AdM27

1.1K 42 3
                                        

Next subject—Necromancy.

Kinilabutan si Sky nang makarating sila ni Sam sa silid-aralan ng asignaturang Necromancy.

Itim kasi ang kulay ng kabuuan ng silid-aralan, magmula sa kisame, mga dingding, mga lamesa't upuan, pati na rin ang kurtinang tumatakip sa malalaking bintana. Nagmukha tuloy madilim kahit alas kuwarto pa lang ng hapon. Nakadagdag pa sa kadiliman ng silid ang dim lights.

"Nakakatakot naman dito." Bulong niya sa katabing si Sam. Nilingon siya nito, bahagyang natawa sa kaniyang sinabi at may binulong na hindi niya narinig.

"Ganito talaga itsura ng mga Necromancy subject classrooms. Siyempre, aaralin natin ang tungkol sa mga patay kaya dapat lang na angkop ang kulay nitong silid sa aaralin natin, tama lang na itim ito." Anito.

"Alangan namang maging makulay itong silid?" Muli itong natawa. "Necromancy ang asignatura pero pula, kahel at dilaw ang kulay ng silid?" Natatawang napailing ito. "Ang pangit tingin, hindi angkop."

Napatango-tango siya.

Nga naman.

Nagsiayos ang mga mag-aaral nang dumating ang kanilang guro sa ikalabingisang asignatura na si Frank Lowsworn. Pagkahakbang na pagkahakbang pa lang nito sa silid-aralan ay masayang binati nito ang klase.

"Magandang hapon, minamahal kong mga mag-aaral!"

Binati ng mga mag-aaral ang guro pabalik. Napangiti ito at pumitik. Agad na nagsilabasan ang bungo na kanina'y nakatago sa kisame ng silid.

Narinig ng guro ang pagsinghap ng tatlong baguhan na nagmula sa mundo ng mga tao. Katakot-takot itong ngumiti at tatlong beses na dahan-dahang pumalakpak. Nang matapos ito ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa silid.

Napangiti ang guro, ngiting tunay, ngiting mukhang nasayahan. Bahagyang nagulat ang tatlong baguhan at ang pito pang kalilipat lamang sa paaralan, samantalang ang mga datihan pa ay napailing na lamang, sanay na kasi sila sa ganitong pakulo ng guro, sapagkat minsan na nila itong naging haliling guro.

"Ang aking asignatura..." Panimula ng guro. "Ay tumatalakay sa karima-rimarim na mga nilalang... Kagaya ng bampira at multo. Dito, pag-aaralan niyo din kung paano manipulahin ang mga patay."

"Kuhanin ang mga libro." Utos pa ng guro. Agad na sinunod ng mga mag-aaral ang kaniyang utos. "Basahin ang panimulang aralin." Anito, pagkatapos ay tinignan ang orasan. "Ako muna'y may gagawin."

Tinignan ng guro si Iro. "Ang iyong lolo ay mayroon na namang pinapagawa." Napapikit ito at hinilot ang sariling sentido. "Ay, siya, ako muna'y aalis." Isa-isa niyang tinignan gamit ang nanlalaking mga mata ang mga mag-aaral. "Kayo'y magbasa! Sige kayo, ang hindi magbabasa ay sisiguraduhin kong hindi makakatulog mamayang gabi." Saka siya tumawa nang nakakakilabot.

Agad na tumalima ang mga mag-aaral. Binuklat ang kani-kanilang mga libro at nagbasa. Lihim na natawa ang guro, napailing pa ito at saka naglaho. Nang makaalis ang guro ay nagkan'ya-kan'ya ang mga mag-aaral; ang iba ay tumigil sa pagbabasa at natulog, nakipagkuwentuhan sa katabi, o 'di kaya'y kinulong ang sarili sa sariling mundo; ang iba naman ay piniling ipagpatuloy ang pagbabasa.

Bisi sa pagbabasa si Sky nang kalabitin siya ni Sam. Nilingon niya ang kaibigan. Ngiting-ngiti ito, halos kita na ang gilagid dahil sa sobrang pagkakangiti, nakinang pa sa tuwa ang mga mata at namumula-mula ang mga pisngi. Tinasaan niya ito ng kilay, tinatanong kung anong meron. Itinabingi nito ang ulo pakanan. Napakunot-noo siya, hindi malaman kung anong gustong iparating ng kaibigan.

Pabirong inirapan siya ng kaibigan. Bahagya itong lumapit sa kaniya at bumulong. "Tignan mo si Iro." Tinignan niya nga ang huli. Tulog ito, bahagyang nakaawang pa ang mga labi. "Nakatutuwa siya, ano?Parang isang anghel na natutulog." Madramang ani Sam. She made a face. Pinili niyang hindi na lamang pansinin ang kabaliwan ng kaibigan at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Alam mo ba, Sky, tingin ko ay isa talagang anghel si Iro..." Sam said dreamily. "Tapos pinababa siya dito sa lupa upang gawin ang isang misyon." She bit her lower lip to stop herself from smiling further. "Iyon ay-" Nilingon niya ang kaibigan at napasimangot nang makitang hindi ito nakikinig, bagkus bising-bisi sa pagbabasa.

Natapos na ni Vi basahin ang unang aralin at tinatamad na siyang basahin ang mga kasunod pa, kaya pinili niya na lamang panoorin at pakinggan ang kaibigang si Sam. As usual, si Iro na naman ang bukambibig nito. Napairap siya sa mga puri nito sa lalaki.

Kung purihin nito ni pagkain si tubig, akala mo'y isang diyos si tubig.

Teka...

Pagkain at tubig...

What a great combination!

Napakurap-kurap siya.

Wait.

What did I just thought about?

Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang nabuong ideya sa kaniyang isipan. Dahil dito'y hindi niya napigilan ang sarili... Nakapagmura siya ng malakas.

Gulat na napatingin sa kaniya ang mga kamag-aral. Ang iba ay nanlalaki ang mga mata, ang iba naman ay kunot-noo. Muling nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang nasabi.

"Ms. Horsesorrow." Gulat siyang napatingin sa kanan niya nang may magsalita. Bumilis ang pintig ng puso niya sa kaba at takot nang magtama ang mga mata nila ng presidente.

"M-Mr. President." She acknowledged the president. Pinili niyang yumuko, hindi niya kasi kayang tignan ng diretso ang seryosong-seryosong mga mata ng presidente.

"You do know that you should not use inappropriate words within the school's premises, right?" Tumango siya sa tanong nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Also, may I remind you that you already had three warnings." Napapikit siya nang maalala ang mga kabaliwang kaniyang ginawa dahilan para siya'y magkaroon ng warnings.

"Now that you had exceed the number of warnings, which is three, the council has no choice but to punish you." Gusto niyang umiyak nang marinig ang huli nitong sinabi, pero pilit niyang pinigilan ang sarili. Nang humakbang ito ay tumayo na siya upang sundan ito sa punishment room.

Bago pa man sila makapunta sa huling nasabing silid ay tumigil ang presidente. Bigla kasing kinausap ang huli ng headmaster, through mind-link, bigla itong nagpatawag ng isang mahalagang pagpupulong sa pagitan nila at ng mga kawani ng paaralan, kasama na dito ang mga guro. Napabuntong-hininga ang presidente.

Nilingon ng presidente si Vi. Tumungo agad ang huli.

The president talked to Ela, the secretary of the student council, through mind-link, regarding Vi's case. He asked her to take care of the latter's punishment.

Inilibot ng presidente ang tingin sa silid. Nang mapunta ang tingin nito kay Ash ay inutusan nito ang huli. "Mr. Fullrun, kindly bring Ms. Horsesorrow to your sister. She knows what to do with her."

Nanlaki ang mga mata ni Vi nang marinig ang sinabi ng presidente kay Ash. Nang magtama ang tingin niya at ng huli, agad niyang naalala ang tungkol sa kanilang dalawa.

Sa kanila... N'ung sila pa, n'ung kasintahan niya pa ang binata.

Akademya de MajikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon