her eyes widened in shock and amazement when a portal appeared in the middle of the rock—it was Law who opened the portal.
Law held her hand, for her not to get away from him.
Together, they pass through the portal.
...and were now in the mortal world.
— a Riddlestory —
Sky smiled.
Welcome back to me!
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...