“Violeta, saan ka na naman ba nagsusuot, ha?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Sam kay Vi.
“Nagpahangin lang ako.” Kasinungalingang saad ni Vi. Nagtaka siya bigla. “Saan kayo pupunta? ‘Di ba pipili pa ng kapareha? Teka, nakapili na ba ang top five?”
“Nahuli ka na, bruha!” Binatukan ni Sam si Vi. Napasimangot ang huli. “Katatapos lamang ng pamimili! Lahat kami may mga kapareha na, ikaw na lang wala!”
“Hala.” Nag-alala si Vi. “Paano ako nito? Wala ‘kong kapareha! Hala, Sam, Sky, Jo, paano na ‘to?” Nakaramdam na siya ng gikla at kaba.
“Kumalma ka nga muna.” Ani Sky kay Vi. “Huwag kang mag-alala, mayroon ka siyempreng kapareha. Niloloko ka lang n’yan ni Sam na wala.” Napailing siya nang ngumisi at tumawa ng napakalakas si Sam, napahawak pa sa tiyan dahil paniguradong sumakit ‘yon sa sobrang kakatawa ng huli.
Sinamaan ni Vi ng tingin si Sam. Sasapukin sana niya ang huli pero bigla siyang mayroong naalala. Nilingon niya sila Sky at Jo. “Sino ang mga napiling kapareha ng top five?”
“Now, everyone.” Panimula ng punong-guro. “The top five will choose their partners.” Tinignan niya ang puwesto kung saan nakaupo ang top five. “Starting with our top five, Mr. Lunaless. Please come in front.” Pero walang Iro na tumayo.
Sa loob-loob ng punong-guro ay minumura niya ang apo. Sinubukan niyang tawagin ito, through mind-link, pero hindi ito sumagot. Ang presensya nito ay napakaimportante lalo na sa mga ganitong okasyon. Kapag nakita niya ito ay walang pag-aalinlangan na sasapukin niya talaga ito, kahit sa harap pa ng mga mag-aaral, namumuro na kasi at dapat nang disiplinahin.
Tumikhim siya bago tinawag ang top four. “Mr. Lunaless is not here so kindly come here in front, Mr. Laughingrock.” Kapatid ni Dash ang top four. They don’t get along well. Umismid si Dash nang sadyang dumaan sa harap niya ang kapatid. Nang pumili ito ng kapareha ay nagulat siya ng husto. “...My brother Dashiell Laughingrock.” Dash went up the stage to handshake with his brother and the headmaster. Ayaw niya mang maging kapareha ang kapatid, he has no choice.
Sumunod na ang top three. Ela gracefully walked up the stage. Akala ng lahat ay pipiliin niya ang kapatid na si Ash, kaya laking gulat ng lahat nang sabihin niya ang napiling kapareha. “...Mr. Skullwalker.”
Biglang umeksena ang punong-guro. “Mr. Skullwalker will be your partner, Ms. Fullrun, only if he allows it.” He looked at Law who looks bored. “Do you allow it, Mr. Skullwalker?”
Napasimangot si Ela nang umiling si Law. She has no choice then... “I choose my brother then.” Napakunot-noo siya nang hindi niya nakita ang kapatid sa mga nakaupo. She tried to ask him where he is through mind-link but he won’t answer. The headmaster approved of her brother. Sinabihan siya nito na abisuhan na lamang ang kaniyang kapatid, tapos ay pinaupo na siya nito.
Up next is the top two, who was Maddie’s ex-boyfriend. Ang totoo ay kailanman ay hindi niya ito ginusto, pero dahil nga sa kasali ito sa top five and kung magbigay ito ng regalo ay sobra-sobra, sinagot niya na ito. Tatlong araw lang ang tinagal nila. Kinabahan siya nang nginisian siya nito, halata kasing mayroon itong binabalak na hindi maganda. At totoo nga ang kaniyang hinala sapagkat... “I choose Ms. Maddie Freebreeze.”
She wanted Iro to be her partner! But he was nowhere to be found. Kinailangan pa siyang tawagin ng punong-guro para umakyat siya sa entablado. Sa totoo lang ay wala siyang balak umakyat dahil ayaw niyang maging kapareha ang dating kasintahan, pero wala siyang magagawa. She went up the stage and handshake with the top two. Sinadya nitong tagalan ang pagkakamayan nilang dalawa, hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya. Gusto niya itong sampalin pero hindi puwede, nasa entablado siya at maraming nanonood. She then handshake with the headmaster.
Last is the most powerful student in the whole school, the top one, Law. Tahimik ang lahat nang umakyat siya sa entablado. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinabi ang napiling kapareha. “Ms. Sky Stonelight.”
Nagulat ang lahat, lalong-lalo na si Sky. Agad na nagkaroon ng bulong-bulungan sa mga manonood, ang tanong nila ay iba-iba pero iisa lang ang pinupunto, kung bakit siya ang napili ng presidente. Pinilit niyang huwag na lamang pansinin ‘yon, dire-diretso na umakyat siya patungo sa entablado. Kinamayan niya si Law, naramdaman niya na naman ang napakalamig nitong kamay, sumunod ang punong-guro, tinapik pa siya nito sa ulo. Nginitian niya na lamang ito.
Tumikhim si Jo at ininguso si Sky. Tinaasan siya ng kilay ni Vi, nagtataka, hindi kasi nito maintindihan ang ibig iparating ni Jo. Napabuntong-hininga ang huli bago magsalita. “Si Sky, napili.”
Nanlaki ang mga mata ni Vi. Maya-maya’y naningkit ang mga mata niya habang tinitignan si Sky na inosenteng nakatingin sa kaniya. Napangisi siya. “Let me guess... Si Law, ano?”
Napasimangot si Sky at tumingin sa ibang direksyon. Natawa si Vi, doon niya kasi nakumpirma na tama ang hula niya. Si Jo ay nakitawa na rin, habang tawa pa rin nang tawa si Sam, unti na lang at mababaliw na. Napanguso si Sky.
Biglang kinausap siya ni Law, through mind-link. “It’s almost ten. Go to the detention room now.” Napatingin siya kila Vi at Jo, mukhang sinabihan din ang mga ito ni Law. Vi held hers and Jo’s hand, then teleported to the detention room.
Nang mahimasmasan na sa wakas si Sam ay nilingon niya ang mga kaibigan. Bigla siyang nagutom at yayayain sana niya ang mga ito sa kantina pero laking gulat niya nang siya na lang pala ang nandoon, na nag-iisa na lang siya sa kinaroroonan. Saka niya naalala na naparusahan nga pala sila Jo, Vi at Sky at nasa silid-detensyon sila panigurado. Napanguso siya.
Nagsimula na siyang maglakad paalis. Pero bigla na lang may humarang sa dinaraanan niya. Agad niyang nakilala kung sino iyon dahil sa amoy ng gamit nitong pabango. Kukurap-kurap na napatingin siya kay Iro na noon ay malayo ang tingin. Bigla itong nagsalita. “Are you free?” Nahigit niya ang hininga nang diretsong tignan siya nito. Ang guwapo talaga nito. Tumango siya sa tanong nito. Bigla itong ngumiti na siyang ikinatulala niya. “Great. Be my company then.”
Sky was bored, so much bored. At halos wala pang kalahating minutong nasa silid-detensyon siya. Ang ginagawa niya kapag naiinip siya ay kumakanta siya. Kanina habang nakanta siya ay pinatahimik siya ng kung sino na sa tingin niya ay nasa katabing silid-detensyon niya, matutulog daw ito kaya huwag daw siya maingay. Napabuntong-hininga siya at tumitig na lamang sa asul na kalangitan. Humiga siya sa sahig at pinanood ang mga naglalarong ibon. May naamoy siyang kung ano na mayroong hindi kaaya-aya na amoy at hindi niya namalayan na nahila na pala siya ng antok.
She kept on running. Halos mahubad na ang kaniyang suot na damit pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Ang buhok niya ay buhaghag na at ang mga bulaklak na disensyo dito ay iba-iba na ang puwesto, ang iba nga ay nalalaglag na. Pawis na pawis siya at pagod na pagod, gusto niya nang tumigil sa pagtakbo ngunit hindi puwede, baka mahabol siya ng kung sinumang masamang loob na humahabol sa kaniya sa kasalukuyan. Hindi na siya makahinga ng maayos sapagkat hingal na hingal na siya, napakabilis din ng tibok ng kaniyang puso. Saglit siyang lumingon na agad niyang pinagsisihan. Nadapa kasi siya at tuluyang nahubad na ang suot niyang damit. Nakita niya ang pag-agos ng dugo mula sa sugatan niyang mga tuhod. Hindi niya napigilan ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Naramdaman niya ang presensya ng kung sino. Lalo siyang napaiyak. Sinubukan niyang gumapang palayo, humanap ng mapagtataguan, nagsugat tuloy ang mga kamay niya, kumirot ito at nagdugo. Gayunman ay nagpatuloy siya. Pagod na pagod na siya pero tuloy-tuloy pa rin siya. Makalipas ang ilang sandali ay ang katawan niya na mismo ang bumigay sa sobrang pagod at sakit. Doon niya napagtanto na nagkalat na sa lupa ang kaniyang dugo, nag-animong lawa na. Ang katawan niya ay punong-puno ng mga sugat at ang mukha niya ay basang-basa na ng pawis at luha. Napahikbi siya, sinubukan niyang humingi ng tulong, sumigaw ng saklolo, pero wala siyang boses, walang salitang lumalabas mula sa bibig niya. Naramdaman niya muli ang presensya ng kung sino, lalong lumakas ang kaniyang hikbi.
Nakita niya ang isang pares ng sapatos at agad na nanlaki ang mga mata niya, napasinghap pa siya. Kilalang-kilala niya kung sino ang may-ari ng sapatos na iyon! Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang tingin at nang magtama ang mga mata niya at ng nagmamay-ari ng sapatos ay halos himatayin siya sa sobrang gulat at takot. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Ang kaniyang pinakakinatatakutan...
Nangyayari na.

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...