Dahil nga nakabitin patiwarik si Sky ay hindi na siya makahinga ng maayos sapagkat napupunta na sa ulo niya ang kaniyang dugo at doon ito namamalagi. Nahihilo na din siya at ang gusto niya na lamang ay makaalis sa puwesto na iyon.
She was still wearing the white backless gown she wore on The Partnership. The gown is not on its right form for she’s upside down and its long skirt is blocking her view. Also, her short and a bit of her chubby tummy are showing... Unfortunately.
She’s wet. The rain is continuously pouring, even heavier now. Nilalamig na siya. Halos sampung minuto na siyang nandoon, wala pa ring dumarating na tulong. Wala pa rin ang inaasahan niyang lalaking tutulong sa kaniya, wala pa rin si Law.
Baka naman hindi na siya darating upang tulungan ako? Come to think of it, napakaraming masasakit na mga salita ang aking nasabi sa kaniya. I offended him a lot of times.
So why would he bother to help me?
She heaved a deep breath.
But he’s the school’s president! It is his responsibility to make sure that all students under his governance are safe and sound.
But what if he’s busy right now? What if he had more important things to take care of? More important responsibilities, more important duties to comply? He’s the president, yes, but he also has his own priorities.
And his priorities does not include me.
She sighed. Unti-unting nawawalan na siya ng pag-asa. Gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa, kaya ang nagawa niya na lamang ay humikbi, umasa at magdasal.
Kanina ay nagsusumigaw siya ng saklolo, humihingi ng tulong, pero tila walang kuwenta iyon sapagkat napakalakas ng ulan, nilalamon lamang nito ang boses niya at nasa gitna siya ng kagubatan, malamang ay wala nang ibang nandoon kundi siya.
Sinong matinong nilalang ba naman kasi ang pupunta sa kagubatan, lalo’t ngayong naulan?
Nagsimula na siyang mangatog sa lamig. Ramdam niya na ang panginginig ng buong katawan.
Pumikit siya at taimtim na nagdasal. Nang matapos ay ididilat na sana niya ang mga mata pero laking gulat niya nang may narinig siyang lubid na tila naputol at hindi siya pinanganak kahapon upang hindi malaman na iyon ang lubid na nakatali sa kaniyang paa.
Napapikit siya ng mariin. Inaasahan niyang sa matigas na lupa siya babagsak pero imbes na doon ay sa matigas na mga braso ng isang lalaki siya bumagsak. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa at pinasalamatan ang Diyos na duminig ng kaniyang panalangin.
Inaasahan niyang ang mga malalamig at itim na itim na mga mata ang sasalubong sa kaniya sa kaniyang pagdilat at tama nga siya, nangyari ang kaniyang inaasahan. Sumalubong sa kaniya ang mga mata ni Law. Napangiti siya sa ginhawa.
Siguro dahil sa pagkahilo, o hindi kaya ay sa lamig, o sa pagod, unti-unting sumara ang talukab ng mga mata niya at bago mawalan ng ulirat ay narinig niyang nagsalita pa si Law, ‘yun nga lang ay hindi niya naintindihan kung anong sinabi nito.
She opened her eyes. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Napakunot-noo siya at tinignan ang paligid. Gano’n na lang ang gulat niya nang makita sila Vi, Ela at Ash, pati na rin ang iba pang mga mag-aaral na pamilyar pero hindi niya kilala, ang lahat ng ito ay may benda sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Napakurap-kurap siya. Ilang sandali din ang lumipas bago niya napagtanto na nasa klinika siya. Nagtaka siya, inalala niya kung ano ang huling nangyari bago siya mapunta sa klinika. Nang maalala niya na ay bahagyang sumakit ang ulo niya. Napapikit siya at pilit na kinalma ang sarili.
Napatingin siya sa may pinto nang bumukas ‘yon. Iniluwa no’n ang presidente, seryosong-seryoso ito. Nang makitang gising na siya ay dire-diretsong naglakad ito patungo sa kama kung saan siya nakahiga. Tinignan siya nito at pormal na nagtanong. “Do you still feel ill, Ms. Stonelight?”
Dahan-dahang umiling siya saka tumungo at nagpasalamat. “Ahm... Mr. President... Thank you... For saving me a while ago... And for saving me too from being kidnapped... Also from the tree... Thank you for always being there for me when I’m in need of help. And...” Napalunok siya. “S-Sorry for all the terrible things I said and did to you... About what happened in the detention room...” Namula siya sa hiya. “P-Please forget about that... And sorry about it too. I hope you’ll forgive me.”
Sa haba at dami ng sinabi niya ay ‘eto lamang ang sinabi nito. “It wasn’t a while ago.”
Nagtatakang inangat niya ang mukha at tinignan ito, hindi niya kasi naintindihan ang sinabi nito.
Napailing ito bago muling magsalita. “Your latest memory, you being tied up upside down in a tree, it wasn’t a while ago but three days ago.” Anito na ikananganga niya.
“What?!” Nanlaki ang mga mata niya.
Three days ago?!
I’ve slept for three days straight?!
Gano’n katagal?! Teka...
“What happened?”
Mukhang inaasahan na nito na itatanong niya iyon kaya agad itong sumagot. “You were freezing when I held you back in the forest, you were actually shaking.” Anito at naalala niya iyon, nanginginig na siya noon sa sobrang lamig.
“But that’s not the reason why you slept for three days.” Anito na ikinakunot-noo niya. “You were drowned into an illusion way back in the detention room.” Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at kinilabutan siya sa sinabi nito.
“You being with your mom that you assumed as a dream, or rather a nightmare, that was just an illusion. You were awake the whole time in the detention room and your eyes then were lifeless.” Kuwento pa nito.
“But did your mom said anything in that illusion?” Hindi agad niya nasagot ang tanong nito. Kinailangan pa nitong ulitin ang tanong bago niya ito sinagot ng tango. Muling nagsalita ito. “That can be a message for you from your mom. And...”
“And?” Hindi kasi nito tinuloy ang sasabihin. Kita niyang para bang nag-aalinlangan itong magsabi sa kaniya ng kung ano. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kaba. Para kasing mayroon itong sasabihin na hindi maganda.
Tinitigan siya nito ng diretso sa mga mata bago sinambit ang mga salitang nagpagunaw ng mundo niya.
“Your mom could be in danger.”

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasiaHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...