Chapter 46

23 5 0
                                    

Nagising ako sa alarm clock ko. Oh I'm already seventeen. Agad akong bumangon at tumingin sa salamin. "Happy birthday Ekilenoz Allystra Delzario." ngumiti ako sa salamin at saka mabilis na nag-ayos.

It's exam day. Finals na ngayon. May ieexam kaming lima ngayong araw at apat naman bukas. Sapat naman ang review ko kaya alam kong magiging maayos ang pagsagot ko mamaya. Bumaba na ako at himalang nadatnan ko pa sina Mama at Papa. Kadalasan kasi ay nakaalis na sila kapag bababa na ako.

"Good morning baby! Happy birthday." agad akong niyakap ni Mama ng mahigpit saka siya humalik sa aking pisngi. "I love you baby! Dalaga ka na talaga." biglang naging sad yung mukha ni Mama kaya naman nagsalita na ako. "Ako pa rin yung nag-iisa niyong baby ma" saad ko saka humalik sa pisngi niya.

Tumingin ako kay Papa at agad din siyang bumati. Ngumiti ako sa kanya at mabilis na humalik sa pisngi niya.  I know, magiging okay din kami ni Papa.

Sabay sabay kaming umalis sa bahay. Sila ang naghatid sa akin sa Academy kaya naman todo ngiti ako pagkapasok ko sa loob ng campus. Agad kong nakita si Dyzan na papasok rin. Mabilis niya akong nakita at agad na ngumiti. Mabilis siyang lumapit sa akin saka ako binati.

"Happy birthday Allystra!" saka niya 'ko kinurot sa aking pisngi. Umakbay siya sa akin at ramdam ko ang bigat ng kanyang mga kamay.

"Thanks.Aga mo ngayon ah?" pangbibiro ko sa kanya.

"Finals eh. Kailangang maaga." saka siya ngumiti. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin ng pumasok na kami sa aming building. Umakyat kami sa thirdfloor at agad na pumasok sa loob ng classroom. Mangilan ngilan palang kaming nasa loob ng classroom.

Nag-usap muna kami ni Dyzan tungkol sa mga pinag aralan namin these past few days. Nirereview ulit namin yung sarili namin. Finals na to eh after ng madugong exam na ito ay wala na kaming gagawin next week.

Napatingin kami sa kakabukas na pinto at bumungad sa amin si Maxine kasunod si Lawrenz. "Oh my gosh! Happy birthday Ally" mabilis siyang tumakbo sa akin at agad akong niyakap. "Thank you Maxine."

Bumitaw na siya nang yakap. Napatingin ako kay Lawrenz na nakapamulsa pa ang isang kamay habang ang isa ay nasa likod lang niya. Ngumiti siya sa akin kaya mas lalo akong napangiti.

"Maligayang Kaarawan sa'yo binibini." napatingin ako sa hawak niyang Bouquet.

"Ginoo 'wag kang ganyan at baka tuluyan kitang mahalikan." natawa ako sa sinabi ko at nagsisigaw naman itong si Maxine pati ang iba naming kaklase na meron na ay natawa, yung iba ay kinilig din gaya ni Maxine.

Tinanggap ko ang bigay niyang roses at mabilis akong hinalikan sa aking noo. Naghiyawan naman ang iba kong mga kaklase.

"Nako! Ang aga aga ang dami ng langgam. Dyzan, naiinggit ako."

"Maxine, hayaan mo sila. Moment nila to. Panira ka talaga!"

"Mahal na mahal kita Allystra!" namula ako sa sinabi niya. Ngayon niya lang ata yun sinabi sa harap ng maraming tao. Ang bilis ng tibok ng puso ko.Sobrang bilis.

"Sana all"

"Lah sana ol Mahal"

"Kinikilig ako girl."

"Tae nakakainggit!"

"Kailan ako magkakalovelife."

"Gusto ko na ring humarot."

"Sana lahat!"

Medyo natawa ako sa mga narinig ko kaya medyo nawala yung kaba ko.

"Mahal na mahal din kita Lawrenz Jan!" Ngumiti siya saka yumakap sa akin. Yakap na sobrang higpit. Nagsigawan na naman ang mga kaklase ko.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon