There was a long silence.
Pinakikiramdaman lang ni Felix si Lonan. Ang huli ay walang imik at ang mukha ay walang karea-reaksyon.
The young man's face was void of any emotion... and it was scaring the headmaster, severely.
Ni ang kumurap ay hindi ginagawa ng binata. Napalunok si Felix nang mariin at nagsimulang pagpawisan. Bumilis na rin ang paghinga niya.
Humugot siya ng lakas ng loob bago magsalitang muli. "His cafe was severely destroyed. The authorities could only think of one group who has the guts to do it—them."
There was another long silence.
Biglang tumayo si Law.
He did too.
Walang salitaan, sabay silang naglaho.
Sabay rin silang lumitaw...
...sa dungeon.
Dungeon, the darkest, dirtiest and most dangerous place in the castle.
It is located on the lowest point of the castle—underground.
Walang ibang nakapupunta rito kundi silang tatlo lamang—Felix, Lonan at Rio.
Dito, kinukulong ang mga nakakatakot at napakadelikadong mga halimaw na mula sa kagubatan na naligaw sa palasyo, pati na rin ang mga nilalang na ilang beses nang nagbalak maghasik ng lagim, pero hindi nagtagumpay.
Isa na roon si Clyde Mildrun, the one who kidnapped Sky, who, by now, is dead.
Iro killed him.
Ngayon, dahil sa presensya ng dalawa, umalulong ang mga halimaw na nakakulong.
Wala ni isa sa kanila ang pumansin sa mga 'yon. Nanatili silang walang kibo.
Felix opened an empty cell.
Law went inside of it.
Sinara na ni Felix ang kulungan. He locked it, not just one, two, three, but thirteen times.
Ginamitan niya pa ng sariling kapangyarihan ang kulungan, upang masiguro na hindi makakasakit ng kahit na sino si Lonan.
Today... will be the day in which Lonan will let it all out.
Kahit sa araw lang na ito, mailabas niya lahat—lahat-lahat. Hahayaan niyang lamunin siya ng emosyon.
Magwawala ang kaniyang kapangyarihan... Ang kadiliman ay makikidalamhati sa kaniyang pighati.
Felix heaved a deep sigh. Pinabistahan niya ang kabuuan ng buong kulungan. Hindi niya na makita pa si Lonan dahil sa mahikang nakabalot sa kulungan.
Bago maglaho ay nagsalita pa siya. "Lonan, apo... Just remember that I'm always here for you. I treat you as my own grandson, and locking you up here... It breaks my heart." Napayuko siya, nagsimulang mangilid muli ang mga luha. Awang-awa siya kay Law. "T-Talagang nadudurog ang aking puso... Pero ano ba ang magagawa ko? 'Eto mismo ang kagustuhan mo." Huminga muli siya nang malalim. "Me, Iro, Rilo..." Naalala niya ang apong babae. "...and Sky... We're here for you. Pamilya mo na kami, Lonan. Pamilya na tayo. Ang isa't isa na ang magiging sandalan natin... Pero hindi kita pipilitin. 'Eto ang gusto mo, ibibigay ko sa 'yo."
"Lolo?" Bahagyang nagulat si Sky nang mabungaran ang kaniyang lolo pagbukas niya ng pinto. Akala niya kasi si Law ang kumatok at siyang bubungad sa kaniya, pero hindi pala.
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...