Chapter 3

79 14 4
                                    

"Kite, I need to go. I have my next class" We like each other. Nuong nasa Bright Academy pa ako ay lagi kaming sabay maglunch and everything. Parang kami pero hindi. Hindi naman siya nanliligaw, same feelings with no label.

"Okay, I'll call you again later" he said in a soft tone. 

"Sure."

"Take care. I miss you already!"

"Yeah, me too" Pinatay ko na ang tawag saka ako pumasok sa aming classroom.

Sa mga nakaraang araw ay puro discussion lang kami sa aming klase. Minsan may mga activities na pinapagawa pero kayang kaya naman. At sa loob ng tatlong lingo ko sa paaralang ito ay marami ng nangyari.

Si Dyzan na lagi pa rin na nang aasar sa akin. Na kung minsan ay hindi ko na pinapansin pero nagkakaayos din naman kami agad. Sabi niya nga minsan sa akin...

"Hindi mo ko natitiis eh" sabay gulo pa ng aking buhok. Nasanay na ako sa kanya. Mabait naman kasi si Dyzan, medyo asar nga lang. Parang mga pinsan ko lang.

Nakapagtataka nga eh, how come na tong kaibigan kong ito ay walang girlfriend?

Gwapo pero asar nga lang. Mabait, matalino tapos magaling pa pumorma. Ang dami ngang nagkakagusto sa kanya kaso choosy naman ang kaibigan ko at wala siyang natitipuan sa mga nagkakagusto sa kanya.

Oo, tinuturing ko na siyang isang kaibigan.

Sa mga classmates kong lalaki, si Dyzan talaga ang pinakaclose ko. Sa loob nga ng tatlong lingo ay sobrang close na kami. He's like my brother to me.

"Dyzan! Type mo ba si Allystra?" minsang natanong kami ng isa kong kaklase. Napatingin tuloy sa amin si Lareign. Nahuli ko siya at nang makita niya ako ay pinagpatuloy niyang muli ang ginagawa.

"Pare, si Allys? Type ko?" napatingin ako sa kanya saka natawa. "No way! Parang kapatid ko nga lang to eh" saka niya ako inakbayan.

"Friends lang kami niyan. Huwag nga kayong gumawa ng malisya. Ma issue kayo eh" saad ko sa kanila na natawa. Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay sa akin ni Dyzan.

"Hindi, yung closeness niyo kasi kakaiba."

"Nasanay lang talaga kami sa isa't isa" Hindi ko nga rin alam kung bakit  ganun. "Siguro dahil sa epekto ng lagi naming pagsasama. Eh, same trip naman kasi kami paanong hindi kami magkakasundo."

"Same trip ka diyan. So lalaki din gusto mo?"Nagsalubong ang kilay niya kaya kami natawa.Napaepic ng reaction niya ang sarap kuhunan ng video.

"Gusto ko ngang pormahan si Ally kaso walang talab" si Andrei na kaklase ko. Napailing nalang ako habang nakangiti.

"San punta niyo?" tanong sa amin ni Dyzan.

"Sa CR bakit? Sasama ka?" pang aasar ko sa kanya. Sumama tuloy tingin niya sa akin. Well, hindi mo ko madadaan diyan sa mga tingin mong iyan. Hindi yan tatalab sa akin. Kabisado ko na ugali mo.

"Tara" saka ako hinila ni Maxine.

Si Maxine... Siya yung tipo ng kaibigan na food is life pero di naman tumataba.

"Buti hindi sa canteen ang punta natin." biro ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa cr.

"Mamaya, iihi lang ako. Diretso rin tayo duon" saad niya kaya hindi ko na mapigilang matawa.Sa loob ng isang araw ay hindi ko mabilang kung ilang beses ba siya magyaya para kumain sa cafeteria.

"Bakit?"

"Wala lang. Ang ganda ganda mo pero wala kang boyfriend" saad ko na agad naman niyang ikinasimangot.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon