"Sky, nasaan ka na ba?" Narinig ni Sky ang pagtawag ng kaibigan.
"Nandito 'ko!" Pagkuha niya sa atensyon nito. Binilisan niya ang paglalakad, pero bigla na lang may dumulas na libro mula sa pagkakahawak niya. Yumuko siya at pinulot ito, pero sa kasamaang palad ay naglaglagan ang apat pang libro na hawak niya, dumulas din kasi ang mga ito.
She sighed. Ano ba naman 'to.
Isa-isa niyang pinulot ang mga libro.
Pupulutin na sana niya ang huling libro nang may pumulot nito para sa kaniya. Tumingala siya at nakita ang natutuwang mukha ng kaibigan.
She made a face. "Bakit ba kasi napakakakapal ng mga librong 'to?" Nakasimangot na reklamo niya. "'Di ba matagal ka nang nag-aaral dito? Paano mo nakakayanan na buhatin ang mga 'to araw-araw?" Tukoy niya sa libro.
Natatawang napailing ang kaibigan. "Hindi naman kasi namin laging buhat-buhat ang mga libro." Pinakita nito ang isang may kalakihang sako. "This is a teleporting sack. You'll be able to bring anything—small or big things, even pets I might add, sometimes—with the help of this."
Binitiwan nito ang sako, pero imbes na bumagsak sa sahig ay lumutang pa ito sa ere. Namamanghang napatitig siya doon. That is so cool!
"Ilagay mo na dito ang mga libro." Kinuha na ng kaibigan ang sakong nalutang at binuksan. She immediately put the books inside.
Binitiwan ng kaibigan ang sako. Napamulagat siya nang makitang naglaho ito. Hala! Saan na 'yun napunta?
"Mamaya makikita mo ulit 'yon. 'Pag may ilalagay o kukuhain ka, saka lang iyon lilitaw. Kapag hindi mo naman kailangan, hindi mo 'yon makikita for it is invisible." Nasagot ng kaibigan ang kaniyang katanungan.
Napatango-tango siya. Nginitian siya ng kaibigan. "Tara na? Marami-rami pa tayong dapat bilhin." Nanguna na ito sa paglalakad. Sumunod naman siya.
Halos isang oras din ang tinagal ng kanilang pamimili ng kaibigan ng mga libro. Napagod ang dalawa kakalinga para mahanap ang kinakailangang libro. Nang sila ay nasa kahera na, napabuntong-hininga si Sky sa ginhawa. Hay! Salamat naman at natapos din!
Inuna ang mga libro ng kaibigan. Napakunot-noo siya nang makitang ibinigay nito ang I. D. sa kahera. Kinuha naman ito ng kahera at tinapat sa isang kulay pulang box, bigla itong nagliwanag. Muli siyang namangha. Ang galing ng paraan ng pagbabayad dito!
Nang siya na ang susunod, dahan-dahan siyang lumapit sa may counter. Kinuha na ng kahera ang mga libro niya. Nang matapos, tinignan siya nito ng malalim. Inilahad nito ang kamay sa kaniya at tinignan nito ang I. D. niya.
Hinawakan niya ang I. D., kusang natanggal ito mula sa pagkakakapit sa puntas. Dahan-dahan niya itong binigay sa kahera. Pahablot naman itong kinuha ng huli, tila nainis sa katagalan niya.
Napakunot-noo ito nang makita ang kaniyang I. D. Taas-kilay siya nitong tinitigan at saka napailing. Tinapat na nito ang I. D. niya sa pulang box. Bigla na lang nanlaki ang mga mata nito nang lumiwanag ang box, saka siya nanlalaki ang mga matang tinignan. Binilisan nito ang trabaho, nanginginig ang mga kamay na ibinalik nito sa kaniya ang sarili niyang I. D. Pagkatapos, bigla na lang itong naglaho.
Nagtaka siya sa kilos nito. Anong nangyari doon?
Tinignan niya ang sariling I. D., wala namang nagbago do'n, gano'n pa din ang itsura. Napatingin siya sa pulang box, wala namang kakaiba dito. Napailing siya at ipinagsawalang-bahala na lang ang inakto ng kahera.
Napatingin siya sa counter. Tinignan niya ang sako at laking gulat niya nang makita na wala ang kaniyang mga libro doon, wala maski isa!
Hala! Saan na napunta ang mga 'yon?
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...