Pagkatapos ng klase ko ay mabilis na akong nagpaalam kanila Maxine. Napataas pa ng kilay si Maxine pero hindi ko na ito pinansin at ngumiti nalang ako saka lumabas ng classroom.
Mabilis akong bumaba saka nagtungo sa locker area. Walang tao sa locker area dahil 5 pm na. Tahimik akong naglalakad habang papunta ako sa locker ko.
Nang makarating ako sa locker ko ay saka ko kinuha ang susi ko para mabuksan ito. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang sunflowers na binigay sa akin ni Lawrenz kahapon. Medyo lanta na siya dahil sa nakalimutan ko itong iuwi kahapon. Kung sana lang maganda ang huling nangyari kahapon ay sana naiuwi ko to.
Napailing nalang ako saka ito binaba muna sa sahig. Kinuha ko yung iba kong aklat saka ko naman binalik yung libro galing sa bag ko na hindi ko magagamit sa bahay.
Habang inaayos ko ang aking mga libro ay naramdaman ko ang presensya ni Lawrenz. Binuksan niya ang kanyang locker na katabi sa akin kaya amoy na amoy ko siya. Hindi pa rin nagbabago ang amoy niya simula kaninang umaga. Mabango pa rin.
Napakagat tuloy ako ng labi. Nagsorry siya sa akin ng madaming beses pero hindi ko siya pinatawad. I know, masyado na akong nagiging matigas sa kanya. Pero kasalanan niya yun.
Nasaktan niya ako at paniguradong nasasaktan ko rin siya ngayon.
Napahinto tuloy ako sa pag-aayos ng aking locker.Pero agad din akong napailing saka mabilis na tinapos ang pag-aayos. Nang matapos na ako ay sinarado ko na ito. Napatingin ako kay Lawrenz at agad din siyang bumaling sa akin.
"I'm sorry babe. Please, let's talk. You've been avoiding me the whole day. You didn't answer my calls and my messages. And even though we're at the same place and spot you'll still acting like you never see me. It hurts, babe. It really hurts." dire-diretso niyang sabi. Napalunok ako saka napaiwas ng tingin.
"Please, look me in my eyes." saka niya hinawakan ang aking pisngi. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin. Ang pagdampi ng kamay niya sa akin ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"Babe, I love you. Magbati na tayo please." kita ko sa mata niya ang sakit. I love him so much.
"Lawrenz." tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking pisngi.
"Babe, please. I'm sorry. Forgive me please. I know I was wrong, nagkamali ako pero maniwala ka hindi ko ginusto yun."
"Ssshhh" nilagay ko sa bibig niya ang hintuturo ko. Mukhang hindi ko nga siya matitiis.
"Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? Sa tingin mo matitiis kitang humihingi ng sorry sa akin ng paulit ulit?" tumitig siya sa akin saka hinawakan ang aking kamay.
Tumingin ako sa paligid saka muling tumingin sa kanya. Ngumisi ako saka ko siya mabilis na hinalikan sa kanyang labi. Una ko tong ginawa. Ang halikan siya sa labi niya. Lagi kasi siya ang humahalik sa akin sa labi.
Hinalikan ko siya ng dahan dahan. Naramdaman ko ang paghalik niya sa akin pabalik. Mas lalo kong dinikit ang sarili ko sa kanya at mas lalo hinalikan ang kanyang malambot na labi.
Umakyat ang kamay ko sa kanyang leeg papunta sa kanyang batok. Pinaglaruan ko ang pang ibaba niyang labi.
Ako na ang kumawala at saka ako huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin saka napangiti. Ilang oras ko lang hindi nakita yung ngiti niya pero namiss ko agad.
"Oh yan! Wala na sa labi mo yung halik ng magaling mong ex." nilagay ko ang aking hintuturo sa labi niya saka ko ito pinunasan muli. "sa susunod na magpapahalik ka pa sa iba, ilang araw kitang hindi papansinin." saad ko saka ko siya ulit hinalikan sa labi.

BINABASA MO ANG
Chasing You (Completed)
Teen FictionEkilenoz Allystra Delzario was kicked out at Bright Academy, the most highly recommended school in their town. She was involved in a fight that made her staying at Bright Academy ruined. She loves to study at Bright Academy but she can't do anythin...