Chapter 38

28 7 0
                                    

Nagtungo kami sa sala. Inilibot pa nila ang paningin nila nang pumasok kami sa loob ng aming bahay. Malaki ang bahay namin pero alam kong malaki rin ang kanila.

"Dito lang kayo. Pupunta lang ako sa kusina." napatingin silang lahat sa akin.

Agad namang tumayo si Kaira para sumama sa akin. "I'll go to the kitchen too."

"Sasama rin ako. Nauhaw ako bigla." saka lumapit si Maxine sa amin. Ngumiti siya kay Kaira kaya ngumiti rin ang best friend ko pabalik. Umalis kami duon at iniwan namin ang apat na lalaki. Sana lang ay hindi sila magkagulo. Mukhang maayos naman ang kanilang tunguhan.

"Bakit kayo bigla biglang pumunta dito? You didn't even told me!"

"I'm sorry! Na miss ka lang naman namin. Hindi kaya tayo nagkita ng buong December break. Natural lang na bibisitahin ka namin. Hindi ko naman alam na may bisita ka rin. Ayaw mo nu'n? The more the merrier!" tawa niya pa.

"Gagawa kami ng project para sa BIO class namin."

"Nice. We can help you."

"Really? Nice Idea" saad naman ni Maxine kaya napatingin ako sa kanya pero tinawanan niya lang ako. "Para pag natapos na kami sa Project namin we can enjoy na. We can play or watch some movie ganun."

"yeah. That's a good idea. By the way I'm Kaira." saka naglahad ng kamay ang aking kaibigan. Napahinto tuloy kami.

"I'm Maxine. You're pretty!" puri ni Maxine sa kanya.

"Mas maganda ka nga eh."

Nauna na akong naglakad at narinig ko pa ang ilang kwentuhan nila tungkol sa kanilang sarili.

"Manang. Pito pa kaming lahat." agad kong sinabi.

"Oh siya siya. Ako na ang bahala." saka siya ngumiti sa amin.

"Hello po!" magalang na bati ng dalawa.

"Hello mga binibini." tawa ni Manang. Binuksan ko ang Ref saka ako kumuha ng tubig. Ibinigay ko ito kay Maxine. Naupo naman si Kaira sa isang upuan habang pinagmamasdan si Manang sa kanyang ginagawa.

"Manang, pakidamihan na rin po ang cookies. Matatakaw po sila." saad ko.

"Grabe sa matakaw ah!" kontra ni Kaira. Lumapit siya sa akin saka bumulong "In fairness ang gwapo gwapo ni Lawrenz." natawa lang ako sa sinabi niya.

Umalis na kami sa kusina at saka bumalik sa sala. Nag uusap ang dalawang mag pinsan habang nakaheadset naman si Dyzan. Si Kite naman na nakikisawsaw lang sa usapan ng dalawa. Napatingin si Dyzan sa amin ng dumating kami.

"We should start!" saad niya saka tumayo at kinuha ang mga gamit niya.

"Ang aga! Maglaro nalang tayo! O kaya'y manuod." sumama ang tingin niya kay Kite.

"Maglaro ka mag isa."

"Hey, I think we really should start doing our project. Ito talaga pinunta nila dito. Kayong tatlo" baling ko kanila Kaira "You should watch a movie muna. Gagawa muna kami, if that's okay to the three of you. Mabilis lang naman siguro namin matatapos ito." napabuntong hininga naman si Kite.

"Mas mabilis kayong matatapos kung tutulungan namin kayo. Diba Maxine? Para makanuod at makapaglaro na tayo kung yun ang gusto niyo. The more na maraming gagawa mas mabilis matapos." ngumiti pa si Kaira. Napatingin ako kay Lawrenz at napaisip din siya.

"Oo nga. Ganun lang. We're willing to help you guys." saad ni Kite.

"Mas okay nga siguro." si Byron.

"Okay!" si Lawrenz.

"Bahala kayo." napailing naman ako kay Dyzan.

Wala na akong nagawa dahil pumayag naman na sila. Sa sala na mismo kami gumawa.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon