The atmosphere in the headmaster's office was heavy.
Seryoso sila Felix at Law. Samantalang si Sky ay pilit na nagseseryoso, pero sa totoo, napakabilis ng tibok ng puso niya sa kaba.
"Apo..." Felix started as he looked at his granddaughter. He took a deep breath before speaking once again. "Law have found out what your power is."
Napakurap-kurap si Sky. Hindi agad rumehistro sa isipan niya ang sinabi ng kaniyang lolo.
Nang sa wakas ay lubos niya nang naintindihan ang sinabi ng kaniyang lolo, nanlalaki ang mga mata na tinignan niya si Law.
He found out my power?! How?!
"P-P-Paano..." Hindi siya makapaniwala habang diretsong nakatingin sa tila walang buhay na mga mata ng binata. Nalimutan niya nang tuluyan ang hiyang naramdaman kani-kanina lamang.
"Your necklace—where is it?" Law asked, his voice void of emotion and his forehead crinkled.
Napahawak si Sky sa leeg. Ganoon na lamang ang gulat at takot at kaba niya nang wala siyang nakapa na kuwintas.
Nasaan na 'yun?!
Lagot ako nito kay Mom!
Felix was talking to his grandson through mind-link. "Hindi ba't sabi ko sa 'yo ibalik mo kay Skylar ang kaniyang kuwintas?!"
Napapikit si Iro sa sigaw na iyon ng kaniyang lolo na naririnig niya sa kaniyang isipan. He replied, saying... "Binalik ko naman, eh. Kaso kanina wala na siya sa Dorm 3-7, kaya naman binigay ko na lang kay Violet. Sinabi ko doon sa kaibigan niya na 'yon na ibigay kay Skylar ang kuwintas."
Napatango-tango si Felix at pinutol na ang linya sa isipan niya at ng apong lalaki. Tumikhim siya habang nakatingin sa apong babae at sinabi rito na... "Nasa sa dormitoryo mo, Skylar, apo, ang iyong kuwintas. Pagkatapos nitong ating pag-uusap, umuwi ka sa iyong dormitoryo at agad mong suotin ang iyong kuwintas. Maliwanag ba?"
Mabilis na tumango si Sky. Nakahinga siya nang maluwag.
Pero bigla siyang napaisip...
Paano napunta sa dormitoryo ang kuwintas ko gayong hindi ko naman 'yon kailanman hinubad? Ay, baka naman napigtal nang hindi ko namamalayan at napunta 'yon sa mabuting kamay at binalik—salamat naman.
"Skylar," Napabalik ang atensyon niya sa kaniyang lolo. Muli ay seryoso ang mukha nito. Muli rin bumalik ang nararamdaman niyang kaba.
"As I've said earlier, Law found out what your power is..." Napatigil sa pagsasalita si Felix sapagkat dumako ang kaniyang tingin sa see through floor-to-ceiling windows. Paiba-iba ang panahon. Kanina noong pumasok ang apong babae sa opisina niya ay medyo makulimlim na ang langit. Noong sinabi niya ang tungkol sa nalaman ni Law ay bigla namang nagkaroon ng kidlat at malamang ay kasunod noon ang malakas din na kulog. Hindi nga lang dinig sa opisina niya ang kulog sapagkat siniguro niya na walang makasasagabal sa pag-uusap nilang tatlo—he used a silencing spell. Bago pa man makapasok ang apong babae sa opisina ay pinakalap niya na sa paligid ang spell. Hindi rin kita mula sa puwesto ng apo ang labas kaya naman wala itong kaide-ideya sa nangyayari. Nang tila mapagtanto nito na hindi nakakabit sa leeg nito ang kuwintas, pinaghalong malakas na ulan at mga kidlat naman ang ipinamalas ng kalangitan. Noong sinabi niya na nasa dormitoryo lang nito ang kuwintas, bumalik ang magandang panahon—umaraw bigla. At sa kasalukuyan naman, maulap ang langit.
Tunay ngang napakamakapangyarihan.
"Lolo?" Pagtawag ni Sky sa kaniyang lolo. Bigla kasi itong natulala habang ang tingin ay nasa kaniyang likuran. Akmang lilingon siya nang bigla namang magsalita si Law, nakuha ng binata ang atensyon niya.
BINABASA MO ANG
Akademya de Majika
FantasiaHighest Rank Achieved - #1 in Fantasy ♡ Skylar Jenilee was clueless. For the past eighteen years, her mom kept her away from the dangers of the magic world. Pero isang araw ay bigla na lang siya nitong pinasok sa Akademya de Majika. Magmula no'n, na...