AdM4

2.2K 71 2
                                        

"Too late." Napalingon sila Sky at Sam sa likuran nila nang may magsalita. Agad na nanlaki ang mga mata ni Sam samantalang si Sky naman ay nagtatakang nakatingin lang sa nagsalita. Sino ba siya? In fairness, may itsura, ah.

Lakas-loob na humkbang pasulong si Sam, kinakabahan siya pero wala siyang pagpipilian, kailangan niyang kalabanin ang nilalang na nasa kanilang harapan ngayon. "What do you want, trespasser?"

Natawa ang lalaking kaharap nila ngayon. He's amused of Sam. Ang tapang ng babaeng 'to, ah. Sayang, maganda pa naman, kaso mamaya paniguradong magiging abo na ito.

"What are you laughing at? Natuluyan ka na ba, ha?" Mapang-asar na tanong ni Sam sa lalaki. Agad na kumunot ang noo ng lalaki.

Si Sky ay nakatingin lang sa dalawa, nahuhulaan niya na kung ano ang mangyayari kaya pasimpleng nagtago siya sa likod ng kaibigan. Nagkatitigan naman si Sam at ang lalaki, ang mga titig na binibigay nila sa isa't isa ay mapanghamon, walang kurapan.

Unang umatake ang lalaki. Sinugod nito si Sam at nagpakawala ng isang nagliliyab na bolang apoy. Madaling inilagan naman ito ni Sam at nagpakawala ng isang destructive bomb. Ngunit sa sobrang pokus niya sa kalaban niya, hindi niya namalayan na nasa likod niya si Sky at ito na ang matatamaan ng bolang apoy. "Sky, ilag!"

Nanlaki ang mga mata at nanlamig si Sky nang makita ang papalapit na bolang apoy. Tiyak na matutusta ang mukha niya kapag natamaan siya nito. Narinig niya ang sigaw ni Sam, sinabihan siya nito na umilag, pero dahil sa sobrang kaba ay natulos siya sa kinatatayuan. Nang halos dalawang pulgada na lang ang layo sa kaniya ng bolang apoy, napapikit siya at nagdasal.

Nang isang pulgada na lang ang layo ng bolang apoy kay Sky, bigla na lang may sumalubong na bolang tubig dito. Kinain ng tubig ang apoy, naglaho ito na parang bula. Nanlaki ang mga mata ng lalaki at ni Sam sa kanilang nakita. Naalarma ang lalaki samantalang napahawak naman si Sam sa kaniyang dibdib at napabuntong-hininga sa ginhawa.

Nilapitan niya na ang nakapikit pa rin na si Sky. Tinapik niya ito sa likuran at akmang yayakapin nang bigla siyang may nakita.q Nanlaki ang mga mata niya, bumilis ang tibok ng puso niya at tumigil sa pag-ikot ang mundo niya. Nakita niya lang naman ang kaniyang 'love of my life,' si Rio Rockwell Lunaless, or Iro for short.

OMG! Iro, my love! Nakanganga lang siyang nakatitig dito kaya hindi niya napansin ang papalapit na bolang apoy sa kaniya. Iilagan na sana niya ito pero huli na ang lahat, masyadong malapit na ito sa kaniya. Napapikit siya at hinanda ang sarili sa mararamdamang sakit, pero imbes na masaktan siya sa mukha, sa katawan siya nasaktan dahil may biglang yumakap sa kaniya at nagpagulong-gulong ang katawan niya at ang katawan ng taong nakayakap sa kaniya sa sahig. Nang matapos ang paggulong, napangiwi siya nang maramdaman ang bigat ng taong nakadagan sa kaniya.

The one on top of her sighed in relief. Naramdaman niya tuloy ang pagtama ng hininga nito sa mukha niya. Base sa bango ng hininga nito, si Iro 'to. 'Yun talaga 'yung pinakanagustuhan ko sa kaniya n'ung una ko siyang nakita bukod sa kaniyang astonishing features. Naalala ko pa n'ung una niya 'kong kinausap, tinanong niya 'ko kung saan 'yung library, naisip ko no'n, siguro ang talino niya dahil sa lahat ng puwedeng puntahan, ang silid-aklatan pa ang napili niya, habang nagtatanong siya no'n, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at sobrang kinikilig pa 'ko dahil ang lapit-lapit niya sa akin n'ung mga panahon na 'yon-

Wait, what? Napadilat siya at muling nanlaki ang mga mata niya nang makita ang seryoso at guwapong mukha ni Iro. Lalo pang nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtantong nakadagan sa kaniya si Iro at ito pa mismo ang nagligtas sa kaniya mula sa bolang apoy. Oh, my love, Iro. I'm falling in love for you even more.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon