AdM69

619 31 1
                                        

Sky was mindless as she walked through the woods.

She don't exactly know why, but she felt upset with what she saw a while ago.

Is the girl Lonan's with his girlfriend?

She's a beauty. Maamo ang mga mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi...

Ako? Argh. Nevermind.

Ilong pa lang, talo na 'ko.

Nakangusong pinisil-pisil niya ang hindi katangusang ilong. Sa sobrang diin ng kaniyang pagkakapisil, namula ang kaniyang ilong at bahagya pa siyang hindi nakahinga nang maayos. Binitawan niya na ang kaniyang kawawang ilong.

Kahit anong pisil mo riyan, Sky, hindi 'yan tatangos. Her subconscious mind mocked.

Napasimangot siya, pero napaawang ang mga labi niya at napatalon pa siya sa sobrang pagkagulat nang may biglang magsalita sa gild niya. "Akala ko ay ang malas ng araw ko ngayon, 'yun pala ay may darating sa akin na napakalaking suwerte. Kaygandang dilag, tila ako yata'y mabubulag."

Napakurap-kurap siya nang masilayan ang isang mama. Tingin niya ay ang lalaki ay nasa mid-fifties.

Mabulag talaga?

But, in fairness, ang ganda ko raw!

Bolero rin 'to si Manong! Pero salamat sa kaniya at kahit papaano ay guminhawa ang aking pakiramdam.

Ganoon na lang ang gulat niya nang bigla siyang lapitan ng mama, titig na titig ito sa mukha niya at nasa mukha nito ang hindi makapaniwala.

Napaatras siya.

Napanganga ang mama. "Skylar? Skylar, ikaw nga, aking inaanak! Aking pamangkin! Salamat naman at muli kitang nasilayan, kayganda mo, hija! Manang-mana ka sa iyong ina."

Muli siyang napakurap-kurap. Hindi siya agad nakaimik. Nagpatuloy sa pagsasalita ang mama. "Ako nga pala si Louewe! Tito Ninong mo ako!" Pakilala nito sa sarili.

Mahabang katahimikan. Hindi siya nagsasalita dahil tinitignan niya pa kung nagsasabi ng totoo ang mama. Mahirap na, baka binibilog lang nito ang ulo niya.

Bigla ay lumungkot ang mukha nito. "Hindi ka ba naniniwala sa akin, aking inaanak at pamangkin? Tito Ninong mo nga ako!" Pagpupumilit nito.

Umatras siya at umiling. Naalala niya, wala naman nakuwento ang kaniyang ina tungkol sa tito ninong niya kuno. "Ipagpaumanhin niyo, mister, ngunit binilin sa 'kin ng aking ina na huwag basta-basta maniniwala sa mga sasabihin ng isang estranghero... kagaya niyo." Siya ay tumalikod na.

Akmang hahakbang na siya paalis nang matigilan siya sa sinabi ng mama. "Ang iyong ina, si Nellie? Sheena Nellie Stonelight, tama ako, ano?"

Nilingon niya ang mama, kunot-noo. "P-Paano niyo nalaman ang pangalan ng aking ina? K-Klala niyo siya?"

Natawa ito. "Aba, oo naman!" Napailing-iling ito. "Si Nellie, kabiyak ng aking kapatid na si Lee... ang iyong ama."

Natigilan siya. Sa buong buhay niya, ngayon lamang may nagbukas ng paksa tungkol sa kaniyang ama... at ngayon niya lang din nalaman na Lee pala ang pangalan ng ama niya.

Naalala niya, noong bata siya, isang beses tinanong niya sa ina kung bakit wala siyang ama. Nakikita niya kasi sa teleserye na ang isang tao ay may dalawang magulang—ina at ama. Nagtataka siya kung bakit sa kaniya ay isa lamang. Imbes na sumagot, nagalit pa sa kaniya ang ina at kung anu-anong masasakit na salita ang hindi sinasadyang nasabi nito sa kaniya na dala ng matinding emosyon. Kaya, magmula noon, hindi niya na inungkat pa ang tungkol sa ama dahil natatakot siya sa maaaring maging reaksyon ng ina at kinalaunan ay nalimutan niya na rin ang tungkol doon. Hindi niya na inisip pa mayroon siyang ama—hindi niya rin kasi kailangan pa no'n. Her mom is enough—actually, more than enough.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon