AdM32

983 39 0
                                    

Bago pa man magkaroon muli ng hindi pagkakaunawaan sila Sam at Vi, sinenyasan na agad ni Sky si Jo. Agad naman nakuha ng huli ang gusto niyang iparating. Sabay nilang nilapitan at nilayo ang dalawa mula sa isa’t isa.

“Tara na. Tayo na lang natira dito, oh. Baka mahuli tayo sa klase.” Agad niyang turan.

“Oo nga. Baka magalit ang guro. Ngayon pa naman ang unang araw ng pag-aaral natin sa huling asignatura.” Gatong pa ni Jo sa kaniyang sinabi.

Mukha namang nakumbinsi nila ang dalawa, pero bago umalis ay sinamaan ni Sam ng tingin si Vi saka nito kinausap ang huli. “We’ll talk later.”

Hindi mapigilan ni Sky ang mapangiwi. Akala niya ay tapos na, hindi pa pala. Hinawakan na ni Sam ang kamay niya saka sila nag-teleport.

Akala niya ay sa silid-aralan na mismo ang dating nila, pero laking gulat niya nang mapunta sila sa isang mahabang pasilyo.

Nagtatakang nilingon niya ang kaibigan. “Bakit nandito tayo?”

Napanguso ito. “Hindi ko kasi alam ‘yung eksaktong lokasyon ng silid.”

Lihim siyang napangiti. Mukhang bumalik na sa normal ang kaniyang kaibigan. Sa totoo lang ay naninibago siya tuwing nagseseryoso ito, kagaya na lang kanina. Pakiramdam niya nga ay ibang tao ito kapag nagseseryoso, animo itong estranghero.

“Paano na tayo n‘yan ngayon?” Tanong niya dito. Kibit-balikat lang ang sagot nito sa kaniya. Napangiwi siya. Mali yata siya, mukhang hindi pa ito nakababalik sa normal nitong sarili.

Napatili siya sa gulat nang biglang mayroong nagsalita sa isip niya. “Where are you and Cleartalon?”

Saka niya lang napagtanto na si Law pala ‘yon. “H-Ha? Nasa isang mahabang pasilyo.”

“What are you both doing there? Are you planning to cut class?” Bahagyang tumaas ang boses nito. Nanlaki ang mga mata niya.

“Hoy, hindi, ah!” Napataas din ang boses niya. Muling nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya. “E-Este, M-Mr. President, we’re lost. Hindi kasi alam ni Sam ‘yung papunta diyan sa silid.”

“It’s on the third tower, fifth floor, tenth classroom. Quick, the teacher’s here.” Nang sabihin nito ‘yon ay nilapitan niya agad ang kaibigang mukhang mayroong sariling mundo.

“Sam! ‘Third tower, fifth floor, tenth classroom,’ ‘yun daw ang lokasyon!” Nagtaka ito sa kaniyang sinabi.

“Paano mo ‘yon nalaman? Saka tama ba ang lokasyong ‘yan, ha?” Nagdududang tanong nito.

Gusto niyang sapakin ito, para sana ay magising ito mula sa kahibangan, pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip hinawakan niya ang kamay nito at hinila patayo. Nakaupo na kasi ito sa sahig. “Oo, tama ‘yun, siyempre sinabi ni Mr. President! Let’s go! Nandoon na daw ang guro! Huli na tayo! Dali na, tayo na diyan!”

Imbes na tumayo ay sumalagmak pa ito sa sahig. Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. “Ayoko nang pumasok. Tinatamad na ‘ko.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi niya na napigilan ang sarili, sinampal niya ito ng napakalakas. Tila nagising naman ito mula sa kahibangan na ipinagpasalamat niya.

“S-Sky?” Gulat na gulat ito. Sinamaan niya ito ng tingin. Nakita niya pang napalunok ito bago tumayo at nauutal-utal pa na nagsalita. “S-Sabi ko nga. P-Papasok na tayo. T-Tara na.” They were about to teleport but then someone appeared right in front of them. It was Law, then came along with him was Iro.

Pinanliitan sila ng mga mata ni Law. “I knew it. You two are about to cut class.”

Agad dumepensa si Sky sa sinabi ni Law. “We’re not! As what I’ve told you a while ago, we got lost. Actually, we were about to go to class. Dumating lang kayo.”

Tinitigan siya ni Law, tila tinitignan kung siya ba ay nagsasabi ng totoo. Iniwas niya agad ang tingin dito, bigla na lang kasi siyang kinabahan. Totoo naman ang sinabi niya, wala siyang dapat ikakaba, pero tuwing tinititigan siya ni Law ay talagang kinakabahan siya, bumibilis ang tibok ng puso niya.

“Tara na.” Pagyaya niya kay Sam. Tumango lang ito. Bahagyang napakunot-noo siya nang mapansing yukong-yuko ito, tila hiyang-hiya. Saka niya lang naalala na kasama din pala nila si Iro sa mga oras na iyon. Agad niyang nakuha ang mga kinikilos ng kaibigan. Lihim siyang natawa. Ngayon, alam niya na. Si Iro lang pala ang makakapagpatiklop dito.

Sam held her hand then teleported along with her. Agad nilang narating ang silid-aralan ng huling asignatura. Naramdaman niyang sumunod naman agad sa kanila ang dalawang binatang kasama nila kanina. Nandoon na ang guro na si Ian Clanswift, diretso itong nakatayo sa harapan, pero hindi pa ito nagsisimulang magtalakay. Nang mapunta ang tingin nito sa kanila ay yumuko siya dito bilang pagrespeto dito at paghingi na din ng paumanhin sapagkat nahuli sila ng kaibigan sa klase nito.

Bago makaupo sa huling bakanteng upuan ay may narinig siyang nagsalita. “Masyadong paimportante.” Umupo muna siya bago nilingon ang nagsalita. Nagsalubong ang tingin nila ni Maddie, inirapan siya nito, pinili niyang hindi na ito patulan.

Tumikhim muna ang guro bago magsalita. “So you all are now complete... I shall start the discussion.” Pumitik ito at agad na lumitaw sa lamesa ng mga mag-aaral ang kan’ya-kan’ya nilang libro. “Please turn to page one.”

Agad na sinunod ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro. Binuklat nila ang libro at bumungad sa kanila ang imahe ng iba’t ibang kakila-kilabot at mapaminsala na mga nilalang.

Maririnig ang singhapan ng iilang mag-aaral. Nagpatuloy sa pagsasalita ang guro. “Those are the examples of harmful creatures in our world. In my subject, you will learn everything about those creatures; their origin, attitude, habitat, food and such; also how you will be able to protect yourselves from them in case they attack you; what should you do if they have already harmed you or someone close to you; those things.”

“There are a lot of harmful creatures out there, hundreds, or maybe even thousands for there are some creatures that have been seen but not yet studied and no one is able to prove their existence yet and there are still a lot to discover.” The teacher said. “And yes, some of the creatures are able to go to the mortal world and live and spread fear and negativity in there. That is why people knew about their existence, but not all believed in them. Some people believed that our world, the magic world, is just pure fiction, some believed it is true, which it is, some are fascinated and dreamed of living in here while some don’t care at all.”

Lumipas ang halos isang oras at tumunog nang tatlong beses ang bell, indicating the end of the first day of school. Nag-inat-inat ang karamihan saka napabuntong-hininga sa ginhawa, salamat at tapos na ang isang mahabang araw sa paaralan, sa wakas ay makakapagpahinga na sila ng maayos.

Napangiti si Sky. Makakapagpahinga na din siya sa wakas! Napakaraming nangyari sa kaniya sa araw na ito at talagang napagod ng husto ang katawan niya, pati na din ang isip at damdamin niya. Gusto niyang mahiga na at matulog.

Pero agad na napawi ang ngiti niya nang lapitan siya ni Law at sabihin nito ang isang bagay na ikinanlumo niya.

“You and Ms. Cleartalon are seven minutes late in the last subject. Due to this, Mr. Clanswift assigned me to give you two your appropriate punishments. You two will be detained in the detention room for seventy minutes, or one hour and ten minutes to be exact.”

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon