Skylar did not stop running. Kahit pa nanginginig na ang mga tuhod niya sa sobrang pagod, hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo.
Mayroon pang nangyayari sa likuran niya na hindi niya malaman kung ano—para bang may delubyo—iba't ibang delubyo. At ang hula niya ay ang halimaw na humahabol sa kaniya ang may gawa ng mga 'yon.
Hindi niya namalayan na sa kapaguran ay nawalan na siya ng malay...
...at sa kaniyang pagmulat, bumungad sa kaniya ang hindi pamilyar na kahoy na kisame.
Agad siyang napakunot-noo. Nang maalala niya ang lahat ng mga pangyayari bago siya mawalan ng malay ay nanlaki ang mga mata niya at mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga.
Nahuli ba 'ko n'ung halimaw?!
Aish! Bakit ba kasi ang bilis kong maniwala sa mga pinagsasabi ng isang estranghero—na halimaw pala?! Demonyo yata 'yon, eh!
Ikaw nagdadala sa sarili mo sa peligro, Skylar, eh. 'Yan, drama drama ka pa!
Napasimangot siya. Her subconscious mind is mocking her again—well, totoo naman. Kung hindi siya nagdrama drama, sana ligtas siyang nasa AdM pa.
Pero teka... Bakit ba 'ko nagdrama?
So what if Lonan's taken? Pakialam ko?!
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kubo. Niluwa no'n ang dalawang nilalang—isang lalaki at isang babae. Agad siyang kinabahan.
— a Riddlestory —
"Gising na pala siya." Narinig niyang sambit ng babae sa kasama nitong lalaki. Ang babae ay mukha namang mabait kaya medyo napakalma siya. 'Yung lalaki lang—mala-Lonan ang datingan, seryoso at walang ngitian—nginitian na kasi siya n'ung babae. "Salamat naman at gising ka na." Ang sambit pa nito.
Ngumiti na lamang siya. Napahinga na siya nang maluwag. Mukhang hindi naman na siya naabutan n'ung demonyong magpapanggap—buti naman.
"Ako nga pala si Bluebelle! Blue na lamang ang itawag mo sa akin." Pakilala ng babae, pagkatapos tinuro nito ang kasamang lalaki. "Siya naman si Caoem—huwag kang matakot sa lalaking 'yan. Lagi kasi talagang seryoso 'yan sa buhay—bakit, totoo naman?" Natawa ang babae dahil mariing hinawakan ng lalaki ang kamay nito, tila pinatitigil ito sa pagsasalita at ang mga pisngi nito ay mamula-mula, halatang nahihiya.
Bumalik na ang tingin ng babae sa kaniya. "Ikaw, anong pangalan mo?"
"Skylar, pero Sky na lang ang itawag niyo sa 'kin." Kaniyang sambit.
Napatango-tango naman si Blue. "Ang ganda ng pangalan mo—Sky—langit."
Ngumiti si Sky. "Ikaw rin—Blue—blue."
Natawa si Blue. "Funny mo, ah!" Napailing ang babae. "Anyway, ayos na ba ang iyong pakiramdam? Noong matagpuan ka kasi namin sa kakahuyan, wala kang malay."
Tumango si Sky. "Ayos lang. Salamat." Siya ay umalis na sa kama. "...dito sa pagpapatuloy niyo sa 'kin."
"Anong lugar ba 'to?" Biglang tanong niya nang makita niya ang labas mula sa bintanang nakabukas.
"Town of Jen Crest." Si Caoem ang sumagot.
Napakurap-kurap si Sky... Caoem really reminds him of Lonan. Pilit niyang iwinaksi ang huli na umeeksena na naman sa isipan niya.
"Malayo ba itong lugar niyo sa AdM?" She asked.
Nagtaka siya nang magtinginan ang dalawang nasa harapan niya, tila nagtaka ang mga ito.
Nagsalita siyang muli. Baka kasi kailangan 'yung mismong pangalan ng paaralan ang sabihin niya at hindi ang acronym. "AdM... Akademya de Majika, iyong paaralan."
"There's no such school in this place..." Umiling si Caoem at ang noo ay kunot-noo na. "In fact, there's only one school in this world... That AdM you're talking about... That school doesn't exist."
Hindi malaman ni Sky ang magiging reaksyon sa sinabi na iyon ni Caoem.
Sila Blue at Caoem naman... Pareho nang iniisip... Kung ang babae sa harapan nila ay baliw dahil wala naman talagang paaralan na nagngangalang AdM sa mundo nila.
Biglang bumukas ang pinto. Niluwa no'n ang isang may katandaan nang lalaki, ang lolo ni Blue. Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang huli at si Caoem. "Ano't naririto pa kayo? Mahuhuli na kayo sa klase. S'ya, kayo'y magsipasok na at baka mapagalitan pa kayo ng mga guro niyo—sino ang babaeng 'to?"
Napunta na kasi kay Sky ang tingin nito. Akmang magpapakilala ang huli pero bigla nagsalita si Caoem. "She got lost, grandpa, and we'll help her find her way back." Si Blue ay hinila na ng binata. "Also, we'll be going now." Tinignan ng binata si Sky at minuwestra rito ang pinto.
Tahimik na sumunod si Sky sa dalawa. Nang mapadaan siya sa harapan ng lolo ni Blue na takang-taka pa rin sa presensya niya, yumuko siya rito bilang paggalang saka mabilis na lumabas na noong kubo.
Napanganga siya nang bumungad sa kaniya paglabas ang isang malaking dragon. Oo, dragon.
She was in awe. It was her first time seeing one. Pinanood niya si Blue na lumapit dito at tila kinausap ito. "Ajejandro, siya si Sky, sa ngayon siya sa 'yo'y sasakay. Ayos lang sa 'yo, 'di ba?"
The dragon made a purring like sound, as if saying yes. Sky find it so adorable.
Nakasampa na sa dragon si Caoem. Sumunod sa huli si Blue saka tinapik ng babae ang sa may likuran nito. "Sky, sakay ka na, dali!" Mabilis na sumunod si Sky.
Pagkasakay na pagkasakay pa lang ni Sky, lumipad na ang dragon kaya sa gulat ay napahawak siya sa mga balikat ni Blue. Nakangiting nilingon siya ng huli, ito'y nginitian niya pabalik.
Habang nasa ere, siyempre manghang-mangha siya at tuwang-tuwa dahil kitang-kita niya mula sa itaas ang napakagandang kapaligiran sa ibaba. Meron pa silang nakakasabay na iba pang nilalang na sakay rin ng dragon at siya'y nagtataka bakit ganoon na lamang ang gulat ng mga ito na makita siya.
Ngayon lang ba sila ng diyosang kagaya ko?
Napahagikhik siya sa naisip. Napatingin tuloy sa kaniya si Blue na noon ay nakangiti. "Ang saya mo yata?"
"Siyempre!" Natutuwang sambit ni Sky. "Ngayon lang ako nakasakay sa isang dragon—ang saya!"
Nagtaka si Blue, samantalang napakunot-noo si Caoem. Nagtataka ang dalawa, nagkatinginan pa sila. Iisa lang naman kasi ang moda ng transportasyon sa kanilang mundo—'yun ay ang pagsakay sa dragon.
Napansin 'yon ni Sky. Nagtaka rin siya. "Bakit?"
Pero wala nang nakasagot pa sa kaniya dahil lumapag na ang dragon sa lupa.
Ngayon, nasa harapan na ang tatlo ng paaralan nila Blue at Caoem, ang Crest Academy of Elemental Magic. Si Sky ay hindi napigilang mapanganga.
AdM?!
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantastikHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...