Upon saying that, Law vanished on the spot.
While Sky was there on the ground, helpless.
Napatigil siya sa pagluha at natulala.
Ilang beses nagpaulit-ulit sa isipan niya ang sinabi ni Law.
Ilang beses rin paulit-ulit niyang naramdaman ang sakit sa dibdib.
She was a mess right now, on the outside, and definitely, too, in the inside.
Meanwhile, Sammy was walking in the woods.
The forest is his safe place. Madalas siyang nandoon, lalo na kapag walang pasok, kagaya na lang ngayon.
Magmula pag-angat ng araw hanggang sa paglubog no'n ay naroroon siya, nakatambay sa taas ng isang puno.
Naglalakad na siya ngayon patungo sa kaniyang puno—The Tree of Sammy.
It's his favorite tree. Masarap kasing higaan ang malaking sanga nito. At talagang inukit niya pa ang buong pangalan niya sa puno, minamarka iyon.
Napatigil siya sa paglalakad nang may mapansin. Napakunot-noo rin.
At unti-unti ay nanlaki ang mga mata niya. Kilala niya ang babaeng nakikita niya ngayon na nakaupo sa lupa at nakatungo habang yakap-yakap ang mga binti, si—
Classmate Sky Stonelight!
Emeghed! Anong ginagawa niya rito?!
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalaga. Mukhang hindi nito napapansin ang presensya niya.
Natigilan siya nang makakita ng likidong kulay pula. Napaawang ang mga labi niya sa gulat at takot nang mapagtantong dugo iyon.
Nagkalat ang dugo... Mula sa mga sugat ng dalaga.
Napalunok siya nang mariin bago siya nagmasid-masid sa paligid.
Nang masiguro niyang wala namang kung anong kakaiba ay dali-dali niyang nilapitan ang kamag-aral, pero napatigil siya nang humikbi ito... hanggang sa tuluyan nang napahagulgol.
"H-He's r-r... ight... I a... am... am a we... weak... lin... ling. I-I-I... am w-weak..." Halos hindi na ito makapagsalita nang maayos, nawawalan na ito ng hininga dahil sa sobra nitong paghagulgol.
Nakaramdam siya ng awa para rito. Tuluyan niya na itong nilapitan.
Mukhang napansin na nito ang presensya niya pero pinili nitong hindi siya pansinin.
Kung sa ibang pagkakataon ay maiinis siya, sa ngayon ay hindi na muna. Nararamdaman niyang malaki ang dinadalang problema ng kamag-aral.
Tumabi siya rito, pero siniguro niyang may espasyo pa rin sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman sila close, saka baka mailang pa ang dalaga.
Kahit na walang malisya sa 'ming dalawa. In fact, magkapederasyon kaming dalawa.
Yes, you read that right. Samuel Erik Grassbinder is gay.
— a Riddlestory —
Lonan's right. I am a weakling. Mahina ako. Mahina... Napakahina. Ni hindi ko nga kaya ipagtanggol ang sarili ko. Naalala ko, noong bata ako, tuwing mayroong nambubuyo sa akin, wala 'kong ibang ginagawa kundi umiyak... at magsumbong kay Mom. Pagkatapos ay ipagtatanggol niya 'ko, sasabihin na ayos na ang lahat at huwag akong mag-alala dahil tuwing may akmang mananakit sa 'kin muli, nandiyan siya upang ipagtanggol ako. Kaya mula noon, nasanay akong nandiyan palagi si Mom, nakaasa ako lagi sa kaniya, sa lahat ng bagay, lahat ng pagkakataon. I was her little defenseless princess... Pero hindi habang buhay ay may lakas si Mom upang ipagtanggol ako, hindi habang buhay ay prinsesa niya 'ko... na hindi marunong lumaban, na mahina at laging nakaasa sa kaniya at sa iba. I remember, Lonan said she could be in danger and just thinking about that makes me feel awful and hate myself. Napakahina ko, kaya siguro ay nilayo niya 'ko rito sa aming tunay na mundo at dinala sa mundo ng mga tao. Hindi ko kasi kayang protektahan ang aking sarili, mahina ako, eh, saka tumatanda na rin si Mom, siyempre nawawalan na siya ng lakas. Now, pinagsisisihan ko na hindi agad ako namulat sa reyalidad, na pinili kong magtago sa likod ni Mom, na hinayaan ko siyang lumaban nang lumaban para sa 'kin habang ako ay walang ginagawa, sarap buhay pa.
Pero hindi puwedeng mamuhay ako sa pagsisisi. Thinking about it... Now I know why Lonan did that, why he made me feel like a weakling—well, I am a weakling by now—but never tomorrow. I needed to become a warrior, so that I can protect those who I love. He made me realize that being a weakling is no good thing. The weakling Sky must die.
In no time, the warrior Sky will arise... and by then I know Mom will be proud of me... I just hope she's fine right now and is not worrying about me. I'm hoping she's getting a good rest while I yield myself on becoming my best... The best version of Skylar Jenilee Stonelight.
Halos isang oras din ang tinagal nang paglabas ni Sky sa lahat ng naipong sakit sa dibdib niya.
She felt good letting it all out. She felt even better upon coming to a conclusion of Law's actions.
Salamat din sa pusong babae na tahimik lang na nasa kaniyang tabi, wala itong imik at pinaparamdam lamang nito na hindi siya nag-iisa—she's really thankful for that.
And, of course, she knew Sammy... and that he's gay. Napapansin niya kasi itong laging nakatitig sa pinsan at kay Ash, pati na rin kay Law pero agad na nararamdaman ng huli ang tingin nito at napapatingin rito kaya napapabaling agad sa ibang direksyon ang tingin nito, dala ng takot.
Nilingon niya ito at nginitian. "Thank you, Sammy."
Tila nagulat pa ito pero maya-maya ay ngumiti na rin ito. "Wala 'yun, besh—e-este..." Namawis ang noo nito.
Lumawak ang ngiti niya. "You are a wonderful being whatever your gender is."
Napaawang ang mga labi nito at nanlaki pa ang mga mata. Siya naman ay natawa na-nakakatawa kasi ang reaksyon nito, gulat na gulat.
Sabay silang napaigtad nang may biglang lumitaw sa gilid nila-si Lonan. "You okay now?" He asked.
Tumango siya, at kahit na gusto niyang magalit sa binata sa pinaggagagawa nito sa kaniya kanina ay hindi niya magawa. Maybe because of what he made her realize.
And maybe it's more than that. Who knows?
"Good. Now, let's go back to the dormitory. You badly need rest." Kinuha na nito ang katana niyang nasa lupa at kamangha-mangha ang mga sugat niya ay mabilis na naghilom. Hindi lang siya ang namangha, maging ang katabi niya...
Pero ang dahilan ng pagkamangha nito ay ang lalaking nasa harapan nila. Natatawang napailing na lamang siya.
Tinulungan siyang makatayo ni Lonan at hindi na kagaya pa kanina na marahas ito sa kaniya, ngayon ay animong babasagin siyang kailangan ng ibayong ingat.
They then vanished, but right before that...
Nanonood lamang si Sammy habang inaalalayan ng todo ni Law si Sky. Kung kanina ay nakararamdam siya ng awa para sa huli, ngayon ay selos na!
Biglang tumingin sa kaniya si Law. Ang mabilis na tibok ng puso niya ay mas lalo pang bumilis.
"You can now have your alone time, Mr. Grassbinder." Anito at tuluyan nang naglaho ang dalawa.
Natulala siya at maya-maya ay nagtititili.
Kinausap ako ni kras! Keleg mats! Bes dey eber!

BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...