Chapter 35

28 7 0
                                    

"Okay na?" tanong sa akin ni Maxine nang makarating kami sa cafeteria. Tumango ako sa kanya saka ngumiti. Nag order na kami ng pagkain namin. Naging masaya ang lunch time namin dahil sa mga kwentong dala ng bawat isa.

Gaya ko ay sa probinsya din nagdiwang ng pasko si Dyzan kasama ang pamilya niya. Si Maxine naman ay sa Batangas siya hanggang sa magbagong taon.

Masaya ako dahil masaya rin ang mga kaibigan ko.

Napatingin ako kay Lawrenz kaya ngumiti naman siya ng mapatingin din siya sa akin.

Mabilis na lumipas ang araw at sobrang busy na naman kami sa aming academics.Ang dami na namang pinapagawa. May schedule na rin para sa midterm exams.

"Natapos niyo na ba yung pinapagawa sa Biology?" tanong ni Dyzan.

"Hindi pa. Hindi ko pa nasisimulan."

"Same."

"Kailan ba ipapasa iyon?" tanong ni Maxine.

"First week of February, I guess. Iyon yung narinig ko kay Ma'am nuon eh." Napatingin ako kay Lawrenz na busy sa pagbabasa ng chemistry book niya.

Andito kami ngayon sa bench, malapit sa field. We decided to study here para sa long quiz namin sa Chemistry. Ang teacher namin na sobrang strikto. Katatapos namin mag lunch at masasabi ko na mabilis lang yung ginawa naming pagkain.

"Kailan niyo balak gawin?" tanong ni Dyzan.

"Sa week end siguro." saad ko. "Gusto niyo bang sa bahay nalang tayo gumawa kung gusto niyo." aya ko sa kanila. Tumingin sila sa aking tatlo saka ngumiti.

"Nice Idea."

"Pwedeng pwede."

"Basta ba libre ang foods" natawa nalang kami sa sinabi ni Maxine.

"Yes naman. Just bring your materials ah. Mas maganda na rin siguro iyon para matulungan natin ang isat isa."

"Bakit kasi kailangan pang individual sa paggawa ng DNA."

"Madali lang naman iyon eh." kontra ni Dyzan kay Maxine.

"Madali? Eh hindi mo nga masimulan. Asan ang madali iyon? Ang yabang mo talaga kahit kailan!"

"Tinatamad lang akong gumawa kaya wala pa akong nasisimulan!"

"Tamad ka talaga, mayabang pa. Akala mo naman gwapo!"

"Anong connection ng sinasabi mo? Gwapo naman talaga ako. Baka nga crush mo ako eh..." Natawa ako sa sinabi ni Dyzan. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin umaamin itong si Maxine? Sabagay ayaw niya raw mag first move.

"Crush?" biglang namula si Maxine. "EXCUSE ME?" malakas niyang sigaw.

"O baka mas malala pa duon?Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo na ako."

"Letche! Bakit ako magkakagusto sayo? Ang yabang yabang mo! Matalino ka pero hindi rin naman ako bobo. Hindi ka namang sobrang gwapo pero maganda ako."

Natawa si Dyzan. "Sobrang gwapo ko kaya. Ang daming nagbibigay sa akin ng chocolates." sabay labas ng isang chocolate.

"Pakealam ko!"

"Pwede ba manahimik kayong dalawa? Kung gusto niyong magharutan,lumayas kayo sa harapan ko. Nagbabasa ako rito!" saad ni Lawrenz.

"Harutan?" sabay na sabi ng dalawa. Natawa tuloy ako sa kanila. Naalala ko tuloy nuong bago kami maghihiwa-hiwalay bago ang December break. Sobrang gulat silang dalawa nang sinabi namin na kami na ni Lawrenz. Sabagay, masyado nga naman kaming mabilis.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon