It is the start of the students' afternoon class.
"Ano ba 'yan!" Napasimangot si Sam. Nagtatakang napatingin sa kaniya ang mga kaibigan. "History na naman!" Reklamo niya. History ang pinakaayaw niyang asignatura sa lahat, lagi siyang naiinip kapag ito na ang asignatura.
Tinawanan siya ni Sky, inirapan siya ni Vi habang kukurap-kurap na tinignan siya ni Jo. Napanguso siya. Maya-maya'y binatukan siya ni Vi na siyang kinagulat niya. "Aray! Bakit ka ba namamatok, ha, Violeta?!"
"Ikaw, Samgyupsal, huwag ka nang ngumuso pa kahit kailan at nagmumukha kang pato!" Nakairap na sita sa kaniya ni Vi. Nanlaki naman ang mga mata niya.
Did she just call me Samgyupsal in public?! 'Eto talagang ube na 'to, namumuro na siya sa akin!
Napatingin siya sa mga kamag-aral. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa nang makitang may sariling mundo ang mga ito at laking pasasalamat niya dahil mukha namang walang nakarinig sa buong pangalan niya.
"I told you not to call me Samgyupsal in public!" Gigil na bulong niya kay Vi. Nginisian lang siya ng huli sabay sabing, "You can't tell me what to do, Sam-gyup-sal." Talagang diniinan nito ang pagkakasabi sa pangalan niya.
Sinamaan niya ito ng tingin, pinatitigil, pero lalo lamang lumaki ang ngisi nito, inaasar siya. Kinurot niya ito sa tagiliran. Napaaray ito ng malakas. Nakuha tuloy nila ang atensyon ng karamihan.
Gaganti pa sana ito sa kaniya pero dumating na ang guro nila sa ikasiyam na asignatura, si Ciara Amberhide. Nginisian niya si Vi samantalang sinamaan siya nito ng tingin.
Manghang-mangha at tuwang-tuwa si Sky. Ang silid-aralan ng asignaturang tumatalakay sa kasaysayan ng mundo ng majika ay nagmistulang silid-aklatan sapagkat ito ay napapalibutan ng matataas at mahahabang lalagyan ng mga libro.
This is heaven.
Seriously, I could stay here forever.
Napatingin siya sa gilid niya nang maramdamang may mga matang nakamasid sa kaniya. Sumalubong sa kaniya ang malalamig na mga mata ni Law. Agad siyang umiwas ng tingin sapagkat siya ay biglang nailang.
Nahihiya siya dito, lalo na kapag naaalala niya kung paano niya ito tratuhin.
Nakakahiya ako.
"Good afternoon, my dear students!" Magiliw na bati ni Ciara sa mga mag-aaral niya. Napangiti siya matapos ng mga itong batiin siya pabalik.
"Nakakain ba kayo ng tanghalian ng maayos?" Iilan lang ang nagsipagtanguan sa tanong niya. Napailing siya. "'Yung mga hindi nakakain ng maayos, huwag kayong mag-alala, tiyak naman na mabubusog kayo sa aking tatalakayin ngayong araw."
Napangiti siya. Ang kaniyang tatalakayin ay isa sa mga paborito niyang kuwento mula sa kasaysayan. "Immortality of Love: The renowned and respected King Monty's undying love for the commoner Skyjen."
Napukaw niya ang interes ng lahat, maliban sa isa—s'yempre si Law, walang kahit anong emosyon na mababakas sa mukha nito, napakalamig ng mga mata nito. Napailing si Ciara, ilang taon nang ganito si Law pero hindi niya pa rin maiwasang manibago.
Nakakalungkot lang na ang dating masiyahing bata ay nagmistulang isang taong bato ngayon.
Hindi naman siya magiging ganito kung hindi lang nawala si...
Napailing siya.
Hindi ngayon ang tamang oras para alalahanin ko ang malungkot na memorya ng espesyal na taong iyon.
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...