AdM38

897 47 0
                                    

“Ano bang problema mo, ha?!” Nanggigil na sigaw ni Vi habang masamang-masama ang tingin kay Ash. Uminit ang kaniyang ulo nang imbes na sagutin ang tanong niya ay yumuko lang ang huli, iniiwasan ang kaniyang tingin.

Hinawakan niya ito sa baba saka tinaas ang ulo nito. Tuloy ay nagtama ang mga mata nila. Hinawakan niya ang kurbata nito at idiniin sa leeg nito. Gigil na gigil siya dito, gusto niya na itong sakalin hanggang sa mawalan na ito ng hininga.

“Tell me.” Pinipilit niyang ikalma ang sarili. “Ano na naman ba ang plano mo, ha? What, you’ll make me fall for you for the second time then when it’s all about you again, you’ll say that you fell out of love, then you’ll make me beg for you to take back what you said, then you’ll walk away and never look back at me?” That’s exactly what he did to her almost two years ago. She laughed humorlessly. Then she looked straight at his eyes and threw every cuss that she knows at him. She even punched him hard, on the neck, shoulders, chest and stomach.

Hindi siya nito pinigilan, hinayaan lang siya nito. Lalo tuloy nag-init ang ulo niya. Pinagsasampal niya naman ngayon ito. Hindi pa rin ito pumapalag, sa katunayan nga ay pulang-pula na ang mukha nito at makikita ang mga bakas ng palad niya dito, ang dakong itaas na bahagi ng katawan nito ay pulang-pula at may mga kaunting sugat na, ang suot nga nito ay gusot-gusot na, may maliliit na butas na din.

Hindi pa siya nakokontento sa mga pinaggagawa niya sa binata kaya tuloy pa rin siya sa pananakit dito. Lahat ng galit at sakit na naramdaman niya ay binuhos niya dito. Sapok dito, sampal doon, mura kaliwa’t kanan. Tahimik lang nitong tinatanggap ang lahat ng binabato niya, na ikinagagalit niya lalo. Gusto niya kasing pigilan siya nito, awatin at ipaliwanag kung bakit siya nito sinaktan at iniwan.

Matatag pa rin ito. Ni hindi niya man lang nakita ang pagguhit ng sakit sa mukha nito, walang emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Doon niya naisip ang isang bagay, isang kahindik-hindik na bahay. She wanted to hear him beg, she’ll make him beg.

She’ll use her magical power on him. Clearly, she was out of her mind. She didn’t even think about the consequences of her actions. Pero ‘eto na, gagawin niya na, para matapos na, nang sa gayon ay mapanatag na kahit papaano ang kalooban niya. She shut her eyes.

“Violet!” Natigilan siya, pati na rin ang pinakakinasusuklaman niya, nang marinig ang pagtawag ni Iro. Papasabugin niya na sana ang sarili kanina, wala sa sarili, pero isang tawag lang ng kamag-aral ay bumalik siya sa sarili at pinasasalamatan niya ito dahil do’n.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapakilala ng mga mag-aaral sa unang taon ng ikatlong lebel sa kanilang mga sarili sa mga manonood. Sumunod na si Mimi. Umakyat ito sa entablado dala-dala ang isang maliit na tangke kung saan may nalangoy na isda. “Hi to you all! I am Amelie Taylor G. Horsesteel, I’m currently eighteen, my magical power is Dehydration.” Kinuha niya ang isda mula sa tangke, kalahating minuto ang lumipas at naging tinik-tinik na lamang ito. She smiled before bowing to the audience, then she got off the stage and sat back on her chair.

Sunod naman si Coby. He winked and smiled sweetly on one random girl in the audience. Sam saw what he did, she rolled her eyes immediately. Tumikhim si Coby bago ipinakilala ang sarili. “Hello, beautiful ladies and gentlemen. Jacob Robinson E. Humblestream here, eighteen, single and very much ready to mingle!” He laughed. “My magical power is Evil Banish.” He looked back at the girl he just winked at, then wink at her for the second time. He made the girl vanish, then he let the said girl appear right beside him on the stage. He once again smiled sweetly while looking directly at the girl’s eyes. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang tangkay ng kulay koral na rosas mula sa tagong bulsa ng kaniyang diyaket. Halos himatayin sa kilig ang babae. Binigay niya ang rosas dito na pinitas niya lang sa kung saan. He smirked as the majority of the crowd screamed.

“Ha! Masyadong bida-bida.” Bulong ni Sam at inirapan si Coby.

Natawa si Sky na nasa likod niya lang. “Hindi ka man lang ba kinilig, Sam?” Bulong niya dito, nang-aasar.

Nanlalaki ang mga matang nilingon ni Sam si Sky. Ngising-ngisi ang huli. Sinamaan niya ito ng tingin. “Kilabutan ka nga diyan sa sinasabi mo! Saka bakit naman ako kikiligin, aber? Hindi naman ako ang nakatanggap n’ung rosas!”

“Oh.” Tumango-tango si Sky. “Hind ka kinilig kasi hindi naman ikaw ang nakatanggap ng rosas.” Nakita niyang napakunot-noo ang kaibigan. Lalo siyang napangisi. “Sabihin nating ikaw, ikaw ang nakatanggap ng rosas, kikiligin ka?” Kinili niya ito.

Napaigtad si Sam. “Ako’y tigil-tigilan mo, Sky! Hindi! Kahit pa ako ang nakatanggap ng rosas, hindi! Hindi ako kikiligin! Baka kilabutan pa ‘ko!” She never imagined Coby giving her a rose, Coby and her, relationship, reconciling, whatever. Never ever!

Kinikilabutan siya. Even if she and Coby were the only ones left in this magical world, she’d rather die than be with him.

Wait… What?!

What am I thinking?!

This is all Sky’s fault! Argh!

Next who went up the stage is Dash. Kagaya ng mga kaibigan ay nag-uumapaw ang tiwala niya sa sarili. “Hello, everybody! I am Dashiell Douglas X. Laughingrock, eighteen and my magical power is Heliokinesis!” Tinignan niya ang langit. Kasalukuyang natatakpan ng mga ulap ang araw. Pinalabas niya ang araw at minanipula ang isang aspeto nito, ang init. Pinasikatan niya ang isang bahagi ng kagubatan at dahil nga sa tindi ng init ng araw ay agad na nalanta ang mga halaman, ang iba pa nga ay nagliyab. Napangiwi siya. Agad na pinahanap ng punong-guro si Iro para apulahin ang lumalaking apoy, pero wala ito. Buti na lang at may isang babae doon na kapareho ng kapangyarihan ni Iro, ito na nag-apula ng apoy. Bago bumaba ng entablado ay yumuko siya, bilang paghingi ng tawad. Bagsak ang mga balikat na bumalik siya sa upuan niya.

Up next is Zeke. “Ezekiel Kent O. Mistbane, eighteen, Shadow Camouflage.” Agad siyang bumaba ng entablado pagkatapos magpakilala. He sighed when he heard the murmurs of the audience. He hated the day, but he hated his magical power even more. Kung bakit ba naman kasi tuwing gabi lang niya maaaring gamitin ‘yon, at para sa kaniya, wala itong kuwenta.

Next is Al. “Hi, I’m Alexander Bolton F. Rapidless, eighteen, my magical power is Nubikinesis.” He lifted his two hands up and then created little clouds. The audience looks bored while watching him, he could even see others are almost asleep. He smirked, he’ll make sure their souls would be awaken with what he’ll do. Nang sa tingin niya ay tama na ang nailabas niyang mga ulap, unti-unti niya itong pinagsama-sama at hinulma. Matapos ang ilang minuto, ‘ayun na ang larawan ng paaralan, na gawa sa ulap. Nagpalakpakan ang lahat, marami ang namangha sa kaniyang ginawa, kahit ang punong-guro at ang mga bisita. He smiled before bowing to everyone. Then he got off the stage and went back to his seat.

Second to the last is Jo. “Hi, everyone. My name is Josephine Pauline Z. Seablade, eighteen years of age, my magical power is Electrokinesis.” Pinagtapat niya ang dalawang kamay at pinalabas ang kuryenteng kumikislap-kislap. Namangha ang iilan sapagkat iilan lang ang may kapangyarihang may kinalaman sa kuryente ang nag-aaral sa paaralan, wala pang sampu. She smiled innocently before bowing and getting off the stage.

And last but not the least, si Sky. Kinakabahan siya habang naakyat sa entablado, napakarami kasing mga mata ang nakatingin sa kaniya. She didn’t like attention, but she has no choice. She smiled before introducing herself to everyone. “Hi, I’m Skylar Jenilee A. Stonelight, eighteen.” She bowed and that’s when the audience bombarded her with questions. She sighed.

I need to know my magical power soonest. I’ve got a lot of questions and only one will be able to answer them all...

Mom.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon