Sorry?
Did I hear that right? Law said sorry?
Gulat na gulat si Sky nang sabihin ni Law sa kaniya ang salitang ‘sorry.’ She didn’t expect that. At saka base sa personalidad na mayroon ang binata, hindi niya akalaing marunong pala itong humingi ng patawad.
Gulat na gulat din si Felix. Magmula pagkabata ni Law ay kasa-kasama na siya nito, kaya kilalang-kilala niya na ito. Madalang itong gumawa ng kamalian at kalokohan, hindi kagaya ng apo niya na si Iro. Dahil doon ay hindi kailanmang humingi si Law ng patawad sa kadahilanang wala naman itong dapat ihingi ng kapatawaran.
Law was starting to get irritated with the looks he is getting from Sky and the headmaster. Tulalang nakatitig sa kaniya at bahagya pang nakanganga ang mga ito, kaya nagsalita na siya. “Will you please stop looking at me like that? It’s irritating.”
Mas lalo pang nagulat ang dalawa sa sinabi na iyon ni Law. Ang punong-guro ay napasinghap at napaturo pa sa mukha ng huli habang si Sky ay nanlaki ang mga mata. At halos magkapareho lang ang nasa isip nila ngayon.
This man actually knows how to say ‘please’? Shocking. Si Sky.
Kailan pa natutong magsabi ang batang ito ng ‘please’?! Ang punong-guro.
Talagang naiirita na si Law. Ayaw niyang ipakita ang pagkairita kaya pinili niyang talikuran ang dalawang tulala, pagkatapos ay pinasok niya sa bulsa ng suot na pantalon ang mga kamay saka naglakad na paalis. Ang dalawang iniwan niya ay sinundan siya ng tingin.
Nang hindi na nakita pa ng dalawa si Law ay nagkatinginan sila, hindi malaman ang magiging reaksyon sa naging biglaang pag-alis ng binata. Makalipas ang ilang sandali ay nakatanggap ng isang mahalagang mensahe ang punong-guro through mind-link. Nginitian niya si Sky at nagpaalam na dito at akmang aalis, pero napatigil siya nang magtanong ito.
“Headmaster, babalik na po ba kayo sa paaralan? Kung maaari po sana akong sumabay na sa inyo, hindi ko po kasi alam kung papaano uuwi, umalis pa po si Lonan, eh.” Hindi kaagad siya nakasagot sapagkat nagulat siya ng husto sa pagtawag nito kay Law sa mismong pangalan nito. Iilan lamang ang nakakaalam ng pangalan na iyon ng binata at hindi niya inaasahan na si Sky ay kabilang sa iilan na iyon.
Bago pa man makapagsalita ang punong-guro ay umeksena na si Law. Napahawak si Sky sa dibdib sa gulat nang marinig ang pagsasalita ng binata malapit sa tainga niya. “Nah, I’ll be the one to take you home.” Lumingon siya, sumalubong sa kaniya ang malalamig na mga mata ng binata. Napakurap-kurap siya.
He came back?
I thought he left me in here.
But, come again? He’ll be the one to take me home?
Yes! Pakikiusapan ko siya na manatili muna kami dito!
Gusto kong libutin pa ang bayan! Mukhang napakarami kasing magagandang atraksyon dito!
Malaki ang naging pagngiti niya. Siya’y hindi na makapaghintay na malibot ang napakagandang bayan ng Omance. Wala na sa kaniya ang atensyon ng binata kundi nasa punong-guro. Tingin niya ay kasalukuyang nag-uusap ang dalawa, of course through mind-link.
Naglaho bigla ang punong-guro sa hangin, tanda na ito’y nag-teleport. She opened her mouth and was about to speak, but then Law turn his back on her. Napanguso siya saka sumunod na lamang dito. Inakala niya na ang punta nila ay sa bus stop, but no.
Nagningning ang mga mata niya nang mahagip niya ng tingin ang mahabang pila ng mga bakanteng karwahe. Nilingon siya ni Law at napailing ang binata nang makita ang ekspresyon sa mukha niya. Nginitian niya ito nang magsalubong ang kanilang tingin.

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...