“Are you sure you’re really okay? Puwede ka naman lumiban sa mga susunod na klase. Paniguradong naabisuhan na ni Law ang mga guro natin tungkol sa nangyari sa ‘yo.” Ramdam ni Sky ang pag-aalala ng kaibigang si Sam. Nginitian niya ang huli, pinapakita dito na ayos lang siya. Napabuntong-hininga ito.
Bahagyang lumayo ang kaibigan nang lumapit na sa kaniya ang nars. Nasa Klinika de Majika sila ngayon, pinapagamot ang napinsalang paa niya. Binuhusan ng likido mula sa isang maliit na bote ang nasabing paa niya, aakalaing isang simpleng likido lang ito pero sa katunayan ay isa itong healing potion.
“Hayaan mo munang tumalab ang aking nilagay bago mo igalaw ang iyong paa.” Ani nars. Tumango lang siya. Titig na titig siya dito, parang meron kasi itong kamukha, hindi niya lang maalala kung sino. Nang nilapitan siya ni Sam ay binulungan niya ito. “Parang merong kamukha ‘yung nars.”
“‘Yung isang kamag-aral natin… Si… Sino nga ba ‘yun? May kinalaman sa abo ‘yung pangalan niya, eh.” Napakunot-noo siya, iniisip ng mabuti kung sino ang kamag-aral na iyon.
“Si Ash?” Ani Sam.
“Oo, ‘yun nga, si Ash! Tignan mo, parang pinagbiyak na bunga.” Aniya.
Napadaing siya nang batukan siya ni Sam. Nagtataka niya itong tinignan. Inirapan siya nito. “Malamang kamukha niya! Nanay niya ‘yun, eh. Sinabi ko na sa ‘yo ang tungkol sa kanila, ‘di ba? N’ung wala pa si Miss Helena.”
Nang sinabi nito ‘yon, saka niya lang naalala ang napagkuwentuhan nila noong bakanteng oras ng ikalimang asignatura. Napangiwi siya. “Nalimutan ko. Sorry.”
Napatingin sila sa pinto nang bumukas ‘yon. Niluwa no’n sila Vi at Jo. Dali-dali siyang nilapitan ng mga ito at tinanong kung ayos lang siya. Nginitian niya ang dalawa at sinabing wala sila dapat ipag-alala.
Nilapitan ang grupo nila ng nars. Nakatingin ito kay Vi at halata ang tuwa sa mga mata nito. “Vi! Mabuti naman at nakadalaw ka na din ulit dito sa wakas. Ang tagal na din nating hindi nagkita.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Vi sa kaba nang batiin siya ng ina ng dating kasintahan. Malapit siya dito noong sila pa ng anak nito, pero noong hiwalayan niya si Ash ay hindi niya na muli itong nakita at nakausap pa. Naging bisi din kasi sila sa kan’ya-kan’ya nilang mga buhay at pinili ni Vi na putulin ang koneksyon kay Ash at sa lahat ng taong merong kinalaman sa binata. Isa na nga dito ay ang ina nito.
Pilit niyang nginitian ang ginang. “Oo nga, Mrs. Fullrun. Pasensya na, hindi na ‘ko nakakabisita dito ng madalas, marami kasing gawain sa paaralan.”
Pabirong hinampas nito ang kaniyang braso. “Ikaw talagang bata ka, napakapormal mo! Para namang wala tayong pinagsamahan kung tawagin mo ‘kong Mrs. Fullrun.” Sumimangot ito. “Ano bang sabi ko sa ‘yo noon? Anong itatawag mo sa ‘kin?”
“M-Mama Mira.” Napangiti ito sa naging sagot niya.
“Mabuti naman at naalala mo pa, Vi.” Nagulat siya nang yakapin siya nito. Nailang pa siya n’ung una pero sa huli ay niyakap niya ito pabalik at mahina itong tinapik-tapik.
Ang tatlong nanonood lamang sa muling pagkikita nila Vi at Mira ay iba-iba ang naging reaksyon sa pagyayakapan ng dalawa. Napangiti si Sky, habang hindi naman malaman ni Jo kung ano ang magiging reaksyon, samantalang takang-taka naman si Sam, napapaisip kung paano naging malapit ang dalawa.
Bumitaw na sa pagkakayakap ni Mira si Vi, tumunog na kasi ang kampana ng paaralan, pinapahiwatig nito ang pagsisimula ng susunod na klase. Nginitian niya ang ginang. “Mauuna na kami, Mama Mira.”
“Babalik ka, ha? Marami kang dapat ikuwento sa akin.” Bahagyang natigilan siya nang sabihin nito ‘yon, pero agad din siyang ngumiti at tumango.
Nilingon niya ang mga kaibigan. Napansin niya agad ang kakaibang tingin sa kaniya ni Sam. Pinili niyang hindi na lamang ito pansinin.
Tinulungan niyang tumayo si Sky. Nang makatayo na ito ng maayos ay agad niyang hinawakan ang kamay nito at ni Jo, saka sila naglaho. Talagang sinadya niyang maglaho agad para hindi na makapagtanong pa sa kaniya si Sam.
Sakto lang ang kanilang pagdating dahil kabubukas lamang ng pinto ng silid ng guro na si Yolly Boulderchewer sa ikalabingapat na asignatura, ang Mentalist Magic.
Nagsitahimik ang mga mag-aaral nang pumasok na ang guro. Nagbigay ito ng isang matamis na ngiti bago mayumi na bumati. “Good evening, students.”
Manghang-mangha si Sky habang tinitignan ang langit na punong-puno ngayon ng mga bituin. Tuloy ay hindi niya napansin na nasa kaniya na pala ang atensyon ng guro.
Kinalabit siya ng katabi na si Jo. Taka niya itong tinignan. Tinuro nito ang guro na nasa harapan na kasalukuyang matamang nakatingin sa kaniya. Napalunok siya.
“Yes, Ma’am?”
“You seemed to be lost in your own world, Ms. Stonelight.” Natawa ang guro. “I was asking you a while ago if are you really okay now?”
Mabilis siyang tumango. “I’m okay, Ma’am. Thank you for your concern.”
“Great.” Nakangiting anito. “Now, please lend me your ears.”
Nagsimulang magtalakay ang guro. Nakinig na siya dito ng husto, ayaw niya nang mapahiya muli. Pero habang nakikinig siya at pinanonood ang gurong magsalita ay may napansin siyang kakaiba dito.
Kanina pa ito tingin nang tingin sa labas, hindi mapakali ang mga mata nito. Saglit niyang tinignan ang tinitignan nito, wala namang kakaiba. Mukha namang payapa ang gabi.
Napansin din niya tuwing may tinatanong ito ay laging si Iro ang nakakasagot. Totoo nga ang sinabi ni Sam, magaling nga ang binata sa asignaturang Mentalist Magic.
Mabilis na natapos ang pagtatalakay ng guro. Bago umalis ay may sinabi ito na ikinagulat niya at ng mga kapwa baguhan niya ng husto. “Newbies, I expect you all will be able to learn shielding as soon as possible. Your minds are very much open and I can’t concentrate for you think and talk too much in your minds.”
Mabilis na binaling ni Sky ang atensyon kay Sam kaya hindi niya napansin na tinitigan at bahagya pa siyang pinag-aralan ng guro bago ito dali-daling umalis.
“Nababasa ni Ma’am ang mga pinag-iisip ko?!” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Sky kay Sam.
“Naririnig ni Ma’am ang mga pinag-iisip ko?!” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Jo kay Vi.
Nagkatinginan pa sila Sky at Jo bago muling nanlaki ang mga mata nila. Hindi nila sukat akalain na may nakababasa sa mga naiisip nila at may nakaririnig sa mga pinagsasabi nila sa kanilang isipan.
“Yeah.” Ani Vi na parang wala lang. “Lalo na kapag bukas na bukas ang mga isipan niyo.”
Napanganga ang dalawa. Bahagyang lumayo si Sky. “Nababasa mo din mga naiisip ko?”
“Nah.” Si Sam ang sumagot. “Hindi pa namin kayang magbasa ng mga naiisip ng iba, pero may mga oras na naririnig namin mga pinagsasabi niyo sa isipan niyo, lalo na kapag malakas tapos bukas na bukas pa isipan niyo. Wala pang may kayang magbasa ng isipan ng iba dito sa klase natin—” Natigilan ito. “Ay, saglit. Si Law pala, kaya niya. Siya lang ang nag-iisang may kayang magbasa ng isipan ng iba dito sa klase natin, pati na din yata sa buong paaralan. Siya lang.”
Agad na namutla si Sky.
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...