“Sky, anong meron diyan?” Nilingon ni Sky ang nagtanong na kaibigang si Jo. Mukhang hindi pa nito napapansin ang mga bakas na nasa lupa kaya tinuro niya ito, kunot-noong tinignan naman nito iyon at agad itong napasinghap sa gulat.
“Gaano kalaki ang mga footprint? Do you think it’s Vi’s?” Nang makabawi sa gulat ay nagtanong agad si Jo.
Kumibit-balikat si Sky bago pinagkumpara ang paa niya at ang footprint—the latter is way bigger than her foot and possibly Vi’s foot too. She shook her head.
She looked back at Jo. “Sigurado akong hindi ito mga bakas ni Vi. Masyadong malaki kasi, maliit lang naman mga paa ni Vi. Saka naalala mo ‘yung suot niya kaninang sapatos? May takong iyon hindi kagaya nitong sa mga bakas.”
Napatango-tango si Jo. “Oo nga. Tama, tama. Iyan, mukhang bakas ng oxfords—”
Parehong natigilan sila Sky at Jo. Maya-maya’y nagkatinginan sila saka nanlaki ang mga mata nila nang merong mapagtanto.
Sabay nilang binanggit ang pangalan ng lalaking malaki ang koneksyon sa kaibigan nilang si Vi, walang iba kundi si... “Ash!”
“Tawagin mo si Sam. Sabihin mo sa kaniya ang tungkol dito.” Tukoy ni Sky sa mga bakas. Agad na tumango si Jo at ginawa ang sinabi ng kaibigan.
Pagkabalik ay nasa mukha na ni Jo ang pag-aalala. “Sky! Si Sam, nawawala!” Aniya, hinanap niya sa buong dormitoryo ang huli pero wala ito.
Noong una ay nag-alala si Sky para kay Sam, pero naisip niya na baka alam na nito kung saang lugar maaaring matagpuan si Vi.
“Tingin ko alam na ni Sam kung nasaan si Vi at mukhang nauna na siya doon. Kaya tara na.” Anyaya niya kay Jo at nagsimulang sundan ang mga bakas, pero napatigil siya nang tawagin siya nito.
“Sky!” Nilingon niya ito. “Hintayin mo ‘ko diyan, ha?”
“Bakit?” Napakunot-noo siya.
“Magbabanyo lang ako. Pagamit ako ng banyo niyo, ha?” Anito saka tumakbo patungo sa banyo. Napailing siya.
Makalipas ang isang minuto ay mukhang natapos na ito. “O? Tapos ka na? Tara na, dali!” Nagsimulang maglakad siya muli pero tinawag na naman siya nito.
“Sky!” Nilingon niya muli ito. “Hintayin mo ‘ko! Dadaan ako sa may bukana ng dormitoryo!”
“Bakit?” Napakunot-noo muli siya. “Tumalon ka na lang diyan! Mababa lang ‘yan!”
“Eh!” Nagpapapadyak ito. “Basta hintayin mo na lang ako! Bibilisan ko naman ang pagtakbo! Okay?” Kita niyang tumakbo na ito palabas ng dormitoryo. Napailing muli siya. Sumandal siya sa pader ng dormitoryo at hinintay ito.
Isang minuto ang lumipas, wala pa rin ito. Napakunot-noo siya. Malapit lang naman ang bukana ng dormitoryo sa puwesto niya ngayon at nasa unang palapag lamang ang dormitoryo ng mga mag-aaral sa unang taon ng ikatlong lebel, pero bakit wala pa rin ito?
Napabuntong-hininga siya at naghintay pa ulit. Pero dalawang minuto ang lumipas, wala pa rin ang kaibigan. Naghintay pa ulit siya, lumipas ang tatlong minuto, apat, lima... Hanggang sa naging sampung minuto, walang Jo na dumating. Bumuntong-hininga siya.
Gustuhin niya mang hintayin pa si Jo, pero nag-aalala siya para kay Vi at sa itsura ng kalangitan ay mukhang uulan, mawawala na ang mga bakas kapag nagsimula nang lumuha ang langit. Akma niyang ihahakbang ang paa nang biglang mayroong nagsalita sa likuran niya. “Hey.”
“Ay, bakla!” Napatalon siya sa sobrang gulat. Nilingon niya ang nagsalita at sisigawan sana ito dahil labis siyang ginulat nito, pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang presidente.
Salubong ang mga kilay nito at mukhang hindi nagustuhan ang narinig. Namutla siya at agad na yumuko dito. “S-Sorry, M-Mr. P-President. N-Nagulat lang ako.”
“It’s okay.” Anito. Tiningala niya ito at nagsalubong ang tingin nila. Napayuko muli siya, pero laking gulat niya nang hawakan nito ang baba niya at pinatingala siya. Napalunok siya. “I said it’s okay. Stop bowing.”
Tumango siya at agad na humingi ng paumanhin at akmang yuyuko muli pero naalala niya ang sinabi nito na tumigil sa kakayuko. Tumikhim siya at nagpaalam na dito. “I gotta go. Excuse me, Mr. President.”
Tinalikuran niya na ito at nagsimulang sundan ang mga bakas. Pero napatigil siya nang maramdaman ang presensya nito sa likod niya. Lumingon siya at nakita itong kunot-noong nakatingin sa mga bakas. “Whose footprints are these?”
Kumibit-balikat siya, kunwari hindi alam. Pero sa tingin niya ay kay Ash, ‘yun nga lang ay hindi niya nasisiguro kaya mas mabuti na huwag niya na lamang sabihin sa presidente para hindi siya mapahiya. Naglakad ulit siya, sinusundan ang mga bakas pero muli niyang naramdaman ang presensya ng presidente.
Lumingon siya at nagtama ang mga mata nila. Tumikhim siya at lakas-loob na tinanong ito. “Mr. President? Where are you going?”
“I should be the one asking you that. Where are you going?” Seryosong tanong nito. Napalunok siya at iniwas ang tingin dito.
“I’ll follow these footprints.” Kita niyang napakunot-noo ito. Bumilis ang pintig ng puso niya sa kaba.
“You’ll follow these footprints that heads to the forest?” Napailing ito. “Ms. Stonelight, may I remind you that you got kidnapped and you almost died in that same forest.” Anito na ikinakaba niya. Kung hindi pa nito sinabi ‘yon ay hindi niya maaalala ang masamang karanasan sa kagubatan.
Matagal siyang hindi nakasagot. Pumasok sa isipan niya ang itsura ng umiiyak, nagwawalang kaibigang si Vi. Doon siya nagkaroon ng lakas na muling salubungin ang malalamig na mga mata ng presidente. “I need to.”
Kailangan ako ng kaibigan ko.
Tinalikuran niya na ito at tuloy-tuloy nang naglakad papunta sa kagubatan, sinusundan ang mga bakas. Nararamdaman niya ang presensya ng presidente sa likuran niya at pinili niyang huwag na lamang itong pansinin.
Dumilim na ang kalangitan, hudyat na magsisimula nang umulan, kaya mas binilisan niya ang paglalakad, kailangan niyang marating ang lugar kung nasaan ang patungo ang mga bakas bago pa pumatak ang tubig ulan.
Pero hindi ngayon ang masuwerteng araw niya. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nawala na parang bula ang mga bakas. Bumagsak ang mga balikat niya. Nabasa na siya ng ulan at nakaramdam siya ng matinding lamig.
Kailangan niyang makabalik agad sa dormitoryo upang hindi na mabasa pa ng ulan at baka magkasakit siya. Mahirap pa namang magkasakit. Lumingon siya at inaasahang makikita si Law pero bumagsak ulit ang mga balikat niya nang makitang wala nang Law sa likuran niya.
He left already?
Ano ba ‘yan.
Napabuntong-hininga siya at humakbang na pabalik kung saan siya nanggaling pero laking gulat niya nang may natapakan siyang lubid. Napakabilis ng pangyayari. Napatili siya sa gulat at takot. Nalaman niya na lang na nakabitin patiwarik na pala siya sa sanga ng isang malaking puno.
Napapikit siya at pumasok sa isipan niya ang mukha ng isang lalaki, lalaki na laging nandiyan upang iligtas siya mula sa panganib.
Law...
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...