Shock was an understatement for Sky.
W-What?
Mang Pepe...
...and Maddie...
...are now dead?!
Naalala niya ang panahong nakasama nila ni Law si Mang Pepe... Now she knows why Law wasn't able to join the family dinner last night.
He's mourning... for the loss of a father figure.
At ang pagtataray ni Maddie tuwing makikita nito sila nila Jo, Vi and Sam... Now she knows why the latter's acting like that.
She's mourning... for the loss of a best friend.
She was mindless while walking towards she don't exactly know where.
She then bump into someone's back... Iro's. Napakurap-kurap siya.
"Saan ka ba galing, Sky, ha?" Napatingin siya kay Jo—ang kaibigan ang nagtanong noon.
Nakahiga ito sa isang duyan—naalala niya ang sinabi ng pinsan na roon madalas nagpapahinga ang kanilang lolo.
Ang isang kamay ng kaibigan ay nasa likod ng ulo nito, habang ang isa ay may hawak-hawak nang baso ng juice.
Sa halip na sagutin ang tanong ni Jo, binaling niya ang tingin sa pinsan. She looked at him intently.
Umaasa pa siyang mali ang kaniyang narinig kani-kanina lamang, kaya naman...
"Is it true?" Her voice was chillingly serious. "Mang Pepe and Maddie are now dead?"
Nawala ang kulay sa mukha at napaawang ang mga labi ni Iro, samantalang sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang kaibigan na naibuga ang iniinom na juice.
Shock was an understatement for Jo.
"H-How'd you know?" Bumagsak ang mga balikat ni Sky sa tinanong na iyon ng pinsan.
"So, it's true?" Huminga siya nang malalim. She suddenly felt emotional.
"Yeah." Iro heaved a deep sigh.
He then told the two what he knew. "Lolo told me about Mang Pepe this morning. He was killed yesterday and his coffee shop was severely destroyed. While Matilda, she was killed an hour ago. Too bad, we weren't able to stop her from being killed for the enemies distracted us. Bro tried, but then it was too late... He was so frustrated. While you know what happened to your friend... I guess she was still mourning, that's why Bro brought you two in here."
Upon speaking, he suddenly remembered Vi.
Napatingin siya kila Sky at Jo, pareho ang mga ito nakatulala.
He left without saying another word. Vanishing, then appearing in the clinic.
Una niyang nakita si Vi. Suddenly, biglang guminhawa ang pakiramdam niya... at hindi niya namalayang napangiti na siya, pero agad ding napaseryoso nang napalingon sa kaniya ang dalaga.
"Salamat naman at may dumalaw na rin sa 'kin!" Napailing si Vi. Kanina pa siya buryong-buryo sa klinika at hinihiling na sana ay dalawin na siya ng mga kaibigan niya... Tila nalimutan na yata siya ng mga 'to—tampo tuloy siya.
Siya na lamang ang nasa klinika. Si Ash—minura niya ang dating kasintahan sa isipan, pati na rin ang kapatid nitong bruha—at ang mga nadamay noong panahong nawala siya sa katinuan ay pinauwi na ng nars.
Speaking of the nurse—Mama Mira—she don't think she will be calling her that again. Nahihiya siya sa ginang.
Kung kaya tuwing nasa klinika ito, nagpapanggap siyang tulog.
Nilapitan siya ni Iro. Bigla ay napahawak ang binata sa sarili nitong dibdib. Nagulat siya. "Ayos ka lang?"
"Y-Yeah." Namumula ang buong mukha nito.
"Seryoso?" Muli niyang tanong, nagsisimula nang makaramdam ng pag-aalala para sa kamag-aral.
Tumikhim ito at binaling ang tingin sa malayo. "Yes."
Mahabang katahimikan. Dahil nakaramdam na ng pagkaasiwa, tinanong niya ang binata. "May ideya ka ba kung nasaan ang mga bruhang kaibigan ko? Si Samgyupsal, Langit at asawa ni Rizal?"
Napakunot-noo ang binata. "Rizal? Who's that?" Maya-maya'y napaawang ang mga labi nito. Your friend's already married? Which friend?"
— a Riddlestory —
Napailing siya. "Wala. Ano nga, may ideya ka ba kung nasaan ang mga 'yon? Aba at kinalimutan na yata ako ng mga bruha! Kainis sila!"
Nagpatuloy siya sa pagtatanong. "Ba't ba hindi nila ako dinadalaw rito?! Ang haba-haba ng isang araw, ni isang minuto lang na pagbisita, hindi nila magawa! Mga buwisit na 'yon!" She sighed. "Kailan ba 'ko makakaalis dito? Gusto ko nang umuwi sa dormitoryo!"
"Maddie..." Napakunot-noo siya nang sambitin 'yon ni Iro.
Tinarayan niya ito. "Oh, anong meron sa bruha na 'yon?! Huwag mong sabihin na pinagkamalan mong ako siya?! Aba, Mister Lunaless, magpasama ka na sa lolo mo sa ospital at tila yata nagsisimula ka nang mabulag!" Humalukipkip siya at sinamaan ng tingin ang binatang kaharap. Bigla ay naalala niya si Matilda at nagsimulang mag-init ang ulo niya. "Ang bruhang 'yon! Malamang tuwang-tuwa 'yun ngayon na nandirito ako! Naririnig ko na ang tawa niyang nakakarita—argh! Magsama sila ng bruhang Ela, Mimi at Molly! Ang apat na 'yun, salot talaga sa buhay ko! Buhay nating lahat! Nakakairita! Nakakainis! Nakakabuwisit! Nakakainit ng ulo! Ang apat na 'yon, humanda talaga sa oras na gumaling na 'kong tuluyan! Kakalbuhin ko talaga sila! Lalo na ang Maddie at Ela na 'yon! Aba't pinagkaisahan ako! Pero ako naman 'tong si tanga, naniwala sa mga kasinungalingan ni—argh! Nagbabalat-kayo lang pala ang gago! Aish! Sarap pag-uuntugin ng mga 'yon! Kating-kati na ang mga kamay ko! Talagang gagantihan ko silang lahat! Mga nanira ng maayos na buhay ko! Lalong-lalo na ang Matilda'ng bruha na 'yon! Plastik siya, manggagamit, mapagmataas, masama ang ugali, manloloko, maninira ng pagkakaibigan, masahol pa sa malansang isda, mapagbalat-kayo, masakit sa mata, matapobre—akala mo perpekto siya—hindi naman! Ma..." Hinihingal na siya... at hindi na malaman ang susunod na sasabihin. "Basta lahat ng masama nasa kaniya! Sakto at Matilda pa ang pangalan niya! Matilda Masama! Matilda..." Hindi na siya makapag-isip nang maayos sapagkat nilalamon na siya ng galit, talagang gigil na gigil siya kay Maddie. Sa huli, kaniyang sinambit ang mga katagang... "Mamatay na sana siya, bruha siya!"
"Your wish... have been fulfilled." Seryosong sambit ni Iro na agad nagpakunot-noo sa kaniya.
"Anong wish?!" Bigla ay napailing-iling ito, kaya naman binigyan niya ito ng isang matalim na tingin, nagsisimula nang mapikon. "Ano nga?!"
"Your wish... For her to die." Napaawang ang mga labi niya.
"Matilda... She's dead. She was killed an hour ago."
Shock was an understatement for Vi.

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...