AdM26

1.1K 45 5
                                        

Math and I used to be good friends. But then when I entered high school, Math became my biggest enemy.

"Let's go?" Nakalahad sa harap ni Sky ang kamay ng ngingisi-ngising kaibigang si Sam. Sinimangutan niya ito, pero sa huli ay hinawakan niya na ang kamay nito.

Agad naman silang nakarating sa silid-aralan ng asignaturang Mathamancy. Bahagyang nahilo si Sky nang makita ang sandamakmak na matematikong pormula na nakasabit sa dingding.

Mariin siyang napapikit. Hinilot niya ang kaniyang sentido upang mawala ang sakit ng ulo, pero tila walang katalab-talab ito.

Hinila siya sa isang hilera ng bakanteng upuan ni Sam, sa bandang likuran ito. Agad silang umupo, kasunod nila sila Vi at Jo.

Kinalabit ni Sam si Sky. "'Uy, magkuwento ka! Anong nangyari, ha?!"

Nagtatakang nilingon ni Sky ang kaibigan. "Anong anong nangyari?"

Nakiusyoso naman Vi at Jo sa kanila. Sabay pa ang mga itong nagtanong. "Anong meron?"

"Nakidnap siya." Si Sam ang sumagot sa tanong ng mga ito. Napasinghap naman ang dalawa at sabay muling nagtanong. "Hala. Anong nangyari?"

"Sabay na sabay kayong dalawa." Natutuwang aniya kila Vi at Jo. "Para kayong kambal. Cute." She tried to laugh, to divert her friends' attention, pero nang makita ang seryosong ekspresyon ng mga ito ay napabuntong-hininga siya.

She had no choices but to explain. "The fire man from yesterday was the one who kidnapped me. He—" Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin dahil biglang nagtanong si Vi.

Nakakunot-noo ito at inosenteng-inosente tignan. "Fireman? Bumbero?"

Natawa sila Sam at Jo sa tanong nito. Napapangiting napailing naman si Sky, nakikita niya ang sarili kay Jo, 'yung pagiging inosente at walang kamuwang-muwang niya nang una siyang mapadpad sa mundo ng majika.

Ay, kahapon nga lang pala 'yon.

Nanlaki ang mga mata niya.

Kahapon lang 'yon?!

Bakit pakiramdam ko'y isang buong taon na ang lumipas?!

Sabagay, napakarami na agad nangyari. Kahapon pa lang, ang dami nang ganap. Ngayon, hindi pa nga tapos ang araw ay napakarami nang naganap.

Nanlumo siya nang may mapagtanto.

Dalawang araw pa lang ako sa mundong ito ay ang dami nang mind blowing revelations and events

Paano pa kaya sa susunod na mga araw?!

Aksidenteng napunta ang tingin niya kay Law, na noon ay titig na titig sa kaniya. Kaagad niyang iniwas ang tingin dito.

Napakagat-labi siya nang maalala ang lahat ng mga pinagsasabi niya dito. Gusto niyang sabunutan ang sarili.

Ang tanga-tanga ko. Ang yabang-yabang ko pa. Nakakahiya talaga! Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi ko sa kaniya samantalang wala naman akong binatbat kumpara sa kaniya!

"No, silly!" Vi laughingly said to Jo. Bahagya niya pang hinampas sa braso ang huli. Nang makita niya na napangiwi ito, siya'y nag-peace sign. "Sorry, cute mo kasi."

Sumimangot ito. "Wow. So, kasalanan ko pa talaga, ha?"

"Oo, kasalanan mo!" Pabirong inirapan niya ito. Nagkatinginan sila, ilang segundo lang ang lumipas at nagkatawanan sila.

Sam frowned as she looked at Iro who was happily laughing with Maddie.

Kailan pa sila naging gano'n ka-close?

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon