Napailing na lamang si Iro nang makitang natulala si Sam. Iwinagayway niya ang isang kamay sa harap nito pero hindi man lang ito natinag. Napabuntong-hininga siya at kinuha ang kamay nito, then he teleported to the headmaster's office.
Agad niyang binitawan ang kamay ni Sam nang marating ang opisina. May naramdaman kasi siyang kakaiba nang hawakan niya ang kamay nito kanina, hindi niya maipaliwanag kung ano ito.
Nandoon na ang kaniyang Lolo Lorenzo—the headmaster himself—nang makarating sila. Nakita niya si Sky na nakaupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng lamesa ng kaniyang lolo, katabi nito si Law.
Marahan niyang tinulak si Sam papunta sa upuan na nasa tapat ni Sky. Umupo naman agad si Sam sa upuan, siya naman ay tumabi dito. Naramdaman niya pang nabigla ito. Napailing siya.
Tahimik ang lahat, nagpapakiramdaman. Halos isang minuto din ang tinagal ng pananahimik ng lima. Si Lorenzo na mismo ang pumutol ng katahimikan, tinignan niya si Sky at tinanong ito. "I heard you received a threat. Is that true?"
Tumango naman si Sky. Sa dulo ng mga mata niya, nakita niya ang pagbalatay ng gulat sa mukha ng kaibigan. Pagkatapos ay napakunot-noo ito. Biglang inilahad ng punong-guro ang kamay nito sa harap niya. Nagtatakang tinignan niya ito.
Agad na nakuha ni Law ang ibig kuhanin ng punong-guro. Kinuha niya mula sa bulsa niya ang papel na naglalaman ng banta para kay Sky at siya na mismo ang nagbigay nito sa headmaster.
Sinuot ni Lorenzo ang kaniyang salamin. Binuklat niya ang papel kung saan nakasulat ang banta para kay Sky. Naninigkit ang mga matang binasa niya ang banta at bahagya siyang napangisi nang makilala ang sulat.
"Hmm... A riddle." Nangingiting aniya. He loves riddles. Agad niyang nakuha ang sagot sa binasang riddle. Nakilala niya agad kung sino ang nagpadala ng banta.
Clyde Mildrun, the fire bender and the guy from yesterday.
Napangisi siya.
Someone needs to be punished.
Tinignan niya si Law. He talked to him through mind-link. "Skullwalker, I want you to keep an eye on Stonelight. Make sure that she's always safe."
"I will, headmaster." Law obliged.
Tinignan naman ni Lorenzo ang apo. Napailing siya. "Umayos-ayos ka, Rockwell, kundi tatangalan kita ng mana."
Napangiwi si Iro. "Aayos na, Lolo."
"Headmaster!" Lorenzo corrected his grandson.
Iro almost rolled his eyes.
Arte talaga ng matandang 'to.
"Aayos na, headmaster." Sarkastikong aniya. Tinignan naman siya ng masama ng headmaster.
"We'll talk later." Anito. Muli siyang napangiwi.
Tumayo na ang headmaster. Tumayo din sila Law at Iro, ang dalawang babae naman ay nagtatakang tinignan ang tatlong lalaking nakatayo. Pinatayo ni Law si Sky samantalang kusang tumayo si Sam.
Tumingin ang punong-guro sa kaniyang relo. "It's only 11:35 AM. Makakahabol pa kayo sa inyong klase." Tinignan niya si Sky. "We'll take immediate action on your case, Ms. Stonelight." Makahulugang tinignan niya si Law. Nakuha naman agad ng huli ang gusto niyang iparating, tumango ito.
Napakurap-kurap si Sky nang maglaho na sa harapan niya ang headmaster. "'Yun na 'yon?"
Akala ko pa naman magkakaroon ng masinsinang pagtatalakay.
Buti na lang wala. Hindi ko yata kakayanin kung meron.
Thank God!
Sinita ni Sam si Sky. Baka kasi iba ang mapakahulugan ng dalawang lalaki sa sinabi nito. "Ano ka ba! Anong gusto mo, mapagalitan pa ng headmaster?"
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...