First day of February and it's a month of love. Magkakalat na naman ang mga in love na tao. Ilan na naman kaya ang magtatapat ng feelings? May masasaksihan kaya ulit ako na mababasted? O makakakita ako ng dalawang tao na mapapana ni kupido.
Pumasok na ako sa Academy at nagkalat na ang mga decorations sa iba't ibang sulok ng academy. Ang sarap mainlove.
Napatingin ako sa isang junior student na binigyan ng chocolate yung isang babaeng junior student din. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanila.
Naglakad na ako papunta sa classroom namin, nagpatulong ako kay Manang magbake ng cake. Ginawan ko si Lawrenz. Medyo kabado lang ako kasi baka hindi niya magustuhan yung gawa ko. Tinulungan naman ako ni manang kaya natitiyak ko na okay nga ang binake ko.
Pagpasok ko sa loob ay nagkakabit ng decorations ang mga kaklase ko. May pakulo na naman ang president namin.
Wala pa si Lawrenz? Akala ko nandito na siya. Late kasi akong nagising, nagtext ako sa kanya na medyo mahuhuli ako pero mukhang mas nauna pa ako sa kanya. Wala akong natanggap na kahit anong text sa kanya. Nasa'n ba siya?
Binaba ko ang bag ko sa upuan ko at agad naman na lumapit sa akin si Kyle.
"Hi, Good morning."
"I'm sorry, I'm taken." natawa naman siya biro ko. "Good morning, anong nakain mo?"
"Bawal ka na ba batiin?"
"Hindi naman." Mahirap maniwala sa mga playboy na katulad niya. Hindi ko alam kung ilan na ang napaiyak nito,kung ilang babae na ang pinaglaruan niya, kung ilan na ang nasaktan niya. Kung ilan na ang pinaasa niya.
"Nakita mo si Gail at Dyzan?" tanong ko sa kanya kasi meron na yung mga gamit nila sa upuan nila pero wala naman sila sa classroom.
"I don't know, hindi ko pa sila nakikita. Bakit sila ang hinahanap mo? Andito naman ako." umirap ako saka ko inayos ang buhok ko.
"Kyle, ang sarap mo!" halos matawa ako sa reaksiyon niya kasi biglang namula yung mukha niya.
"huh?" napakagat pa siya ng labi niya saka tumingin sa akin ng may pagtataka. Ang sarap tumawa.
"Ang sarap mong itapon palabas ng Earth. Tabi at lalabas ako." pagsusungit ko sa kanya. Nawala yung pagtataka sa mukha niya at napalitan ng pagka asar.
"Sungit!"
"Alam ko." Bigla akong nagtaka kung bakit wala sa classroom yung dalawa san naman kaya sila nagpunta?
Nagstay lang ako sa labas, hinihintay sila. Baka kasi nagpunta lang sila ng cafeteria or what. Ilang saglit pa ay dumating na silang dalawa, galing nga sila cafeteria. May kinakain na naman kasi si Maxine.
Nakaisip ako ng kalokohan. Aasarin ko na naman sila.
"Yiiieh. Kayo na ba?" saad ko ng makalapit sila.
"'Di ah. Nagsama lang? Issue ka!" saad ni Maxine pero sobrang namula naman na siya.
"Nagtatanong lang eh. Si Lawrenz, nakita niyo?"
"Hindi, baka iniwan kana. Ang Issue mo kasi." biro ni Maxine.
"Gusto mo naman eh." natawa ako nang mabitawan niya ang kinakain niya. "Nako, halata!" pang-aasar ko. Napailing lang si Dyzan saka pumasok sa loob. Napatingin ako kay Maxine. "Sundan mo na!" saka ko siya tinulak. Gustong gusto naman niyang nasosolo si Dyzan eh, pakipot pa.
Ilang saglit pa ay namataan ko na si Lawrenz. Nagkatinginan kami kaya agad akong ngumiti. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko kahit nakauniform lang.
"Good morning!" bati niya kaya naman binati ko siya pabalik. Amoy na amoy ko ang bango niya.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Roman pour AdolescentsEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...