AdM40

918 39 0
                                    

M-Mom...

Sky looked at her mother with tears on her eyes. She can’t believe it. Her mom was standing in front of her with eyes deprived of emotions, holding her own weapon accessory, The Ruler’s Katana.

Nanlaki ang mga mata niya nang iwagayway nito ang katana. Nang iaamba na nito ang katana sa kaniya, pumikit siya ng mariin. Makalipas ang ilang sandali, narinig niya ang malakas na pagbagsak ng kung ano sa lupa.

Dumilat siya at muling nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ina, may iniinda na itong sugat sa tagiliran. Napasinghap siya sa nakita, napakaraming dugo ng sugat nito, katulad ng sa kaniya ay naglawa na. Sinubukan niyang gumapang papunta sa ina, pero hindi niya magalaw ang katawan niya.

“S-Sky...” Panimula nito. Nagsimulang tumulo ang mga luha nito, kaya tumulo na din ang mga luha niya. She hates seeing her mom looking like this, lonely, weak and in tears. She tried to move her body again, to wipe her mother’s tears away, but again she failed. Sinubukan niya muli, pero natigilan siya nang muling magsalita ang ina. “S-Sky... A-Anak...” Tinuro nito ang leeg niya, saka ngumiti. “Y-Your necklace. T-Take good care of i-it. A-Also, L-Lonan... Trust him, he will never betray y-you.”

Biglang may narinig siya—mga yapak ng kung sinong grupo. Naalerto siya nang mayroong lumapit na nilalang sa kanila, balot na balot ito sa itim na kasuotan, ultimong mukha nito ay hindi niya makita. Nang lapitan at buhatin nito ang ina ay gusto niyang magsisigaw pero hindi niya magawa. Wala siyang ibang magawa kundi manood na lamang. She hated herself for that.

Nakita niya na lumapit pa ang ilang nilalang na balot na balot din sa itim na kasuotan sa nilalang na bumubuhat sa ngayong walang malay na na ina. Nang mapatingin sa direksyon niya ang isa sa kanila ay inakala niyang lalapitan siya nito pero agad nitong binalik ang tingin sa tinatahak na daan, animong hindi siya nakita.

Gusto niyang tumakbo, habulin ang grupo at bawiin ang ina pero hindi niya pa rin magawang igalaw ang katawan, ni hindi siya makapagsalita. She felt so useless and she hated herself so much for that. She can’t even do anything for her mom, be it comfort or protect her. With tears on her eyes, she looked at the sky.

Biglang mayroong ibon na may hawak-hawak na kung ano ang lumipad papunta sa kaniya. Nang malapit na ito sa mukha niya ay napagtanto niya kung ano ang hawak nito—isang itlog. Bigla ay binatawan nito ang itlog at napapikit siya nang mabasag sa mismong mukha niya ang itlog. Napangiwi siya sa sakit at lagkit ng itlog.

“Are you okay?” Napadilat siya nang marinig ang boses ni Law, pero agad din siyang napapikit dahil bumungad sa kaniya ang nakakasilaw na liwanag. Dinilat niya muli ang mga mata saka kukurap-kurap na tumingin kay Law, wala sa sarili.

Tinignan niya ang paligid. Napakunot-noo siya. “Nasaan ako?” Biglang naalala niya ang ina. Nanlaki ang mga mata niya. “My mom! Where is she?” Tinignan niya si Law, walang kaemo-emosyon ang mukha nito. “L-Law, where? Where is she?” She started to panic. “My mom, s-she’s hurt!” She stood up. “My mom, s-someone got her! I need to get her back!” Akmang lalabas na siya ng silid nang hawakan at pigilan siya ni Law.

She tried to free herself from his grip. “Ano ba! Bitawan mo ‘ko! I need to save my mom!” Hindi siya nito pinakinggan. Her eyes started to get misty. “My mom...” Napahikbi siya nang maalala ang itsura nito na lumuluha habang naliligo sa sariling dugo. “My mom... I could at least comfort her but I c-couldn’t. I-I didn’t. I-I c-can’t.” Her shoulders started to shake. “I hate it. I hate myself. I’m so useless. I’m so weak. I can’t do anything. I hate myself, I hate myself, I hate...” Sumabog na ang kaniyang emosyon. Nanghina ang mga tuhod niya, umalalay agad si Law.

Bago pa man siya lumagpak sa sahig ay sinalo na siya ni Law. She cling her arms to him and cried on his chest. She needed someone to hold onto at that moment and Law was the only one who’s there. Noong una ay naninigas ang binata, tila hindi inaasahan ang pagyakap niya pero hindi kalaunan ay niyakap siya nito pabalik at inalo-alo. He whispered comforting words which made her feel better.

“Mr. President, pinapatawag ka ng headmaster—oh my god!” Nagulat siya at ang kayakap nang marinig ang bulalas ng kung sino. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Vi na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanila, gulat na gulat at hindi makapaniwala.

Napakurap-kurap siya, nang matauhan at mapagtanto niya ang ginawa ay nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napalayo kay Law. She shyly bowed. “Sorry, Mr. President.”

Dali-dali niyang nilapitan ang tulala sa sobrang pagkagulat na kaibigan at hinila palabas ng silid. Doon nakasalubong nila si Vi na mukhang papasok pa lamang sa silid. Pabigla niya itong hinawakan sa kamay na mukhang kinagulat nito. “Tara na, alis na tayo, dali!” Natatarantang aniya. Gusto niya nang makaalis na sa lugar na iyon para maiwasan ang presidente, hiyang-hiya siya sa ginawa, mas kinakahiya niya ang ginawa niya ngayon kaysa sa ginawa niya noon dito na pagyayabang, pinakita niya kasi dito ang pagiging mahina niya at niyakap niya pa ito, kahit kailan ay hindi pa siya nakayakap ng isang lalaki, ngayon pa lang.

Kita niyang nagtaka si Vi sa kaniyang kinilos. Mukha pa ngang magtatanong ito pero pinigilan niya na ito, pinisil niya ang kamay nito. Napangiwi ito pero agad ding umalis sa lugar na iyon kasama siya at si Jo, through teleportation. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa nang makarating sa dormitoryo.

Dali-dali siyang pumunta sa sariling kama at doon humiga saka nagtalukbong ng kumot. Hindi na siya nagpalit ng damit kaya ramdam niya ang init, pero ayaw niya nang tumayo pa para magpalit, tinatamad na siya at ang gusto niya na lang ngayon ay makapagpahinga, napagod siya sa kakaiyak at para na rin maiwasan ang mga itatanong ng mga kaibigan. Dahil sa pagod ay agad naman siyang nahila ng antok.

Walang kakibo-kibo ang dalawa pang nasa dormitoryo. Si Vi ay takang-taka sa kinikilos ni Sky at sa ekspresyon ni Jo, tulala ito sa kawalan, mukhang wala sa sarili. Nilapitan niya ito at ginulat pero ni hindi man lang ito kumurap, ni hindi siya nito pinansin.

Nilapitan ni Jo si Sky. Inalis niya ang kumot na nakatalukbong dito. Akala niya ay manlalaban ito kaya laking gulat niya nang makitang tulog ito. Kiniliti niya ito, sa leeg, kili-kili at bewang, hinuhuli kung sakaling nagtutulog-tulugan lang ito, pero wala, tulog nga ito. Napailing siya.

“Huuuuuy!” Napaigtad siya ng kilitiin siya ni Vi sa bewang. Taka niya itong tinignan. Inirapan siya nito saka tinignan gamit ang nagtatanong na mga mata. Nilapitan niya ito at binulong dito ang kaniyang nakita kani-kanina lamang.

“I saw something shocking back in the detention room.” Vi was listening intently to what Jo is saying. “The president and Sky... Hugging!” Napakunot-noo siya at taas-kilay na tinitigan si Jo, baka kasi niloloko lang siya ng kaibigan. Napasinghap siya, nang mapagtantong seryoso nga ito at hindi nagbibiro.

“Really?!” She asked, shocked. Tumango ito. Napasinghap siya muli. Sabay nilang nilingon ang natutulog na kaibigan. She was about to ask further questions but then someone forcefully knocked on the door. Nagkatinginan sila ng kaibigan.

Siya na ang nagbukas ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas niya  ay agad na bumungad sa kaniya ang isang malakas na sampal na sa sobrang lakas ay napatingin siya sa kabilang direksyon at agad niyang naramdaman ang hapdi ng pisngi. Salubong ang mga kilay na tinignan niya kung sino ang sumampal sa kaniya.

It’s none other than her ex-boyfriend’s malignant sister, Ela.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon