Chapter 6

64 13 0
                                    

"Oh Ayan Baby, ang ganda ganda mo na! Dalaga ka na nga" napangiti naman ako sa salamin dahil sa sinabi ni Mama.

"May Boyfriend ka na ba,baby?" tanong ni Mama kaya napahinto ako sa pagpuri sa aking sarili.

"Wala ma! Masyado pang maaga para diyan!" saka ako bahadyang natawa. Hindi ko alam kung bakit naisip ni mama na itanong to sa akin.

"Oh sige. Sunod ka na sa baba at ihahatid ka namin ng Papa mo."

"Sige ma!" Tumango ako saka napatingin muli sa salamin. Napatingin ako sa aking repleksiyon, simple lamang ang gown na sinuot ko, pero bagay na bagay sa kutis ko.Mas lalong lumitaw ang kagandahan ko. Napangiti ako saka huling sinulyapan ang aking sarili.

Ngayon lang ako dinatnan ng excitement. Bakit naman kaya?

Napailing nalang ako saka bumaba na. Pasado alas sais y medya na ng gabi. 7 pa naman mag start yung program kaya paniguradong malelate ako nito.

"Ang ganda ganda naman ng baby namin" napangiti ako sa sinabi ni Papa habang pababa ako ng hagdan. Dahan dahan ang aking pagbaba dahil sa aking high heels.

"Syempre naman pa, Kanino pa ba magmamana ang baby niyo?" natawa naman sila pareho sa sinabi ko.

"You might be late to your program. Let's go."

Hindi ko alam pero excited ako ngayong gabi. I don't know, pero feeling ko talaga ay mag eenjoy ako.

Pagkarating namin sa school ay masaya akong nagpaalam sa kanila.
Humalik ako sa kanilang mga pisnge at medyo pinaalalahanan naman nila ako sa mga dapat kong gawin.

"Don't worry ma, pa... Wala akong boyfriend kaya wala kayong dapat ikabahala" natatawa kong sambit. Pinagpipilitan kasi nila na baka may Boyfriend na ako.

"Sige Baby, tawagan mo nalang si Papa kapag papasundo ka na ah. Enjoy!" kumaway na ako sa kanila at ng makalayo na ako ay napabuntong hininga ako.

Pinagmasdan ko silang makaalis sa parking lot ng academy. Nang makaalis na sila ay saka na ako nagpasiya na pumunta sa venue. Late na ako kaya paniguradong nagsimula na ang program.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang bawat estudyante na nasa gitna ng dance floor. Late na late nga ata ako.

San ba sila Maxine? Paano ko sila mahahanap kung napaka dim ng lights.

Nagsimula akong maglakad sa gilid para hanapin sila. Hindi naman siguro ako mahihirapan sa paghahanap.

Sa aking paghahanap ay bigla akong nakita ni Dyzan. "Bakit ngayon ka lang?" bungad niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang sa aking paa.

"Wala eh, pinaganda ako nila mama ng sobra" pagbibiro ko.

"Ang ganda nga" saad niya. Malakas man ang musika na bumabalot sa venue ay narinig ko pa rin iyon.

"Salamat" pero bigla siyang napangisi. Anong kalokohan na naman kaya ang nasa isip nito?

"Nagpapaganda ka no? May crush ka talaga eh" saad niya kaya ako naman ang natawa.

"Kahit naman di na ako magpaganda, maganda pa rin ako"

"Yabang"

Ako naman ang napatitig sa kanya. "Ikaw din naman eh, ang gwapo mo ngayon!" pambabawi ko sa sinabi niya kanina.

"Alam ko."

"Pero syepre ngayon lang" saka ako natawa.

"Aminin mo na kasi na gwapo talaga ako araw araw, san mang anggulo gwapo talaga."

"Sus! Walang silbi yang kapogian mo kung di ka naman gusto ng gusto mo. Wala rin." napatingin ako sa mga estudyante na nagsasaya. Gusto ko na rin tuloy sumayaw.

Chasing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon