Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila Sky at Law pagkatapos, pero agad ding nagsalita si Sky. Nginitian niya ang presidente. “Thank you, Mr. President.”
Pagkasabi niya no’n ay nilantakan niya muli ang mga prutas, pero hindi na kagaya kanina na tuloy-tuloy ang pagkain niya sa mga ito, ngayon ay ninanamnam niya na ang kinakain.
Higit kalahating oras ang lumipas, busog na busog na siya. Sa sobrang kabusugan ay nahihila siya ng antok, pero pinili niyang huwag magpahila dito. Buti na lamang at inaya siya ni Law na maglakad-lakad, nakatulong ito upang hindi siya antukin saka nagpababa din ng kinain.
Nakasunod siya sa binata habang naglalakad sila patungo sa kung saan. Nakalabas na sila mula sa bukid, sa kasalukuyan ay naglalakad sila sa lugar kung saan may iilang nakatayong mga makukulay na bahay. May mga nilalang silang nakakasalubong at nginingitian sila ng mga ito, na siya namang nginingitian niya pabalik.
Dalawampung minuto na naglalakad sila ang lumipas, bahagya na siyang napagod at naburyo. Naalala niya bigla na hindi niya pa nga pala napapangiti man lang ang kasa-kasamang binata, kaya binilisan niya ang paglalakad para makapantay ito.
“Why are baseball players in trouble with the law so often?” She emphasized the word ‘law.’ Kunot-noo ang binata noong tignan siya nito. Ngumisi siya saka bahagyang lumapit dito at ibinulong ang sagot. “Because they always hit and run!”
She ran as she said the word ‘run.’ Habang natakbo ay natawa siya. Nilingon niya ang binata habang natakbo, napasimangot siya nang makitang iiling-iling lamang si Law. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo, tuloy ay hindi niya napansin ang nakakalat na mga kahoy sa kalupaan.
Saktong pagbalik niya ng tingin sa harapan ay ang pagpatid niya dahil sa mga kalat na kahoy. Nanlaki ang mga mata niya at sinubukang humanap ng makakapitan pero wala. Napapikit siya nang inakala niyang tuluyan na siyang babagsak sa lupa, una mukha.
Pero sampung segundo ang lumipas at hindi niya naramdaman ang pagtama ng mukha niya sa lupa. Dumilat siya at ang mga mata niya ay muling nanlaki nang mapagtantong animo siyang nakalutang. Malapit na ang mukha niya sa lupa at ang kaniyang katawan ay nakabaluktot, tanda na pabagsak siya. Sinubukan niyang igalaw ang mga nakabukang braso, pero hindi niya magawa dahil tila ba may kumokontrol sa katawan niya.
Naramdaman niyang may papalapit at ramdam niyang si Law iyon. Napapikit siya ng mariin, meron na naman siyang kahiya-hiyang ginawa at ito muli ang nakakita. Nang maramdaman niya ang presensya nito sa harapan niya ay dinilat niya unti-unti ang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang nailing nitong mukha. Napangiwi siya.
Hawak nito ang sariling wand. He put it up in the same level as her forehead. He then chanted a spell and a light appeared on the edge of the wand and hit her forehead. Matapos no’n ay nakagalaw na siya, pero imbes na matuwa ay natakot pa siya.
Oo nga at nakagalaw na siya, pero tuluyan naman siya ngayong dadausdos sa lupa—iyon ang kaniyang inakala. Pero bago pa man siya dumausdos ay nasalo na siya ni Law. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa.
Thank God.
Napailing ang binata. “That’s what you get for being childish.”
Napanguso siya. Itinayo na siya ng maayos ng binata. Yumuko siya saka nagsalita. “Sorry, and thank you at the same time.”
Tinanguan lamang siya nito saka tinalikuran. “Let’s go. We’re almost at our second destination.” Tahimik na sinundan niya ito.
Nakayuko siya habang naglalakad sunod sa binata, tinitignan ang bawat dinaraanan, mas nag-iingat na ngayon. Napaangat lang ang tingin niya nang magsalita si Law. “We’re here.”
![](https://img.wattpad.com/cover/183187528-288-k525655.jpg)
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasyHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...