AdM84

462 24 0
                                    

Sky began to wander around the empty palace. Empty—in both creatures and furnitures.

She frowned.

Ano ba namang lugar 'to, walang kagamit-gamit!

"Hello? Anyone there?"

Napailing siya at napabuntong-hininga.

Of course, no one replied to her. Namayani lamang ang katahimikan sa paligid.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. She was observing the surroundings.

Napapunas siya sa noo. Noon lamang niya napansin ang pamumuo ng pawis doon. Napakunot-noo siya.

She realized something... Hindi karamihan ang mga bintanang naroroon, at karamihan pa rito ay sarado.

Kaya naman pala sobrang init at dilim!

Lumapit siya sa isa sa mga nakasarang bintana at binuksan 'yon. Bumungad sa kaniya ang matinding init at liwanag ng sikat ng araw.

Napapikit siya at napahakbang palayo.

Aakalain mong tanghali na sa sobrang init, eh!

She adjusted her eyesight. Sinilip niya kung ano ang makikita sa labas mula sa binuksan niyang bintana. She saw nothing but a vast empty field.

Nasaan ang lahat?

Napatayo siya ng tuwid sa gulat nang biglang namayani sa lugar ang napakalakas na tunog na tila nanggaling sa isang orasan.

Nang makabawi sa pagkagulat, maingat na naglakad siya patungo sa direksyon kung saan nagmumula ang tunog.

Palakas nang palakas ang tunog habang patungo siya sa pinagmumulan nito.

Makalipas ang isang minuto, kaniya nang nasilayan ang isang higanteng orasan na nasa pinakadulo na ng pasilyo. 'Ayun lamang ang nag-iisang kagamitang nandoon.

Mula sa kaniyang kinatatayuan, nakikita niya na ang oras na nakasulat sa orasan: 12:00.

"Alas dose na?!" Hindi niya na namalayang nasambit niya na ang katanungang nasa isipan.

She was shocked and got a bit confused seeing the time on the clock.

Seryosong labing dalawang oras na ang nakalipas magmula noong umalis kami sa AdM? Ba't napakabilis naman yata?

Suddenly, she heard footsteps.

Hindi niya alam kung bakit, pero bigla ay bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba habang hinihintay kung sinuman ang paparating.

Pero mabilis na nawala ang kaniyang kaba nang masilayan ang dalawang pamilyar na mukha.

"Lolo! Aunt Rilo!" She exclaimed. She was glad to see the both of them... looking fine.

They were accompanied by none other than the princess of the kingdom of Zooule and a lot of guards. Double the amount of guards she saw the first time.

Napakagat-labi siya sa pagkapahiya nang wala sa mga tinawag niya ang pumansin sa kaniya. Pati ang mga kasama ng dalawa, ni isa, hindi siya pinansin. No one acknowledged her presence.

She pouted and bowed her head. Pinili niyang manahimik na lamang at sundan ang mga ito sa kung saanman ang mga patungo.

Nagkaroon ng mahabang lakaran. Pinawisan, hiningal at nangalay siya sa haba nang nilakad. Dumating sa punto na siya'y akmang magrereklamo, pero ang lahat ay napakaseryoso kaya pinili niyang itikom ang bibig.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon