Chapter 49

22 5 0
                                    

Umabsent ulit ako kinabukasan. Ayoko munang pumasok. Hindi pa rin nagtetext si Lawrenz. Kinakabahan na ako. Anong nangyayari? Paulit ulit ko siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Wala akong nakukuhang mensahe mula sa kanya. Wala siyang paramdam. Bigla akong kinabahan.

"Damn! Lawrenz... Why are you not answering my calls?"

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Ang bilis nilang maghinala sa akin. Nakuha nila ang tamang rason kung bakit ako lumipat sa campus na ito. Pero parang nasa akin naman yata lahat ng sisi. Hindi ako ang unang gumawa ng eskandalo nuon, si Reinzel yun. Pero anong laban ko? She's sick, ang tanging magagawa ko ulit ay ang intindihin ang mga bagay bagay. Pero paano naman ako? They accusing me a lot of statement that's not true.

Hindi ko naman alam na ganuon ang sitwasyon niya. Nabulag ako ng aking mga emosyon. Inunahan ako ng galit at inis pero wala naman akong ginawa sa kanya, Kay Reinzel. Given na na ang unang hakbang ko ay ang makita siya at makilala siya para naman  kahit papaano ay makaganti ako na alam kong immature. Pero nagsisi na ako. Tanggap ko na na ganun nga talaga, mas lalo na nuong nalaman kong ganuon ang kondisyon niya ay mas lalo akong naguilty. I know, may kasalanan siya pero hindi ko naman alam na ganuon pala ang lagay niya.

Totoong ang motibo ko sa pagpasok dito ay ang gumanti, But as the time passes by... kinalimutan ko na iyon. Alam kong napakaimmature pero anong magagawa ko? Inunahan ako dati ng inis at panghihinayang sa akademyang pinapasukan ko.

Pumasok ako kinabukasan at ganuon pa rin ang tingin nila sa akin. Madami pa rin ang hindi nakakaintindi. Paano nila maiintindihan kung hindi nila alam ang buong nangyari.

Magkasama kami ngayon ni Dyzan. Lawrenz is still not around. Even Maxine. She's not in the academy.

"Ally." nasa rooftop kami ngayon.

"Wala akong balak magpakamatay. Nandito lang ako para lumayo sa ingay." napahinga siya ng maluwag.

"Ewan ko. Pero mukhang kasalanan ko nga ang lahat."

"No, It's not. I understand you. Ang mahalaga naman ay hindi ka naghiganti. Though given nga yung may balak ka pero ang mahalaga hindi natuloy."

"Pero mali pa rin ako."

"Medyo."

"Pero hindi ko naman alam na ganuon ang sitwasyon niya. Kung alam ko man, malamang na malamang hindi ako magpaplano. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan iyon. Ang mali ko lang, masyadong namayani sa akin ang galit dati na kung saan binalak ko ang hindi dapat." Lumuha ako. Nagbigay siya ng panyo. Hindi ko alam pero napaiyak na naman ako. Lalo na ngayong hindi ko pa nakikita si Lawrenz. Alam niya na ba ang lahat? Iniiwasan niya ba ako?

Naramdaman ko ang yakap ni Dyzan kaya mas lalo akong napahikbi. I really need comfort right now. Nagiging mahina na naman ako at ayokong mangyari iyon.

"Tahan na. I understand you. Magiging maayos din ang lahat."

Sa pagbalik namin sa classroom ay nakarinig kami ng bagong komento mula sa iba kong kaklase.

"I saw Lawrenz and Gail yesterday. Nagbalikan na ba sila?" tumingin sila sa akin kaya naman napayuko ako.

"I don't know. Maybe. Bagay na bagay kaya sila."

Naramdaman ko ang kamay ni Dyzan sa aking balikat. "Don't listen to them. I know they are just making a scene to makes you iritate and bothered.

Sa buong linggo ay hindi ko nakita si Lawrenz. Patuloy pa rin sila sa pagbibigay sa akin ng masasamang salita pero hindi ko na ito pinansin dahil parang wala naman akong magagawa. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nilang paninira tungkol sa meron kay Gail at Lawrenz. I know that Lawrenz can't do that thing. He promised me.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon