AdM71

613 34 1
                                        

Akala ni Sky ay namamalikmata siya... pero hindi, dahil nang paulit-ulit niyang kusutin ang mga mata, hindi naman nagbago ang itsura ng istrakturang nasa harapan niya.

"Are you okay?" Napatingin siya kay Blue na siyang nagtanong noon. Pinilit na lamang niya ang sarili na tumango, kahit pa hindi naman talaga siya okay.

Naguguluhan siya. Paano ba naman kasi, ang Crest Academy of Elemental Magic, hawig na hawig ang AdM! Tila replika, kaibahan lamang ang kulay.

AdM has white walls and blue roofs, meanwhile the school in front of her has black walls and red roofs. If to compare the two, AdM will be the angel while Crest Academy of Elemental Magic is the demon.

Ay! Bakit 'yun? Tila naman ako naging biased.

"For now, it will be best for you to be with us. If you won't mind, you will be attending classes alongside Blue and me. It's for your safety. But don't worry, right after school, we'll help you find AdM, even if it does not exist." Hindi niya na narinig pa ang huling sinabi ni Caoem dahil nauna na ito sa paglalakad papasok ng paaralan. Hawak-hawak nito ang kamay ni Blue. Siya ay tahimik na sumunod.

While walking, Sky felt weirded out, for the structure, design, doors, windows, everything of Crest Academy of Elemental Magic is uncannily the same as AdM. At isa pa na ngayon niya lamang napansin dahil napakadaming mag-aaral ang sabay nilang papasok, parehong-pareho ang uniporme ng dalawang paaralan—'yun nga lang, magkaiba, rin, ang kulay. White ang sa AdM, habang ang sa Crest Academy of Elemental Magic, black. "Mas maganda 'yung dito." Wala sa sariling sambit niya.

Hindi kasi madumihin kasi nga black.

Saka astig tignan. Parang may sikretong tinatago... lalo na't kapag nakasuot ng robe.

Pumasok na sila sa loob ng paaralan. Mas dumami ang nakitang mag-aaral ni Sky... at nagtataka siya dahil tila gulat na gulat ang mga mag-aaral na makita siya... parehong reaksyon n'ung mga nakasakay sa dragon na nakasabay nila kanina.

"New student? Bakit hindi nakauniporme?"

"Baka naman isa lamang seat-in student."

"Bakit nag-iisa lang siya? Where is her mate?"

"Baka naman mate-deprived."

"Hala. Baka nga. Ikaw, lalaki, huwag na huwag kang lalayo sa 'kin, buwisit ka!"

"Mate-deprived? Bro, siya na yata ang nilaan sa 'kin na mate! I'm in love!"

"Baliw ka! Ako ang iyong mate!"

"Hindi! Ayoko sa 'yo, bruha ka!"

"Ang ganda, ah."

Ngitian ni Sky ang lalaking nagsabi na ang ganda niya.

Super honest nito ni koya!

Pero ganoon na lang ang gulat niya nang samaan siya ng tingin ng katabi nitong babae, sabay sabing... "Back off!"

Super possessive naman nito ni ateng! Wala naman akong balak agawin boyfriend—mukha nga iyon si koya ay kaniyang boyfriend.

Pinili niya na lamang manahimik. Nakasunod pa rin siya sa love birds—Blue and Caoem.

Pero may isang bagay siyang napansin... Tila ba lahat ng babae ay may kasamang lalaki... at kahawak-kamay. Halatang mga magkasintahan.

Cool... and weird at the same time.

Nakapagtataka na lahat may kasintahan.

May naalala siyang salita na halos iyon ang sinasabi ng crowd... Mate.

Coffee Mate?

Nauhaw ako bigla.

...at nagutom. Hindi pa nga pala ako kumakain... at mukhang kahapon pa ang huli kong kain...

Ano ba 'yan. Wala pa naman akong dalang candy.

Pumasok na sa isang silid-aralan ang love birds.

Nakasunod lamang si Sky. Nagulat siya nang makita ang silid-aralan... Pareho nito ang itsura ng silid-aralan ng asignaturang Control & Magical Ethics.

— a Riddlestory —

Walang kahit anong mga gamit... Only a room with white ceiling, white walls and white floor. Sa lapag din nakaupo ang mga mag-aaral.

Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman... halo-halong mga emosyon.

Pero pinili niyang manahimik. Nang makita siya ng mga mag-aaral sa silid-aralan, 'ayun na naman ang gulat na mga mukha, sunod ang mga bulungan. Pinili niya na lamang huwag pansinin at sumunod kila Blue at Caoem.

Umupo siya sa tabi ni Blue. Saktong pagkaupo niya, dumating ang tingin niyang guro. Una siya nitong nakita dahil halos nasa tapat siya ng entrada ng silid-aralan. Nagulat ito at kunot-noo na napatingin sa hawak-hawak na papel—attendance sheet. "New student? Bakit wala rito?"

"She's my father's guest's daughter, Ma'am. Papa told me to keep her company while he and her father's busy. I hope you don't mind her seating-in." Si Caoem na gawa-gawa kuwento para makalusot... sa malamang magiging napakaraming tanong ng lahat.

Tumango na lamang si Sky, kahit na nagtataka siya sa sinabi ni Caoem. Pati ang guro ay tumango, saka nagsimula nang magturo.

Bumulong si Blue kay Sky. "Papa kasi niya may-ari nitong paaralan. 'Di ba, bongga?" Akala ng nauna ay nagtataka ang huli sa sinabi ni Caoem na Papa.

Manghang tumango si Sky.

Bigatin naman pala 'to si Caoem, eh.

Dumaan ang ilang oras... gabi na at si Sky ay nawiwirduhan na talaga... Para kasing nasa AdM lang siya at wala sa Crest Academy of Elemental Magic... Lahat ng mga asignatura ay ganoong-ganoon sa AdM pati ang itsura ng mga silid-aralan. Tila nga replika, ang mga dingding lang talaga ang naiba, maliban sa silid-aralan ng asignaturang Necromancy.

Naglalakad na siya kasama sila Blue at Caoem sa school grounds. Pauwi na. Bigla ay nagkomento si Blue habang nakatingin sa kalangitan. "Weird ng panahon ngayon, paiba-iba. Bakit gano'n?"

Napakunot-noo na rin si Sky. Noon niya lang napansin na makulimlim ang kalangitan.

...at ang pabago-bago nga ng panahon. Bigla kasing aaraw, tapos uulan, aaraw muli tapos uulan na naman. May pagkakataon pa na maraming kidlat, nakaabala tuloy iyon sa klase.

She nodded. "Weird nga."

Matapos noon, balik sa pag-iisip si Sky.

Everything is so weird... Paanong parehong-pareho, maliban na lamang sa kulay, ang AdM at hetong Crest Academy of Elemental Magic?

Natigilan siya nang biglang may ideya na pumasok sa isipan niya.

Hindi kaya nananaginip lang ako?!

Nanlaki ang mga mata niya... Malaki ang posibilidad.

Baka nga ang lahat ng 'to ay produkto lamang ng panaginip ko!

Kailangan ko nang magising—

"Everything isn't just a dream, Stonelight." Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Lonan sa isipan niya.

Hindi agad rumehistro sa utak niya na kinakausap siya ni Lonan through mind-link.

She was mindless at the moment. Nabalik lamang siya sa kasalukuyan nang may kumalabit sa kaniya—si Blue. "Sky, kilala mo?" May tinuro ito at napatingin siya roon.

Napanganga siya nang makita ang walang kaemo-emosyong mukha ni Lonan. Naglalakad ang binata papunta sa direksyon niya.

Nang malapit ito, ganoon na lamang ang gulat niya nang akbayan siya nito. Napalunok siya sa naiisip niyang nararamdaman na kaba.

"I've been looking everywhere for you, Skylar. Nandito ka lang pala."

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon