"Excuse me, Cr lang ako." napatingin ako kay Lawrenz na ngayon ay naglalakad patungo sa Cr. Napailing agad ako, hindi naman to siguro paghanga.
Nakikinig lang kami sa speech ng isa sa mga head ng school. Hindi ko magawang makinig dahil bumabagabag pa rin sa akin ang nangyari kanina.
Bakit kailangang bumilis ang tibok ng puso ko kapag siya ang kaharap ko?
Napabuntong hininga ako kaya napatingin sa akin si Dyzan na aking kaharap. Napataas tuloy ako ng isang kilay.
"Is there something wrong?" basa ko sa kanyang labi. Umiling agad ako bilang kasagutan saka tumingin ng muli sa stage kung saan nagsasalita pa rin ang isa sa head ng school.
Kita ko sa bandang gilid na nakaset up na ang mga gagamitin ng bandang magpeperform. Anong oras ba sila kakanta?
Napatingin ako sa aking phone at maaga pa naman. Mag iisang oras palang ang lumipas simula nang makarating ako rito.
Ilang sandali pa ay natapos na rin siyang magsalita kaya nagsipalakpakan ang mga mag aaral. Muling napuno ang aming kinaroroonan ng malakas natugtugin. Nawala ulit ang sobrang liwanag na kapaligiran.
"Tara sa gitna" halos hindi ko pa marinig si Maxine dahil sa lakas ng music.
Nahiya naman akong nagpahila kay Maxine. Hindi naman kasi ako sumasayaw talaga. "Asan si Lawrenz?" napalinga linga pa siya. Oo nga, san na pala yung lalaking iyon?
"Nagpaalam kanina sa atin, Cr lang daw siya. Pero hindi ko pa siya nakitang bumalik eh." halos pasigaw ko na itong banggitin kay Maxine.
Nagpatuloy na lamang kami sa pagsayaw. At kahit hindi ako marunong ay gumalaw galaw nalang ako, sinabayan ang ritmo ng awitin. Ngunit hindi rin nagtagal ang aming pagsasayaw dahil namatay ang ilaw sa Dance floor.
Marami tuloy ang napahiya at napasigaw. Natigil ang malakas na tugtog na nanggagaling sa malaking speaker.
"What's happening?" tanong ko kay Maxine na hindi ko makita.
Napatingin kaming lahat ng mapunta ang spotlight sa stage. At duon nakita namin na nakatayo na ang mga tutugtog. Meron na ang banda?
Muling nag-ingay ang crowd ng paluin ng drummer ang drum na sinundan din ng tunog ng electric guitar. This would be exciting...
Napahiyaw na rin ako sa tuwa. Isang masayang awitin ang kanilang tinugtog kaya nagsisitalon kami sa gitna. At masasabi ko nga na maganda ang boses ng vocalist ng banda. Mahusay nga talaga siya.
Hinila ako ni Maxine at nakipagsiksikan kami sa ibang estudyante. Gusto pa ata niyang pumunta kami sa pinakaharap.
Medyo nahirapan kami pero nakarating din kami.
Ngayon ay mas lalo ko ng tanaw ang mga artist. Lahat sila ay lalaki halata sa kanilang mga katawan. Hindi ko makita ang kanilang mukha dahil sa suot nilang maskara.
Ang kanilang vocalist na halos matakpan ang mukha dahil sa maskara. 3/4 sa kanyang mukha ang hindi nakikita.
Napatingin ako sa iba at ganun din pala ang kanilang suot. Pare-parehas.
"O my goooosh! Bababa na ang lead vocalist nila!" sigaw ni Maxine habang tumatalon pa. Natawa lang ako. At tila ba naestatwa naman kami ng huminto sa harap namin.
Mata niya lang ang aking nakita at hindi nakaligtaan ng paningin ko ang pagtingin niya rin sa akin.
Napasigaw na lamang si Maxine ng kinuha ng lalaki ang kamay ni Maxine at pinunta sa harapan.
Natawa naman ako sa kanya kasi ito yung gusto niyang mangyari simula pa nuong una. Exposure raw.
Mabilis yung beat ng kanta kaya nagsisitalon sila sa harapan, sumabay lang din si Maxine. At feel ko naman na nag eenjoy siya sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Novela JuvenilEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...